Atimonan

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Quezon
(Idinirekta mula sa Atimonan, Tayabas)

Ang Atimonan ay isang ika-1 klaseng bayan sa lalawigan ng Quezon, Pilipinas. Matatagpuan ang bayan sa silangang baybayin ng lalawigan, 42 kilometro (26 milya) mula sa Lucena at 172 kilometro (107 milya) sa timog-silangan ng Maynila. Naghahanggan ang bayan sa mga munisipalidad ng Gumaca, Plaridel, Pagbilao at ng Padre Burgos. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 64,260 sa may 16,701 na kabahayan.

Atimonan

Bayan ng Atimonan
Opisyal na sagisag ng Atimonan
Sagisag
Mapa ng Quezon na nagpapakita sa lokasyon ng Atimonan.
Mapa ng Quezon na nagpapakita sa lokasyon ng Atimonan.
Map
Atimonan is located in Pilipinas
Atimonan
Atimonan
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°00′13″N 121°55′11″E / 14.003589°N 121.919861°E / 14.003589; 121.919861
Bansa Pilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
LalawiganQuezon
DistritoPang-apat na Distrito ng Quezon
Mga barangay42 (alamin)
Pagkatatag4 Pebrero 1608
Pamahalaan
 • Punong-bayanRustico Joven U. Mendoza
 • Manghalalal38,098 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan239.66 km2 (92.53 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan64,260
 • Kapal270/km2 (690/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
16,701
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan22.69% (2021)[2]
 • Kita₱260,229,688.63107,451,954.00119,372,228.65131,957,335.49149,876,019.00165,928,353.00183,426,677.51219,958,418.83271,916,925.16352,747,947.81 (2020)
 • Aset₱418,938,449.93184,292,876.00191,111,569.67216,965,165.97216,204,083.00272,077,605.00338,849,408.33349,291,336.92363,604,012.26479,480,065.65598,101,686.74 (2020)
 • Pananagutan₱57,919,979.0027,836,926.0018,008,164.1119,589,773.9939,283,989.0058,700,885.0095,836,174.6881,150,278.6952,098,317.0252,293,739.9684,181,059.31 (2020)
 • Paggasta₱209,971,561.4789,995,280.0089,080,913.95104,257,632.41119,877,698.00134,032,239.00157,137,184.94172,401,956.53184,199,040.22199,078,519.15259,657,631.19 (2020)
Kodigong Pangsulat
4331
PSGC
045603000
Kodigong pantawag42
Uri ng klimaTropikal na kagubatang klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytatimonan.gov.ph
Istatwa ng sirena na pinaniniwalaang nagpakita sa bayan ng Atimonan noon

Isang makasaysayang lugar ang bayan na itinayo pa noong panahong kolonyal ng mga Kastila. Maraming mga masaysayang mga lugar sa bayan tulad ng simbahang bayan, ang daang Balagtas, at ang watchtower ng Iskong Bantay, sa daang kapangalan din ng watchtower, na pangunahing ginamit noong panahong Kastila para mapag-handaan ang mga paglusob ng mga piratang muslim.

Etimolohiya

baguhin

Ayon sa isang aklat ni Jesus Olega, sinasabing may tatlong pinanggalingan ang ngalan ng bayan ng Atimonan.

  1. Atimon, isang puno na hindi na nabubuhay sa kasalukuyan ngunit sinasabing tumubo sa bayan noon at maraming gamit sa mga mamamayan;
  2. Ang pariralang Tagalog na atin muna, nagpapahiwatig ng isang polisiya at pagkakaisa ng damdamin ng mga residente na nagpalakas ng kanilang mga diwa sa panahong nakipaglaban sila sa mga kaaway; at
  3. Simeona Mangaba, na mas kilala sa taumbayan bilang si Ate Monang, ang mas nakatatandang ate ni Francisco Mangaba, ang kauna-unahang kapitan ng bayan, at tagapagtatag ng bayan.

Ekonomiya

baguhin

Nakabase ang ekonomiya ng Atimonana sa pangingisda at agrikultura. Marami rin ang nagiging marino. Bahagi ang bayan sa programang Tourism Highway ng Kagawaran ng Turismo.

Mga Barangay

baguhin

Ang bayan ng Atimonan ay nahahati sa 42 barangay. Ang bawat barangay ay binubuo ng mga purok at ang ilan ay mayroong mga sityo.

  • Angeles
  • Balubad
  • Balugohin
  • Barangay Zone 1 (Pob.)
  • Barangay Zone 2 (Pob.)
  • Barangay Zone 3 (Pob.)
  • Barangay Zone 4 (Pob.)
  • Buhangin
  • Caridad Ibaba
  • Caridad Ilaya
  • Habingan
  • Inaclagan
  • Inalig
  • Kilait
  • Kulawit
  • Lakip
  • Lubi
  • Lumutan
  • Magsaysay
  • Malinao Ibaba
  • Malinao Ilaya
  • Malusak
  • Manggalayan Bundok
  • Manggalayan Labak
  • Matanag
  • Montes Balaon
  • Montes Kallagan
  • Ponon
  • Rizal
  • San Andres Bundok
  • San Andres Labak
  • San Isidro
  • San Jose Balatok
  • San Rafael
  • Santa Catalina
  • Sapaan
  • Sokol
  • Tagbakin
  • Talaba
  • Tinandog
  • Villa Ibaba
  • Villa Ilaya

Mga Tanawin

baguhin

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Atimonan
TaonPop.±% p.a.
1903 11,203—    
1918 13,087+1.04%
1939 18,512+1.67%
1948 21,474+1.66%
1960 32,294+3.46%
1970 35,478+0.94%
1975 37,483+1.11%
1980 39,894+1.25%
1990 46,651+1.58%
1995 54,283+2.88%
2000 56,716+0.94%
2007 59,157+0.58%
2010 61,587+1.48%
2015 63,432+0.56%
2020 64,260+0.26%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]


Atimonanin (atimonean) ang tawag sa mga naninirahan sa Atimonan. Tagalog ang pangunahing wika, at maraming lokal na ekspresyon. Kadalasang nauunawaan ng mga Manilenyo ang Atimonang Tagalog, ngunit may kakaunting pagkakaiba. Karamihan sa mga Atimonanin ay may lahing Intsik o kaya'y Kastila. Ang ibang Atimonanin naman ay nakakapagsalita ng Bicolano, Lan-nang, o kaya'y Espanyol.

Relihiyon

Pinakamalaking relihiyon ang Romano Katoliko sa Atimonan, may mga grupo o sekta din gaya ng Iglesia ni Cristo, Latter Day Saints at Born Again Christians. Ang Atimonan ay malalim na kaugat sa rural na buhay pangingisda. Ilan sa mga ibang relihiyon sa bayan ay:

Datos ng klima para sa Atimonan, Quezon
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Katamtamang taas °S (°P) 31.6
(88.9)
32
(90)
34
(93)
34.6
(94.3)
35.6
(96.1)
36
(97)
35
(95)
35
(95)
35.3
(95.5)
35
(95)
33
(91)
32
(90)
34.09
(93.4)
Katamtamang baba °S (°P) 21
(70)
20.3
(68.5)
21.3
(70.3)
21
(70)
22.6
(72.7)
23
(73)
23
(73)
23
(73)
23
(73)
23
(73)
23.3
(73.9)
23.3
(73.9)
22.32
(72.02)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 156.6
(6.165)
169.3
(6.665)
109
(4.29)
60.9
(2.398)
198.9
(7.831)
235.4
(9.268)
262.7
(10.343)
156.2
(6.15)
234.5
(9.232)
326.8
(12.866)
346.6
(13.646)
304.3
(11.98)
2,561.2
(100.834)
Araw ng katamtamang pag-ulan 22 6 6 5 15 15 13 14 8 22 17 16 159
Sanggunian: MDRRMO Atimonan[7]

sanggunian

baguhin
  1. "Province: Quezon". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Quezon". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Atimonan: Average Temperatures and Rainfall". MDRRMO Atimonan. Nakuha noong 1 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]

Kawing Panlabas

baguhin