Abenida Abad Santos
Ang Abenida Jose Abad Santos (Ingles: José Abad Santos Avenue) ay isang pangunahing daang arteryal at panlungsod sa Maynila na matatagpuan sa distrito ng Tondo sa hilagang bahagi ng lungsod. Isa itong daang hinahatian sa gitna ng panggitang harangan na may apat na linya sa bawat direksiyon na dumadaan sa silangang gilid ng Tondo mula sa sangandaan nito sa Abenida Rizal malapit sa Manila Chinese Cemetery sa hilaga hanggang sa sangandaan nito sa Abenida Recto malapit sa Estasyong daangbakal ng Tutuban, pamilihang distrito ng Divisoria, at Binondo sa timog.
Abenida Abad Santos Abad Santos Avenue | |
---|---|
Calle Palomar Calle Manuguit | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 3 km (2 mi) |
Bahagi ng | N151 |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | N150 (Abenida Rizal) sa Santa Cruz |
| |
Dulo sa timog | N145 (Abenida Recto) sa Binondo |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Kasaysayan
baguhinSa simula, itinayo ang Abenida Abad Santos noong unang bahagi ng ika-19 na dantaon sa ilalim ng pamumuno ng mga Kastila bilang Calle Manuguit, isang makipot na kalye panresidensyal sa pueblo ng Tondo. Pinaniniwalaang hinango ang pangalan ng kalye mula sa isang namumunong angkan ng Tondo bago ang panahon ng mga Kastila. Isa sa mga kasapi ng nasabing angkan ay si Don Agustin Manuguit, isang lokal na ministro na sumali sa panghihimagsik ng mga lakan. Pinahaba ang kalye patimog para maiugnay ito sa Calle Palomar mula sa timog ng Calle Mayhaligue hanggang sa dulo nito sa Calle Azcarraga (Abenida Recto ngayon). Noong 1955, sa pamamagitan ng Batas Republika Blg. 1256, binigyan ito ng bagong pangalan mula kay José Abad Santos, punong mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman na binitay ng mga puwersa ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1]
Paglalarawan ng ruta
baguhinNagsisimula ang Abenida Abad Santos sa paghiwalay nito mula Abenida Rizal sa timog ng Kalye Hermosa malapit sa Simbahan ng San Jose Manggagawa de Manuguit at Sementeryong Tsino ng Maynila sa hangganan ng mga distrito ng Tondo at Santa Cruz. Dadaan ito patimog sa karamiha'y pook-pamahayan ng Manuguit at tatawid ng Kalye Solis at linya ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas sa Kalye Antipolo. Papasok naman ang abenida sa pook ng Tayuman at babagtasin ang Kalye Yuseco (dating Kalye Tayabas), Kalye Tayuman at Kalye Quiricada. Sa timog ng Kalye Bambang, dadaan ang Abenida Abad Santos sa pook ng Tutuban na tahanan ng Templo ng Seng Guan, Kolehiyo ng Chiang Kai Shek, Philippine Cultural College, gayundin ang Mababang Paaralan ng General Hizon at Mababang Paaralan ng Gregorio del Pilar. Nagtatapos ang daan sa sangandaan nito sa Abenida Recto malapit sa distritong pamilihan ng Divisoria.
Mayroong maiksing karugtong ang abenida patungong Binondo at Plaza San Lorenzo Ruiz sa timog ng Abenida Recto bilang Kalye Reina Regente (Reina Regente Street). Pinaglilingkuran ito ng Estasyong Abad Santos ng LRT sa Abenida Rizal.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Republic Act No. 1256 - An act changing the name of Manuguit Street". LawCenter Philippines. Nakuha noong 18 Disyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)