Lee Min-ho
- Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Lee.
Si Lee Min Ho (Koreano: 이민호) ay isang artista, mang-aawit at modelo mula sa Timog Korea. Nakilala sa kanyang papel bilang pinuno ng F4, si Gu Jun Pyo, sa Koreanong adaptasyon ng ng sikat na seryeng manga, ang Hana Yori Dango, na pinamagatang Boys Over Flowers noong 2009. Sa papel niyang iyon, napanalunan niya ang maraming mga gantimpala, kabilang ang Pinakamagaling na Bagong Aktor sa kategoryang pantelebisyon sa ika-45 Baeksang Arts Awards. Pinatibay pa niya ang kanyang katayuan bilang leading man o nangununang lalaking tauhan sa natamong tagumpay ng mga palabas na City Hunter (2011) - kung saan ay nominado siya bilang Pinakasikat na Aktor sa kategoryang pantelebisyon sa ika-48 Baeksang Arts Awards at maging din ang Tanyag na Koreanong Aktor sa ika-7 Seoul International Drama Awards — at ang The Heirs (2013), kung saan nakapagtamo siya ng panibagong nominasyon para sa Pinakapopular na Aktor sa ika-50 Baeksang Arts Awards. Ang pumatok sa takilya na pelikulang Gangnam Blues ay ang kanyang unang pagbida sa isang pelikula.
Lee Min-ho | |
---|---|
Kapanganakan | Lee Min-ho 22 Hunyo 1987 |
Nasyonalidad | Timog Koreano |
Edukasyon | B.A. Pelikula & Sining |
Nagtapos | Pamantasang Konkuk |
Trabaho | artista, mang-aawit, modelo |
Aktibong taon | 2003-kasalukuyan |
Ahente | Starhaus Entertainment (Korea) IMX Inc. (Hapon) Huayi Brothers (Tsina) |
Kilalang gawa | Boys Over Flowers (2009) Personal Taste (2010) City Hunter (2011) Faith (2012) The Heirs (2013) Gangnam Blues (2015) |
Tangkad | 1.87 m (6 ft 2 in) |
Parangal | 35 |
Pangalang Koreano | |
Hangul | 이민호 |
Hanja | 李敏鎬 |
Binagong Romanisasyon | I Minho |
McCune–Reischauer | Yi Min-ho |
Website | leeminho.kr |
Nagsimula ang kanyang karera noong taong 2006 sa iba't ibang papel, kabilang na ang Koreanovela, maikling drama, at pelikula.
Buhay at karera
baguhinIpinanganak si Lee sa Heukseok-dong, Dongjak-gu, Seoul. Bilang isang bata, pinangarap ni Lee na maging isang propesyonal na manlaláro ng putbol. Napili siya para sa pang-kabataang laruan ng futbol ng isang Timog Koreanong tagapangasiwa at dating manlalarong si Cha Bum-Kun, ngunit nagtamo siya ng bahagyang pinsala noong elementarya na nagpatigil sa kanyang pangarap.[1] Ganoon pa man, pinagpatuloy-tuloy naman ni Lee ang futbol, at nabanggit din niyang si Cristiano Ronaldo ang kanyang iniidolong manlalaro.[2] Sa kanyang ikalawang taon sa mataas na paaralan, napagkaabalahan ni Lee ang pagmomodelo at pag-aartista. Pagkatapos ng mga pagsasanay, nagsimulang mag-awdisyon si Lee at ginanapan niya ang mga mumunting papel sa mga dramang pantelebisyon, kagaya ng Nonstop 5 at ng Recipe of Love. Ang kanyang kauna-unahang pagganap ay sa isang serye ng EBS, ang Secret Campus.[3] Sa kasibulan ng karera ay ginamit niya ang pangalang Lee Min dahil inakala noon ng kanyang ahensya na pangkaraniwan na ang kanyang pangalang pang-kapanganakan. Subalit, dahil binibigkas ang kanyang pangalang pangkarera na imin (Hangul: 이민) na ang ibig ding sabihin ay "pandarayuhan" (Hanja: 移民), naging mahirap iyon upang matagpuan siya sa mga resulta sa internet. Kaya naman muli niyang ginamit ang kanyang orihinal na pangalan.[4]
Noong 2006, natigil ang kanyang karera sa pag-arte sa loob ng halos isang taon dahil sa malalang aksidente sa kotse.[1] Nang gumaling na mula sa pinsalang natamo, ginampanan ni Lee ang kauna-unahang pambidang papel sa isang dramang pang-hayskul na Mackerel Run noong 2007, ngunit pinaikli lamang sa hanggang 8 kabanata ang serye dahil sa mababang marka o rating.[5] Noong 2008, ginampanan niya ang iba't ibang papel sa telebisyon (mga dramang Get Up at I Am Sam) at dalawang pelikula (Public Enemy Returns at Our School's E.T.).
Pilmograpiya
baguhinMga seryeng pantelebisyon
baguhin- City Hunter bilang Lee Hyun Seong (SBS,2011)
- Personal Taste bilang Jin Hoo (MBC,2010)
- Boys Over Flowers (꽃보다 남자) bilang Gu Jun Pyo (KBS2, 2009)
- But I Don’t Know It Either (나도 잘 모르지만) bilang Min Wook Gi (MBC, 2008)
- I Am Sam bilang Heo Mo Se (KBS2, 2008)
- Run Mackerel (달려라 고등어) bilang Cha Gong Chan (SBS, 2007)
- Secret Campus (비밀의 교정) bilang Park Doo Hyun (EBS, 2006)
- Love Hymn (MBC, 2005)
- Legend of the Blue Sea (2016)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Life graph of Lee Min Ho, "Actor's job is to give hope and courage"". Naver. Nakuha noong 14 Hulyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lee Min Ho Interview" (sa wikang Koreano). isPlus. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-22. Nakuha noong 2015-11-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Salin sa Ingles - ↑ "Star Diary: Lee Min-ho - Part 1". Asiae. TenAsia via Asiae. Nakuha noong 28 Oktubre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Star Diary: Lee Min-ho - Part 3". Asiae. TenAsia via Asiae. Nakuha noong 28 Oktubre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Star Diary: Lee Min-ho - Part 2". Asiae. TenAsia via Asiae. Nakuha noong 14 Hulyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Lee Min Ho. Sina Naka-arkibo 2012-05-04 sa Wayback Machine. (sa Tsino)
- Official Korean Website (sa Koreano)
- Official Japanese Website (sa Hapones)
- Lee Min-ho sa Twitter