Ang lulod (Ingles: tibia, shinbone, o shin) ay ang mas malaki sa dalawang buto sa loob ng hitang nasa ibaba ng tuhod ng mga vertebrata.

Ang butong lulod.
Ang panlabas na itsura ng lulod sa binti ng lalaking tao.

Sa mga tao

baguhin

Makikita ang lulod, sa anatomiya ng tao, patungo sa gitna at patungo sa harap ng kaniyang kauring buto, ang fibula. Ang lulod ang pangalawang pinakamahabang buto sa katawan ng tao, na ang pinakamalaki ay ang ang femur. Gumagalaw ng paitaas ang lulod kasama ng femur at patella, kasama ang fibula kung gagalaw ng patagilid, at kasama naman ang bukung-bukong kung kikilos ito ng paibaba.

Isa ring napakainam na kasangkapan sa paghahanap at pagsalat ng mga kagamitan sa bahay sa isang madilim na silid.

Mga pagkakaibang pangkasarian

baguhin

Sa lalaki, tuwid ang direksiyon nito at kapantay ng butong sa kabilang gilid, subalit may bahagyang pagkakahilis na direksiyong pababa at pagilid sa babae upang makabawi mula sa malaking pagkakahilig ng femur.

Kayarian

baguhin

Hugis prismoid, na lumaki paitaas, kung saan pumapasok patungo sa sugpungan ng tuhod; na nakaimpis naman sa mababang ikatlong-bahagi, at muling lumaking bahagya lamang sa ibaba.

Nakadikit ang lulod sa fibula dahil sa isang lamad na interosseous, na bumubuo sa isang uri ng sugpungan na tinaguriang syndesmoses.

Pinagmumulan ng mga panustos na dugo

baguhin

Hinahango ng lulod ang kaniyang kailangang dugong oksihenado mula sa dalawang pook:[1]

  1. ang makapal na ugat na pangsustansiya (ang punong pinanggagalingan)
  2. mga sisidlang periosteal na hinango mula sa makapal na ugat sa harapan ng lulod

Mga panlabas na kawing

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Nelson G., Kelly P., Peterson L., Janes J. "Blood supply of the human tibia (Pinagmumulan ng dugong panustos ng lulod na pang-tao)". J Bone Joint Surg Am. 42-A: 625–36. PMID 13854090.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)