National Grid Corporation of the Philippines

Ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay isang pribadong kompanya sa Pilipinas na itinatag noong Enero 15, 2009 sa pamamagitan ng RA 9511. Ito ay kasunduan ng mga tatlong korporasyon na tinatawag ay Monte Oro Grid Resources Corporation, Calaca High Power Corporation, at ang State Grid Corporation of China. Bilang isang tagahawak ng prankisa, sila ay nagpapagana, nangangalaga, at nagpapalawak ng mga pasilidad na naghahatid ng kuryente sa isang bansa na pag-mamayari ng pamahalaan (sa pamamagitan ng National Transmission Corporation o TransCo), kumokontrol sa suplay at demand ng kuryente sa pamamagitan ng pagtukoy ng power mix sa pagpili ng planta ng kuryente upang gumana (ibig sabihin, upang sumenyas ang mga planta ng kuryente para makagawa ng kuryente, na pwede lang makagawa ng kuryente o makakuha sa grid na naghahatid ng kuryente kapag pinapamahalaan ng NGCP). Bilang isang tagahatid ng kuryente, dapat makialam sa mga pasilidad na naghahatid ng kuryente nang walang diskriminasyon. Ito ay napapailalim sa mga pamantayan na itinakda ng Philippine Grid Code at Transmission Development Plan. Nagbibigay din sila ng pang araw-araw na sitwasyon ng kuryente sa Luzon, Visayas, at Mindanao sa pamamagitan ng pagtukoy sa magagamit na kapasidad, system peak, at gross reserve (lahat ng mga ito ay nasa unit ng MW o megawatts).

baguhin