Leon Guinto
Si Leon Gawaran Guinto Sr. (28 Hunyo 1896 − 10 Huyo 1962) ay dating lingkod bayan mula sa Pilipinas mula noong panahong ng Komonwelt hanggang sa panahong makaraan ang digmaan. Higit siyang nakilala bílang alkalde ng Maynila noong panahon ng digmaan.
Leon Guinto | |
---|---|
Alkalde ng Maynila | |
Nasa puwesto 27 Enero 1942 – 17 Hulyo 1944 | |
Bise Alkalde | Hermenegildo Atienza (1942−1944) |
Nakaraang sinundan | Jorge B. Vargas |
Sinundan ni | Hermenegildo Atienza |
Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula ikalawang distrito ng Tayabas | |
Nasa puwesto 1925–1931 | |
Nakaraang sinundan | Rafael R. Vilar |
Sinundan ni | Marcelo T. Boncan |
Gobernador ng Quezon | |
Nasa puwesto 30 Disyembre 1955 – 30 Disyembre 1959 | |
Nasa puwesto 1931–1933 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | Leon Gawaran Guinto 28 Hunyo 1896 Bacoor, Cavite, Captaincy General of the Philippines |
Yumao | 10 Hulyo 1962 Maynila, Pilipinas | (edad 66)
Himlayan | Manila South Cemetery |
Partidong pampolitika | KALIBAPI |
Asawa | Marta Montes |
Anak | 3 |
Alma mater | Colegio de San Juan de Letran |
Trabaho | politiko |
Panimulang búhay
baguhinIpinanganak si Guinto noong 28 Hunyo 1896 kay Juan Guinto at Pia Gawaran sa Barrio San Nicolas, Bacoor, Cavite. Nagtapós siya ng pag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran. Una siyang nagtrabaho sa Kawanihan ng Panahon. Ikinasal siya kay Marta Montes na taga-Atimonan, Tayabas at nagkaroon ng limang supling, tatlong lalaki, at dalawang babae.
Noong 1916, nilisan niya ang kaniyang trabaho sa Kawanihan ng Panahon upang mag-aral ng batás sa Escuela de Derecho, at noong 1920 naging ganap na abogado. Matapos noon, nakapagtrabaho siya bílang pribadong kalihim ni Manuel L. Quezon na Pangulo ng Senado.
Paglilingkod sa pamahalaan
baguhinPanahon ng mga Amerikano
baguhinMakaraang manungkulan sa maikling panahon bílang pribadong kalihim ni Manuel Quezon, tumakbo noong 1922 si Guinto bílang kagawad ng Lupong Panlalawigan ng Tayabas, ang pinanggalingang lalawigan ng kaniyang asawang si Marta Montes.
Noong 1925, kumandidato si Guinto bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Tayabas sa Kapulungan ng mga Kinatawan. Kaniya itong napanalunan at nanungkulan sa naturang posisyon sa loob ng anim na taon hanggang 1931.
Nahalal siya bílang gobernador ng Tayabas noong 1931, ngunit napaikli ang kaniyang termino nang siya'y hirangin ni Gobernador Heneral Theodore Roosevelt Jr. bilang Komisyonado ng Kaligtasang Pambayan. Bandang hulí ng 1933, hinirang siya ni Gobernador Heneral Frank Murphy bílang pangalawang kalihim ng Kagawarang Interyor. Noong 1934, nang ipinagsanib ang kagawaran ng Interyor, at ng kagawaran ng Paggawa, nagpatuloy si Guinto bilang pangalawang kalihim sa naturang magkasanib na tanggapan.
Panahong Komonwelt
baguhinNoong 1940, hinirang si Guinto bilang Kalihim ng Paggawa sa pamahalaang Komonwelt ni Pangulong Manuel L. Quezon.