Bertebrado

(Idinirekta mula sa Vertebrata)

Ang mga bertebrado o mga hayop na may gulugod o nagugulugudan (Latin: vertebrata, Kastila, Portuges: vertebrado, Aleman: Wirbeltier, Ingles: vertebrate) ay mga uri ng Hayop na miyembro ng sublapi Vertebrata (sa loob ng kalapian Chordata), partikular na ang mga kordatang may mga buto sa likod o gulugod. Bumibalang na may 57,739 mga espesye ang mga nailarawan nang mga bertebrado. Pinakamalaking subphylum ng ng kordata ang mga bertebrado, at naglalaman ng mga kilalang malalaking hayop na panglupa. Kabilang sa mga bertebrado ang mga isda, amphibian, reptilya, ibon, at mamalya (kasama ang tao).

Vertebrate
Temporal na saklaw:
Cambrian Stage 3Present,
518–0 Ma[1]
Example of vertebrates: Acipenser oxyrinchus (Actinopterygii), an African bush elephant (Tetrapoda), a Tiger shark (Chondrichthyes) and a River lamprey (Agnatha).
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Superpilo: Deuterostomia
Kalapian: Chordata
Klado: Olfactores
Subpilo: Vertebrata
J-B. Lamarck, 1801[2]
Infraphylums
Kasingkahulugan

Ossea Batsch, 1788[2]

Anatomiya at morpolohiya

baguhin

Kabilang sa mga katangian ng subphylum na ito ang pagkakaroon ng sistemang muskular na kalakhang bumubuo sa mga magkatambal na mga kimpal o bunton; maging ang pagkakaroon ng sintemang sentrong nerbyos na bahagyang nakapaloob sa gulugod (kung mayroon). Sinasang-ayunan ng mga dalubhasa na ang pinakatangi-tanging pagkakakilanlan ng mga bertebrado ay ang pagkakaroon ng gulugod at kuwerdas na panggulugod, ng sisidlan ng utak, at ng panloob na mga sangkabutuhan (o iskeleton). Subalit hindi ito totoo sa mga isdang lamprey, bagaman pinagtatalunan kung totoo sa ilang mga kordata ang pagkakaroon ng sangkabutuhan.

Kasaysayang pang-ebolusyon

baguhin

Nagsimulang magkaroon ng mga bertebrado noong mga may mga 530 milyong taon ang nakararaan noong panahon ng pagsabog na Cambrian, na bahagi ng kapanahunang Cambrian (ang Myllokunmingia ang siyang pinakaunang nakilalang bertebrado). Batay sa isang pagsusuring molekyular na isinagawa kaylan-lamang, kabilang sa mga bertebrado ang mga hagfish, habang ibinibilang na isang kapatid na grupo ng mga bertebrado (sa loob ng karaniwang taxon: ang mga Craniata) ng ibang mga dalubhasa.

Taksonomiya at klasipikasyon

baguhin

Ang kaurian ng mga bertebrado batay kina Janvier (1981, 1997), Shu et al. (2003), at Benton (2004).[3]

  • Superklase Tetrapoda (bertebradong may apat na paa)
  • Serye Amniota (embriyong amniyotiko)
  • Klase Aves (mga ibon)
  • Klase Synapsida (reptilyang katulad ng mga mamalya)

Etimolohiya

baguhin

Hinango ang pangalan ng mga bertebrado mula sa mga hanay ng buto ng gulugod (hanay panggulugod o kolumnang vertebral).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Yang, Chuan; Li, Xian-Hua; Zhu, Maoyan; Condon, Daniel J.; Chen, Junyuan (2018). "Geochronological constraint on the Cambrian Chengjiang biota, South China" (PDF). Journal of the Geological Society (sa wikang Ingles). 175 (4): 659–666. Bibcode:2018JGSoc.175..659Y. doi:10.1144/jgs2017-103. ISSN 0016-7649. S2CID 135091168.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Nielsen, C. (Hulyo 2012). "The authorship of higher chordate taxa". Zoologica Scripta. 41 (4): 435–436. doi:10.1111/j.1463-6409.2012.00536.x. S2CID 83266247.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Benton, Michael J. (2004-11-01). Paleontolohiya ng mga Vertebrata (ika-Pangatlong Edisyon (na) edisyon). Palathalaang Blackwell. pp. 455 mga dahon. ISBN 0632056371/978-0632056378. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-10-19. Nakuha noong 2007-10-12. {{cite book}}: Check |isbn= value: invalid character (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliograpiya

baguhin

Tingnan din

baguhin