Biyolohiyang pantao
Ang biyolohiyang pantao ay isang larangang pang-akademya na kabahagi ng biyolohiya, antropolohiyang biyolohikal, at medisina, na tumutuon sa mga tao. Lubos na malapit ito sa biyolohiya ng mga primado, at isang bilang ng iba pang mga larangan. Kabilang sa mga sinasaliksik sa biyolohiyang pantao ang:
- Mga pagkakaibang henetiko sa kabuuan ng mga populasyon ng tao, sa nakalipas at sa kasalukuyan
- Mga pagkakaibang biyolohikal na may kaugnayan sa klima at iba pang mga elemento ng likas na kapaligiran
- Paghahanap sa panganib ng karamdamang deheneratibo at sakit na nakakahawa para sa iba't ibang mga populasyon ng mga tao
- Paglaki at pag-unlad ng tao
- Biodemograpiya
Walang tumpak na hangganan sa pagitan ng biyolohiyang pantao at karaniwang pananaliksik na pangmedisina. Subalit karaniwang mas nakatuon ang biyolohiyang pantao sa kalusugan para sa isang kabuuan ng pangkat ng mga tao, at sa ebolusyon ng tao, adaptasyon, at henetika ng populasyon, sa halip na pang-isang tao o indibidwal na kalusugan.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- Chiras, Daniel D. Human Biology, books.google.com
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.