Lansangang-bayang Romulo
Ang Lansangang-bayang Romulo (Ingles: Romulo Highway), na dating tinawag na National Highway 13, ay isang lansangan sa Pilipinas na dumadaan sa mga lalawigan ng Tarlac at Pangasinan. Ang haba nito ay 77.2 kilometro (48.0 milya), at nagsisimula ito sa Bulebar Ninoy Aquino sa Lungsod ng Tarlac at nagtatapos ito sa Daang Lingayen-Labrador sa Lingayen. Dumadaan ito sa mga bayan ng Santa Ignacia, Camiling, at San Clemente sa Tarlac; at Mangatarem, Aguilar, at Bugallon sa Pangasinan. Bahagi ito ng Pambansang Ruta Blg. 55 (N55) ng sistemang lansangambayan sa Pilipinas.
Ipinangalan ito kay Carlos P. Romulo, isang Pilipinong diplomatiko, politiko, sundalo, mamamahayag, at manunulat na naglingkod din bilang Pangulo ng Mga Nagkakaisang Bansa mula 1949 hanggang 1950. Si Romulo ay ipinanganak sa Camiling, bayan sa Tarlac kung saan dumadaan ang lansangan.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhinCoordinates needed: you can help!