Leon

karniborong mamalya sa pamilyang Felidae
(Idinirekta mula sa Lion)

Ang leon o liyon (Panthera leo) ay isang espesye sa pamilyang Felidae at isang miyembro ng genus Panthera. Mayroon itong malaman, katawang may malalim na dibdib, maliit, bilugan ang ulo, bilog na tainga, at isang mabuhok na tuktok sa dulo ng buntot nito. Sekswal na dimorpiko ito; mas malaki ang adultong lalaking leon kaysa mga babae at prominente ang melena (buhok na pumapalibot sa leeg) sa adultong lalaki. Isang espesye na mahilig makipagkapwa ang mga ito, na nagbubuo ng mga pangkat na tinatawag na kawan ng leon. Binubuo ang isang kawan ng ilang adultong lalaki, kaugnay na mga babae at mga katsoro (o maliit na anak ng leon). Kadalasang nangangaso ng sama-sama ang mga babaeng leon na sinsila ang malalaking ungulata sa karamihan. Ang leon ay parehong maninilang nasa tutktok (apex predator) at susing maninila (keystone predator); bagaman nanginginain ang ilang leon kapag may pagkakataon at nakikilala silang nanghuhuli ng tao, tipikal na hindi ginagawa ng espesye na ito.

Leon
Temporal na saklaw: Pleistocene–Present
Male lion in Okonjima, Namibia
Female (lioness) in Okonjima
Katayuan ng pagpapanatili
CITES Appendix II (CITES)[pananda 1][2]
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Carnivora
Suborden: Feliformia
Pamilya: Felidae
Sari: Panthera
Espesye:
P. 
Pangalang binomial
Panthera
Subspecies
P. l. leo
P. l. melanochaita
daggerP. l. fossilis
daggerP. l. sinhaleyus
Historical and present distribution of the lion in Africa, Asia and Europe

Karaniwan, ang leon ay naninirahan sa mga bukirin at sabana,[3] ngunit wala sa mga makakapal na kagubatan. Karaniwan itong higit na diyurnal (o aktibo sa araw) kaysa sa iba pang malalaking pusa, ngunit kapag inuusig ay umaangkop ito sa pagiging aktibo sa gabi at sa takipsilim. Sa panahon ng Neolitiko, ang leon ay umabot sa buong Aprika, Timog-silangang Europa, at Kanluran at Timog Asya, ngunit kasalukuyan itong nabawasan sa mga pira-pirasong populasyon sa subsahariyanang Aprika at isang kritikal na nanganganib na populasyon sa kanlurang Indya. Ito ay nakalista bilang Maaring Mawala sa Pulang Tala ng IUCN mula pa noong 1996 dahil ang mga populasyon sa mga bansa sa Africa ay bumaba sa halos 43% mula pa noong unang bahagi ng 1990. Ang mga populasyon ng leon ay hindi matatagal sa labas ng itinalagang mga protektadong lugar. Kahit na ang sanhi ng pagbaba ay hindi lubos na nauunawaan, ang pagkawala ng tirahan at mga hidwaan sa mga tao ang pinakamalaking dahilan ng pag-aalala.

Isa sa mga pinakakilalang simbolo ng hayop sa kultura ng tao, ang leon ay malawakan na itinatanghal sa mga iskultura at kuwadro na gawa, sa mga pambansang watawat, at sa mga napapanahong pelikula at panitikan. Ang mga leon ay nilalagay sa mga menagerie (kulungan ng mga mababangis na hayop) mula pa noong panahon ng Imperyong Romano at naging isang pangunahing espesye na hinahangad para sa eksibisyon sa mga pang-soolohiya halamanan sa buong mundo mula pa noong huling bahagi ng ika-18 siglo. Ang mga paglalarawan sa kultura ng mga leon ay makikita sa Sinaunang Ehipto, at ang mga paglalarawan ay naganap sa halos lahat ng mga sinaunang at medyebal na kultura sa dati at kasalukuyan. Matatagpuan din ang leon bilang simbolo sa Sagisag ng Republika ng Pilipinas dahil dati itong pagmamay-ari ng Espanya; lumilitaw din ito sa eskudo de armas ng Maynila, pati na rin ang mga sagisag ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, at ang Hukbong Dagat.

Etimolohiya

baguhin

Hinango ang salitang 'leon' sa Latin: leo[4] at Sinaunang Griyego: λέων (leon).[5] Maaring may kaugnayan din ang salitang lavi (Hebreo: לָבִיא‎).[6] Matutunton ang karaniwang salita na Panthera sa klasikong salitang Latin na 'panthēra' at ang sinaunang salitang Griyego na πάνθηρ 'panther'.[7] Ponetikong katulad ang Panthera sa salitang Sanskrito na पाण्डर pând-ara na nangangahulugang 'maputlang dilaw, maputi-puti, puti'.[8]

Taksonomiya

baguhin
 
Batay ang itaas na kladograma noong pag-aaral ng 2006,[9][10] ang mababa sa mga pag-aaral noong 2010[11] at 2011.[12]

Felis leo ang ginamit na pangalang siyentipiko ni Carl Linnaeus noong 1758, na isinalarawan ang leon sa kanyang gawa na Systema Naturae.[13] Nilikha ang pangalang genus na Panthera ni Lorenz Oken noong 1816.[14] Sa pagitan ng gitnang ika-18 at gitnang ika-20 mga dantaon, isinalarawan ang 26 na ispesimen ng leon at minungkahi bilang subespesye, na 11 sa mga ito ay kinikilalang balido noong 2005. Karamihang ipinagkakaiba sila sa laki, kulay ng kanilang melena at balat.[15]

Mga pananda

baguhin
  1. Populations of India are listed in Appendix I.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Padron:MSW3 Carnivora
  2. 2.0 2.1 Bauer, H.; Packer, C.; Funston, P. F.; Henschel, P. & Nowell, K. (2017) [errata version of 2016 assessment]. "Panthera leo". IUCN Red List of Threatened Species. 2016: e.T15951A115130419. doi:10.2305/IUCN.UK.2016-3.RLTS.T15951A107265605.en. Nakuha noong 15 Enero 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  4. Lewis, C. T.; Short, C. (1879). "lĕo". A Latin Dictionary. Founded on Andrews' edition of Freund's Latin dictionary (sa wikang Ingles) (ika-Revised, enlarged (na) edisyon). Oxford: Clarendon Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Liddell, H. G.; Scott, R. (1940). "λέων". A Greek-English Lexicon (sa wikang Ingles) (ika-Revised and augmented (na) edisyon). Oxford: Clarendon Press. p. 1043. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-02-24. Nakuha noong 2021-08-05.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Simpson, J.; Weiner, E., mga pat. (1989). "Lion". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-2nd (na) edisyon). Oxford: Clarendon Press. ISBN 978-0-19-861186-8.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Liddell, H. G.; Scott, R. (1940). "πάνθηρ". A Greek-English Lexicon (sa wikang Ingles) (ika-Revised and augmented (na) edisyon). Oxford: Clarendon Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Macdonell, A. A. (1929). "पाण्डर pând-ara". A practical Sanskrit dictionary with transliteration, accentuation, and etymological analysis throughout (sa wikang Ingles). London: Oxford University Press. p. 95. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-03-08. Nakuha noong 2021-08-05.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Johnson, W. E.; Eizirik, E.; Pecon-Slattery, J.; Murphy, W. J.; Antunes, A.; Teeling, E.; O'Brien, S. J. (2006). "The late miocene radiation of modern Felidae: A genetic assessment". Science (sa wikang Ingles). 311 (5757): 73–77. Bibcode:2006Sci...311...73J. doi:10.1126/science.1122277. PMID 16400146.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Werdelin, L.; Yamaguchi, N.; Johnson, W. E.; O'Brien, S. J. (2010). "Phylogeny and evolution of cats (Felidae)". Biology and Conservation of Wild Felids (sa wikang Ingles): 59–82.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Davis, B. W.; Li, G.; Murphy, W. J. (2010). "Supermatrix and species tree methods resolve phylogenetic relationships within the big cats, Panthera (Carnivora: Felidae)". Molecular Phylogenetics and Evolution (sa wikang Ingles). 56 (1): 64–76. doi:10.1016/j.ympev.2010.01.036. PMID 20138224.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Mazák, J. H.; Christiansen, P.; Kitchener, A. C.; Goswami, A. (2011). "Oldest known pantherine skull and evolution of the tiger". PLOS ONE (sa wikang Ingles). 6 (10): e25483. Bibcode:2011PLoSO...625483M. doi:10.1371/journal.pone.0025483. PMC 3189913. PMID 22016768.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Linnaeus, C. (1758). "Felis leo". Caroli Linnæi Systema naturæ per regna tria naturæ, secundum classes, ordines, genera, species, cum characteribus, differentiis, synonymis, locis. Bol. Tomus I (ika-decima, reformata (na) edisyon). Holmiae: Laurentius Salvius. p. 41.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Latin)
  14. Oken, L. (1816). "1. Art, Panthera". Lehrbuch der Zoologie. 2. Abtheilung (sa wikang Ingles). Jena: August Schmid & Comp. p. 1052.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Hemmer, H. (1974). "Untersuchungen zur Stammesgeschichte der Pantherkatzen (Pantherinae) Teil 3. Zur Artgeschichte des Löwen Panthera (Panthera) leo (Linnaeus, 1758)". Veröffentlichungen der Zoologischen Staatssammlung (sa wikang Ingles). 17: 167–280.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)