Lourdes Jansuy Cruz
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Setyembre 2017)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Lourdes "Luly" Jansuy Cruz ay isang Pilipino siyentipiko na nagpasimula ng pag-aaral ng Conotoxin (lason mula sa susong pandagat) bilang modelo ng pagbubuo ng isang gamot na tumututok lamang sa isang espisipikong ugat o kalamnan ng katawan ng tao. Siya ang kinilalang Sea Snail Venom Specialist sa buong Pilipinas. Pinarangalan ng Sven Brohult Award mula sa IFS, Sweden noong 1993, Medal of Distinction for Research mula sa Philippine Society for Biochemistry and Molecular Biology noong 1994 at Outstanding Alumnus Award mula sa UP Chemistry Alumni Foundation noong 1996.
Kilala sa tawag na "Luly," si Lourdes Jansuy Cruz at kinikilalang eksperto sa kaalaman ukol sa mga susong pandagat (sea snails) sa buong Pilipinas. Taong 1995, nakapagsulat si Luly, kasama ni Julian White, ng isang artikulo tungkol sa Conus snail. Nabanggit dito na mayroon ng 70 kasong naitatala ng pagkakatusok o pagkakalason mula sa suso, at 26 na ang namatay. Bagamat hindi ito kalakihan, nai-report na rin ng isang Biologist na nagngangalang Yoshiba noong 1984 na 38% sa kabuuang dahilan ng kamatayan sa suso sa buong mundo ay dulot ng pagkakalason mula sa Conus, at 66.7% nita ay dulot ng Conus geographus.
Napag-alaman ni Luly sa kanilang pagaaral na higit pang mabagsik kaysa sa venum ng cobra ang conotoxin na siyang venum na galing sa conus snail. Ang lason ng ahas ay tumatagal pa ng 2 hanggang 3 oras bago makarating sa utak ng tao. Samantalang ang conotoxin ay ilang minuto lamang ay napaparalisa na ang biktima.
Masusing pinag-aralan ni Luly ang mekanismo na ginagamit ng mga suso upang ang lason nito ay makapagbigay epekto lamang sa isang bahagi ng katawan at hindi sa kabuuan nito. Mahalaga ito para maiwasan ang mga komplikasyon sa paggamit ng gamot sa taong sumasailalim ng operasyon.
Maliban sa susong pandagat (sea snail) ay pinag-aaralan din ni Luly ang spirulina platensis. Ang spirulina ay isang uri ng maliit na bakterya (cyanobacteria) at lumot (algae) na matatagpuan sa bansang Mexico, ilang bansa sa Africa at iba pang bahagi ng mundo. Ang spirulina ay mayaman sa nutrition sapagkat ito ay binubuo ng 60-70% na protina, beta-carotene (isang antioxidant), gamma linoleic acid (nagpapalakas umano sa immune system ng tao), at bitaminang B-12.
Ayon sa kanyang natuklasan, may 44% ng mga may sakit na kanser ay namamatay dahil sa kakulangan ng nutrisyon ng katawan. Napatunayan ni Luly ang bisa ng spirulina sa karanasan ng kanyang sariling kapatid na napag-alamang may cancer (stage 4). Sa unang sesyon ng chemotheraphy ay binigyan siya ni Luly ng spirulina. Hindi na nakakakain nang husto ang kanyang kapatid noon pa man, ngunit ngayon ay bumalik ang gana nito sa pagkain. Sa pangalawang sesyon ng chemotherapy, ay nakita ng mga doctor na tumaas na ang bilang ng pulang dugo (red bloodcells) ng pasyente. Hindi na kinailangan pa ng ikatlong chemotherapy. Sa ngayon ay malaki ang pag-asa nilang malampasan nito ang sakit na kanser. Maliban dito, nasubukan ding ibigay ang spirulina sa mga batang biktima ng Chernobyl nuclear accident, at naobserbahang lumakas ang kanilang mga katawan laban sa sakit.
Bagaman hindi pa marami ang spirulina dito sa Pilipinas, madali naman itong patubuin. Sa kasalukuyan ay sinusubukan ni Luly at kanyang mga kasamahan sa Marine Science Institute, sa UP, ang makapagparami nito sa lupa ng Cagayan de Oro sa Mindanao.
Ilan sa maraming pagkilala na natamo ni Luly dahil sa kanyang kahusayan ay ang gawad pagkilala mula sa Sven Brohult Award mula sa IFS, Sweden, 1993; Medal for Distiction for Research mula sa Philippine Society for Biochemistry and Molecular Biology, 1994 at Outstanding Alumnus Award mula sa UP Chemistry Alumni Foundation.
Sanggunian
baguhin- Lee-Chua Queena. Luly Cruz[patay na link], National Scientist Naka-arkibo 2022-01-23 sa Wayback Machine., Euereka!, Inquirer Lifestyle, Lifestyle, Inquirer, 07 Hulyo 2007
- Proclamation No. 1167[patay na link], According to Lourdes Jansuy Cruz, Ph.D., The Rank And Title Of National Scientist, 10 Nobyembre 2006
- Lontoc, Jo. Florendo B. Yet another UP professor has been named National Scientist Naka-arkibo 2010-11-30 sa Wayback Machine., MSI prof named National Scientist Naka-arkibo 2006-10-02 sa Wayback Machine., (...) "Philippine President Gloria Macapagal-Arroyo conferred on Dr. Lourdes Jansuy Cruz the rank and title of National Scientist by virtue of Proclamation No. 1167 signed on November 10, 2006." (...)
- "Dr. Lourdes Jansuy Cruz," Arroyo Grants National Scientist Title to UP Prof Naka-arkibo 2009-01-24 sa Wayback Machine., QuezonCity.com