Leonardo da Vinci

(Idinirekta mula sa Leonardo Da Vinci)


Si Leonardo da Vinci (Vinci, Italya, 15 Abril 1452 – 2 Mayo 1519, Cloux, Pransiya), ay isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto, embalsamador, musikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor, heometro, at pintor. Sinasalarawan siya bilang arketipo ng "Renasimyentong tao" at unibersal na henyo, isang tao na mausisa at maimbento. Tinuturing din siya bilang pinakadakilang pintor na nabuhay.[1]

Leonardo da Vinci
Portrait na gawa ni Francesco Melzi.
Kapanganakan
Leonardo di ser Piero da Vinci

15 Abril 1452(1452-04-15)
Vinci, Republika ng Florence (kasalukuyang-araw Italya)
Kamatayan2 Mayo 1519(1519-05-02) (edad 67)
Kilala saSining, agham
Mga gawa
KilusanMataas na Renasimiyento
Pirma

Sa kanyang buong buhay, si Leonardo — hindi alam ang kanyang apelyido, "da Vinci" na nangangahulugang "mula sa Vinci" — ay naging isang inhinyero, pintor, anatomista, pisiyolohista at iba pa. Ang kanyang buong pangalan "Leonardo di ser Piero da Vinci", ay nangangahulugang "Leonardo, ng ser Piero mula sa Vinci". Tanyag si Leonardo dahil sa kanyang mga pinintang larawan, katulad ng Mona Lisa at The Last Supper, gayon din ang mga maimpluwensiyang guhit katulad ng Vitruvian Man. Nagdisenyo siya ng mga imbensiyon na pinangunahan ang makabagong teknolohiya, katulad ng helikopter, tangke, gamit ng solar power, calculator, atbp., bagaman ilan lamang sa mga disenyo ang naisagawa sa kanyang buong buhay. Karagdagan pa nito, pinasulong niya ang pag-aaral sa anatomiya, astronomiya, at inhinyeriyang sibil. Sa kanyang mga gawa, iilan lamang ang nanatiling mga pinta niya, kasama ang mga sulatin (nakakalat sa kanyang mga iba't ibang mga koleksiyon) na may mga guhit, siyantipikong pagsasalarawan at mga tanda.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Heydenreich, Ludwig Heinrich (28 Abril 2020). "Leonardo da Vinci | Biography, Art & Facts | Britannica". Encyclopædia Britannica. Chicago: Encyclopædia Britannica, Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2012. Nakuha noong 26 Setyembre 2020.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.