Pusyawing bughaw
(Idinirekta mula sa Light blue)
Ang unang naitalang paggamit ng "pusyawing bughaw" (Ingles: light blue) bilang katawagan ng kulay sa Ingles ay noong taong 1915.[2]
Pusyawing bughaw (light blue) | ||
---|---|---|
— Colour coordinates — | ||
Hex triplet | #ADD8E6 | |
RGBB | (r, g, b) | (173, 216, 230) |
HSV | (h, s, v) | (194.7°, 53.3%, 6.1%) |
Source | ColorHexa.com[1] | |
B: Normalized to [0–255] (byte) |
Sa Ruso at ilan sa ibang mga wika, walang iisang salita para sa bughaw, ngunit sa halip ay iba't-ibang mga salita para sa pusyawing bughaw (голубой, goluboy) at dilimang bughaw (синий, siniy). Ang sinaunang salitang Griyego para sa pusyawing bughaw, glaukos, ay maaari ring mangahulugan na pusyawing lunti, Abo, o dilaw.[3]
Sa Makabagong Ebreo, ipinagkaiba ang pusyawing bughaw o tchelet (תכלת) sa bughaw o kachol (כחול).[4] Sa Makabagong Griyego, ipinagkaiba rin ang pusyawing bughaw o galazio (γαλάζιο) sa bughaw o ble (μπλε).[5]
Pusyawing bughaw sa kalinangang pantao
baguhin- Sa pangkasaysayang mga atlas na inilathala sa Alemanya, nakagisnang gamitin ang pusyawing bughaw bilang kulay na kumakatawan sa Alemanya, iba sa rosas na ginamit para sa Inglatera, lila para sa Pransiya, at pusyawing lunti para sa Rusya.[6]
- Ang mga pambansang watawat ng Arhentina, Bahamas, Botswana, Fiji, Guatemala, Kazakhstan, Micronesia, Palau, Somalia, at Tuvalu ay gumagamit ng pusyawing bughaw bilang pumapaimbabaw na kulay.
- Sa makabagong kulturang Kanluranin, kalimitang ginagamit ang kulay pusyawing bughaw upang kumatawan sa mga batang lalaki salungat sa kulay rosas na kumakatawan sa batang babae (ngunit tingnan ang pangontrang mga halimbawa sa Talaan ng mga sangguniang pangkasaysayan para sa rosas at bughaw bilang mga pampahiwatig ng kasarian).
- Karaniwang itinuturing na nakapagpapahinahon at nakapagpapahinga ang kulay na pusyawing bughaw. Dahil dito, minsang ginagamit ito sa pagpipinta ng mga silid ng ospital.
- Dahil ang kulay na ito ay nagpapaala-ala sa maraming tao ng kulay ng tubig (ngunit ang tunay na kulay nito ay siyano), patok ang pusyawing bughaw para sa pagpinta ng mga banyo o para sa mga kagamitang porselana sa banyo.
- Ang Cambridge Blue ay isang uri ng pusyawing bughaw na ginagamit ng Unibersidad ng Cambridge, taliwas sa Unibersidad ng Oxford na gumagamit ng madilim na uri ng bughaw (Oxford Blue).
- Ang pusyawing bughaw sa Hinduismo: inilalarawan si Shiva ang Tagapagwasak ng kulay pusyawing bughaw at tinawag na neela kantha, o blue-throated (may bughaw na lalamunan), dahil nakalamon ng lason sa pagtatangkang mapunta sa mga diyos ang pabor sa kasagsagan ng isang labanan sa pagitan ng mga diyos at mga demonyo.
- Seksuwalidad
- Sa wikang Ruso, tumutukoy ang rosas (розовый, rozovyj) sa mga lesbiyana, at sa mga binabae naman ang pusyawing bughaw (голубой, goluboj).[7]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "#add8e6 Color Information". ColorHexa.com.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong) - ↑ Maerz and Paul. A Dictionary of Color. New York: 1930 McGraw-Hill. Page 190.
- ↑ Michel Pastourou, Bleu: Histoire d'une couleur, pg. 24
- ↑ S. Kugelmass and E. Donchin, "THE AFFECTIVE VALUE OF COLORS", Megamot, No. 3 (טבת תש"ך / ינואר 1960), pp. 271–281.
- ↑ Vivian Cook, "Seeing Colours" Naka-arkibo 2019-10-26 sa Wayback Machine..
- ↑ Tingnan ang Grosshistoricher Weltatlas, edisyong 1965 (gumagamit din ng gayong mga kulay ang ibang mga makasaysayang atlas ng Alemanya).
- ↑ "Gay in Russia". Gaylife. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 30, 2009. Nakuha noong Setyembre 5, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)