Roman Superhighway

(Idinirekta mula sa Lansangang N301 (Pilipinas))

Ang Roman Superhighway, na kilala rin bilang Lansangang Panlalawigan ng Bataan (Bataan Provincial Highway) at noon bilang Bataan Provincial Expressway, ay isang 68 kilometro (42 milyang) pambansang lansangang sekundarya na may dalawa hanggang apat na mga landas na nag-uugnay ng bayan ng Dinalupihan sa Mariveles sa lalawigan ng Bataan, Gitnang Luzon.[1][2] Ipinangalan ang lansangan sa dating Kinatawan ng Bataan na si Pablo Roman, Sr.

Roman Superhighway
Bataan Provincial Highway
Bataan Provincial Expressway
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan Bataan - Una at Ikalawang Distrito at Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Bataan
Haba68 km (42 mi)
Bahagi ng N301
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N3 (Abenida Jose Abad Santos) – Dinalupihan
 
Dulo sa timog N301 (Kalye F. Zalavarria) – Mariveles
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodBalanga
Mga bayan
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Unang nilayon na gawin itong mabilisang daanan na maglilingkod sa Bataan Economic Zone, ngunit ito'y naging isang nasa-lupang lansangang bayan paglaon nang nagtayo ang mga residente ng mga bahay at establisimiyentong pangnegosyo aa daanan. Ang buong lansangan ay isang bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 301 (N301) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.

Mga sangandaan

baguhin

Ang buong ruta matatagpuan sa Bataan. Nakabilang ang mga sangandaan batay sa mga palatandaang kilometro. Itinakda ang Liwasang Rizal sa Maynila bilang kilometro sero

Lungsod/BayankmmiMga paroroonanMga nota
Dinalupihan  N3 (Abenida Jose Abad Santos)Hilagang dulo.
  E4 (Subic–Clark–Tarlac Expressway)
Pilar  N302 (Pambansang Daan ng Governor Joaquin J. Linao)
Orion  N303 (Pambansang Daan ng Bataan)
Limay  N303 (Pambansang Daan ng Bataan)
Mariveles  N301 (Kalye F. Zalavarria)Katimugang dulo.
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi


Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Bataan 1st". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-08-12. Nakuha noong 2018-08-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Bataan 2nd". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-08-12. Nakuha noong 2018-08-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)