Lingguwistikang pang-antropolohiya
Ang lingguwistikang pang-antropolohiya o lingguwistikang antropolohikal (Ingles: anthropological linguistics) ay ang pag-aaral ng ugnayan na nasa pagitan ng wika at kultura at ang ugnayan sa pagitan ng biyolohiyang pantao, pagtalos at wika. Malakas nitong napapatungan ang larangan ng antropolohiyang lingguwistika, na sangay ng antropolohiya na nagsasagawa ng pag-aaral ng mga tao sa pamamagitan ng mga wikang ginagamit nila. Anumang ang maging tawag sa larangang ito, ang larangan ay nagkaroon ng isang malaking impluwensiya sa mga pag-aaral ng mga pook na katulad ng persepsiyong biswal (natatangi na ang sa kulay) at demokrasyang biyorehiyonal, na kapwa nakatuon sa pagkakaiba na nagawa sa mga wika hinggil sa pag-unawa ng mga kapaligiran.
Ang kumbensiyonal o makatradisyong lingguwistikang antropolohikal o kaya ang antropolohiyang lingguwistika ay mayroon ding mga implikasyon o epekto sa sosyolohiya at organisasyon ng sarili (pagsasaayos ng sarili) ng mga tao. Ang pag-aaral sa mga taong Penan, halimbawa, ay naglantad ng ang kanilang wika ay gumagamit ng anim na magkakaiba at bukod na mga salita na ang pinaka mahusay na salinwika ay katumbas ng "tayo" o "kami"[kailangan ng sanggunian]. Pinag-aaralan ng lingguwistikang pang-antropolohiya ang mga kaibahang ito, at iniuugnay ang mga ito sa mga uri ng lipunan at sa talagang pangkatawan na adaptasyon (pakikibagay) sa mga pandama, na kapantay ng pag-aaral nito ng mga pagkakaiba na ginawa sa mga wika na patungkol sa mga kulay ng bahaghari: ang pagkakita ng gawi na tumaas ang pagiging sari-sari ng mga kataga bilang katibayan na mayroong mga pagkakaiba na dapat gawin ng mga katawan nasa kapaligirang ito, na humahantong sa nakalagak na kaalaman at marahil ng isang nakalagak na etika, na ang pinal o panghuling katibayan ay ang may pagkakaibang mga pangkat ng mga kataga na ginagamit upang ipahiwatig ang mga salitang "kami" o "tayo".
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Antropolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.