Erin Tañada
Si Lorenzo "Erin" Reyes Tañada III (ipinanganak 16 Agosto 1963) ay isang Pilipinong politiko. Kasapi siya ng partido Liberal. Nahalal siya bilang kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, bilang kinatawan ng Ikaapat na Distrito ng Quezon simula noong 2004 hanggang 2013.
Lorenzo Tañada III | |
---|---|
Kapanganakan | 16 Agosto 1963
|
Mamamayan | Pilipinas |
Nagtapos | Pamantasang Ateneo de Manila |
Trabaho | politiko |
Opisina | miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas () |
Buhay
baguhinSi Erin sa kanyang mga kaibigan, ay kinatawan ng ikatlong henerasyon ng mga Tañada sa politika. Apo siya ng dating Senador Lorenzo M. Tañada na kilala sa kanyang maaanghang na mga pananalita, mahusay na pakikipagdebate at walang takot na paglaban sa diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, at anak ni dating Senador Wigberto E. Tañada. Siya ang panganay sa apat na anak ni Bobby Tañada. Ang tatlo pa niyang kapatid ay sina Toby, Mar and Trina.
Karerang Pampolitika
baguhinNagsimula si Erin bilang kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, bilang kinatawan ng Ikaapat na Distrito ng Quezon. Siya ang Tagapangulo ng Komitiba sa Karapatang Pantao sa mababang kapulungan. Gayundin katulong na Tagapangulo siya ng mga komitiba sa Globalisasyon at WTO at ng Kapayapaan, Rekonsilyashon, at Pagkakaisa. Muli siyang nahalal bilang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Lalawigan ng Quezon sa natapos na Pangkalahatang halalan. Noong Mayo 2010, nagbigay daan siya sa kinatawan ng Lungsod Quezon na si Sonny Belmonte para sa pagka-Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan[1].
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Belmonte is LP bet for Speaker". Manila Bulletin. Nakuha noong 2010-06-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- "Member Information: Lorenzo R. Tañada III". Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas. Nakuha noong 2010-06-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - "Member Profile: Liberal Party of the Philippines". Partido Liberal ng Pilipinas. Nakuha noong 2010-06-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sinundan: Georgilu R. Yumul-Hermida |
Kinatawan, Ikaapat na Distrito ng Quezon 2004–2013 |
Susunod: Angelina D.L. Tan |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.