Lubango

Bayan sa Huíla, Angola

Ang Lubango ay ang kabiserang lungsod ng Huíla sa Angola. Ang pinakahuling tiyak na pagtataya ng populasyon nito ay 103,255 katao.[1] Hanggang sa taong 1975, kilala ang lungsod sa dating pangalan nito na Sá da Bandeira.

Lubango
Munisipalidad at lungsod
Tanawin ng Lubango
Tanawin ng Lubango
Lubango is located in Angola
Lubango
Lubango
Kinaroroonan ng Angola
Mga koordinado: 14°55′S 13°30′E / 14.917°S 13.500°E / -14.917; 13.500
BansaAngola
LalawiganHuíla
Taas
1,720 m (5,640 tal)
Populasyon
 (2010)
 • Kabuuan256,713
Sona ng orasUTC+1 (WAT)
KlimaCwb

Kasaysayan

baguhin

Pamumuno ng Portuges

baguhin

Noong 1882 humigit-kumulang isandaang mga nakipamayang Portuges ay dumating sa kasalukuyang sityo ng Lubango mula sa kapuluan ng Madeira. Sinamsam ng mga magsasakang Portuges na ito ang lupa ng katutubong populasyon at pinaunlad ang ekonomiyang aangkop sa kanilang mga kapakinabangang ekonomiko. Nagtatag sila ng pamayanang para lamang sa mga "puti" at inilagay ang mga katutubo sa pagka-alipin. Ang pamayanan na unang itinatag noong 1885 para sa mga kolonistang mula Kapuluan ng Madeira, ay nasa taas na 1,760 metro sa isang lambak ng Talampas ng Huíla at pinaliligiran ng magagandang liwasan na sumasakop sa mga dalisdis ng bundok.

Pagsapit ng 1910 mayroong higit na 1,700 etnikong Portuges ang nakatira sa pamayanan. Pagsapit ng 1923 naiugnay na ng Daambakal ng Moçâmedes ang pamayanan sa pambaybaying-dagat na bayan ng Moçâmedes (tinawag na Namibe mula 1985 hanggang 2016). Ginawa itong lungsod ng pamahalaang Portuges at pinangalanan itong "Sá da Bandeira", mula kay Bernardo de Sá, Unang Markwis ng Sá da Bandeira. Dating isang pangunahing sentro ng pamayanang Portuges sa loob-looban ng katimugang Angola na sapilitang inilipat ang pagpapastol ng mga baka, at pansakahang kultura at ekonomiya ng mga katutubong nauna nang nakatira rito bago ang kolonyalismo, itinayo ang Sá da Bandeira sa estilong-Portuges na arkitektura na may katedral, bulwagan ng komersiyo, bulwagan ng industriya, at isang mataas na paaralan, at tulad ng mga Portuges na bayan o lungsod sa kalupaan at sa mga ibayong-dagat na teritoryo, mayroon itong Portuges na gusaling pambayan, pagamutan at ang karaniwang tanggapang koreo ng CTT, gayon din ang mga paglilingkod na aangkop sa pangangailangan ng puting populasyon tulad ng pagbabangko at seguro (banking and insurance). Umusbong ang lungsod bilang sentro ng pagsasaka at transportasyon, kalakip ng sarili nitong paliparan at estasyong daambakal, gayon din mga pangunahing pasilidad ng pagpapanatili at pagkukumpuni para sa mga ito. Inilaan lamang sa mga puti ang pagmamay-ari ng lupa sa Lubango.

Nandayuhan mula Namibia papuntang Angola ang ilang mga Baster [en] (mga anak ng mga taong may kanunúnunuang Aprikano at Olandes ng Kolonya ng Kabo) at tumira sa Sá da Bandeira, kung saang sila ay nakilala bilang Ouivamo. Karamihan sa kanila ay napilitang bumalik sa Namibia sa pagitan ng 1928 at 1930 dahil sa mga puting Timog Aprikano.

Noong 1951, opisyal na itinakda ang kolonyang Portuges ng Angola bilang Ibayong-dagat na Lalawigan ng Angola [en].[2]

Pagkaraan ng kalayaan

baguhin

Kasunod ng kalayaan ng Angola mula sa Portugal dahil sa mga kaganapan ng Rebolusyong Carnation sa Lisbon noong ika-25 ng Abril 1974, muling binago ang pangalan ng lungsod sa "Lubango". Noong Digmaang Sibil ng Angola (1975–2002), nagsilbing pangunahing himpilan ng mga kawal ng Cuba, SWAPO at pamahalaan ang Lubango. Bumagsak ang dati nitong maunlad na ekonomiya.

Isa ang Lubango sa pinakamataas na mga pook sa Angola na may taas na 1,760 metro (5,774 talampakan). Mayroon itong klimang subtropikal na paltok (Cwb) sa ilalim ng Köppen climate classification. Mainit at mahalumigmig ang klima tuwing araw at malamig at maginaw tuwing gabi. Ang taunang karaniwang temperatura ay 18.6 °C (65.5 °F), bagamat may mga sukdulan ng 0 hanggang 34.4 °C (32.0 hanggang 93.9 °F). Maginaw ang Hunyo at Hulyo kung kailang maaari ang niyebe, bagamat madalang. Ang pinakamalakas na ulan ay nasa pagitan ng Disyembre at Marso at ang pinakamainit na mga buwan ay Setyembre at Oktubre.

Datos ng klima para sa Lubango (1931–1960)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 30.1
(86.2)
30.7
(87.3)
30.1
(86.2)
29.1
(84.4)
29.8
(85.6)
28.1
(82.6)
27.7
(81.9)
30.1
(86.2)
31.4
(88.5)
34.4
(93.9)
32.0
(89.6)
31.1
(88)
34.4
(93.9)
Katamtamang taas °S (°P) 25.0
(77)
24.6
(76.3)
24.6
(76.3)
24.9
(76.8)
24.8
(76.6)
23.6
(74.5)
24.2
(75.6)
26.2
(79.2)
28.2
(82.8)
28.0
(82.4)
26.3
(79.3)
25.3
(77.5)
25.5
(77.9)
Arawang tamtaman °S (°P) 19.0
(66.2)
18.8
(65.8)
18.8
(65.8)
18.7
(65.7)
17.3
(63.1)
15.8
(60.4)
16.2
(61.2)
18.6
(65.5)
20.8
(69.4)
20.7
(69.3)
19.8
(67.6)
19.2
(66.6)
18.6
(65.5)
Katamtamang baba °S (°P) 13.1
(55.6)
12.9
(55.2)
13.0
(55.4)
12.5
(54.5)
9.8
(49.6)
7.9
(46.2)
8.3
(46.9)
11.0
(51.8)
13.4
(56.1)
13.4
(56.1)
13.2
(55.8)
13.2
(55.8)
11.8
(53.2)
Sukdulang baba °S (°P) 5.3
(41.5)
5.4
(41.7)
2.0
(35.6)
3.2
(37.8)
0.6
(33.1)
−1.0
(30.2)
−1.0
(30.2)
0.0
(32)
4.6
(40.3)
4.1
(39.4)
5.1
(41.2)
3.9
(39)
−1.0
(30.2)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 139.7
(5.5)
152.8
(6.016)
171.6
(6.756)
93.5
(3.681)
5.5
(0.217)
0.1
(0.004)
0.0
(0)
0.4
(0.016)
4.3
(0.169)
70.4
(2.772)
118.0
(4.646)
152.6
(6.008)
909.0
(35.787)
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.1 mm) 15 14 17 10 1 0 0 0 2 10 14 17 100
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 65 67 69 63 47 40 34 30 33 49 59 63 52
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 164.3 163.9 173.6 204.0 272.8 285.0 282.1 282.1 240.0 213.9 207.0 201.5 2,690.2
Arawang tamtaman ng sikat ng araw 5.3 5.8 5.6 6.8 8.8 9.5 9.1 9.1 8.0 6.9 6.9 6.5 7.4
Sanggunian: Deutscher Wetterdienst[3]

Itinuturing na pinakamalamig na lungsod sa Angola ang Lubango, kalakip ng naitalang temperatura na −2 °C (28 °F).

Ekonomiya

baguhin
Historical population
TaonPop.±%
1988 105,000—    
2010 256,713+144.5%
Pagtataya 1988:[4]

Nakabatay ang ekonomiya ng Lubango sa pagsasaka, lalo na sa mga produktong karne, angkak, sisal, tabako, prutas, at gulay na itinatanim sa nakapalibot na matabang rehiyon. Ang mga pangunahing industriya ng lungsod ay pagpoproseso ng pagkain, pagkukutli ng katad (leather tanning), at mga produktong pangkonsyumer.

Maraming mga bangkong Angolan tulad ng BAI at BPC ay nagbibigay ng maayos na serbisyong pananalapi. Ang pangunahing gusaling pampamilihan sa Lubango ay ang bagong tayong "Milleneum" kung saang mabibilhan ang karamihang mga produkto ng pang-araw-araw na gamit.

Transportasyon

baguhin

Tahanan ang lungsod ng Paliparan ng Lubango na nakakatanggap ng araw-araw na mga lipad mula Luanda sa pamamagitan ng TAAG, ang kompanyang panghimpapawid ng Angola at tatlong beses sa isang linggo mula Windhoek, kabisera ng Namibia.

Pinaglilingkuran ang Lubango ng Daambakal ng Moçâmedes. Ito ang tagpuan para sa sangay ng daambakal na papuntang Chiange. Pinaglilingkuran din ang lungsod ng mga taksi na karamihan ay pinaghahatian at tumatakbo sa bawat panig ng lungsod. Makakakuha rin ng mga serbisyong bus mula sa Lobito.

Edukasyon

baguhin

Ang lungsod ay may isang Portuges na paaralang internasyonal, ang Escola Portuguesa do Lubango ("Paaralang Portuges ng Lubango"), [5] at ang Instituto Superior Politécnico Gregório Semedo (Suriang Politekniko ng Gregório Semedo)[6] na nagaalok ng mga digring kurso sa samu't-saring mga larangan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Lubango". Encyclopædia Britannica. {{cite web}}: no-break space character in |work= at position 15 (tulong)
  2. SáDaBandeiraAnosOuro.wmv, a film of Sá da Bandeira, Overseas Province of Angola, before 1975.
  3. "Klimatafel von Lubango (Sá da Bandeira), Prov. Huila / Angola" (PDF). Baseline climate means (1961-1990) from stations all over the world (sa wikang Aleman). Deutscher Wetterdienst. Nakuha noong 25 Enero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Compton's Encyclopedia & Fact-Index (Encyclopedia). Bol. 1. Estados Unidos: Compton's Learning Company, A Tribune Publishing Company. 1995. p. 420. ISBN 0-944262-02-3. LCCN 94-70149.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Escolas com Currículo Português em Angola (sa wikang Portuges), Lisbon, Portugal: Direção de Serviços de Ensino e Escolas Portuguesas no Estrangeiro (DSEEPE) of the Portuguese Education Ministry, inarkibo mula sa orihinal noong 26 Oktubre 2015, nakuha noong 26 Oktubre 2015 {{citation}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. ISPGS (pat.). "Instituto Superior Politécnico Gregório Semedo" (sa wikang Portuges). Mapunda, Angola.

Mga kawing panlabas

baguhin

14°55′S 13°30′E / 14.917°S 13.500°E / -14.917; 13.500