San Juan, Kalakhang Maynila

lungsod ng Pilipinas sa Kalakhang Maynila
(Idinirekta mula sa Lungsod San Juan)

Ang Lungsod ng San Juan ay isa sa mga lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Dating kabilang ito sa lalawigan ng Rizal hanggang opisyal na naging kabilang sa Kalakhang Maynila. Ang lungsod ang ikalawang pinakamaliit sa mga lungsod at bayan sa Kalakhang Maynila. Mas maliit lamang ang Pateros. Ang opisyal na mahabang pangalan ng San Juan ay Lungsod ng San Juan del Monte. Ito ang lugar ng unang labanan sa pagitan ng Katipunan, isang Filipinong organisasyong rebolusyonaryo, at ng Kastila.

San Juan

ᜐᜈ᜔ ᜑᜓᜏᜈ᜔

Lungsod ng San Juan
Mga gusali sa Lungsod ng San Juan
Mga gusali sa Lungsod ng San Juan
Opisyal na sagisag ng San Juan
Sagisag
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng San Juan.
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng San Juan.
Map
San Juan is located in Pilipinas
San Juan
San Juan
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°36′14″N 121°01′48″E / 14.604°N 121.03°E / 14.604; 121.03
Bansa Pilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon (NCR)
Lalawigan
Distrito— 1381400000
Mga barangay21 (alamin)
Pagkatatag1623
Pamahalaan
 • Punong LungsodFrancis Zamora (PDP-Laban)
 • Pangalawang Punong LungsodJosé Warren P. Villa (PDP-Laban)
 • Manghalalal109,640 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan5.95 km2 (2.30 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan126,347
 • Kapal21,000/km2 (55,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
31,519
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan0.09% (2021)[2]
 • Kita₱2,338,045,258.00 (2020)
 • Aset₱6,327,062,569.00 (2020)
 • Pananagutan₱2,398,017,526.00 (2020)
 • Paggasta₱1,823,480,615.00 (2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
1500–1504
PSGC
1381400000
Kodigong pantawag02
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytsanjuancity.gov.ph
Para sa ibang gamit, tingnan ang San Juan.

Matatagpuan ang San Juan sa gitna ng Kalakhang Maynila. Napapaligiran ito ng Lungsod Quezon sa hilaga at silangan, Lungsod ng Mandaluyong sa timog, at lungsod ng Maynila sa kanluran. Ilang lamang sa mga interesadong lugar sa San Juan ang Dambana ng Pinaglabanan, na tinatakda ang unang labanan ng Katipunan, ang Greenhills Shopping Center, ang isa sa mga tanyag na pamilihan sa Kalakhang Maynila, lalo na ang mga elektronikang kagamitan, at ang Xavier School, isang tanyag na panay-lalaking hayskul sa Kalakhang Maynila. Matatagpuan din dito ang prestiyosong panay-babaeng Filipino-Intsik na paaralan ang Immaculate Conception Academy-Greenhills.

Sikat ang San Juan sa Pilipinas sa pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang patron, si San Juan Bautista. Nagdidiwang ang mga taga doon sa pamamagitan ng pagbabasa ng tubig kahit sino sa lansangan (katulad ng ginagawa sa pag-bautismo).

Dating nagsilbi si dating Pangulo Joseph Estrada bilang punong bayan sa San Juan, na sinasabing ng ilan na siya ang malawakang nagpasulong ng bayan.

Noong Hunyo 16, 2007, niratipika ang pagpapalit ng bayan na sa pagiging mataas na urbanisadong lungsod, ayonsa sa Republic Act. Bilang 9388 Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine. (Isang Act na nagpapalit bayan ng San Juan na maging Mataas na Urbanisadong Lungsod upang kilalanin bilang Lungsod ng San Juan.) [3]

Kasaysayan

baguhin

Noong unang panahon, ang lugar ay ngayon ay San Juan, na dating parte ng Kaharian ng Namayan, na huling naitala ni haring Lacantagean at ang kanyang konsort, Bouan.

Mga barangay

baguhin

Ang lungsod ng San Juan ay nahahati sa 21 mga barangay:

  • Addition Hills
  • Balong-Bato
  • Batis
  • Corazon De Jesus
  • Ermitaño
  • Halo-halo (St. Joseph)
  • Isabelita
  • Kabayanan
  • Little Baguio
  • Maytunas
  • Onse
  • Pasadeña
  • Pedro Cruz
  • Progreso
  • Rivera
  • Salapan
  • San Perfecto
  • Santa Lucia
  • Tibagan
  • West Crame
  • Greenhills

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
San Juan
TaonPop.±% p.a.
1903 1,455—    
1918 6,172+10.11%
1939 18,870+5.47%
1948 31,493+5.86%
1960 56,861+5.05%
1970 104,559+6.27%
1975 122,492+3.23%
1980 130,088+1.21%
1990 126,854−0.25%
1995 124,187−0.40%
2000 117,680−1.15%
2007 125,338+0.87%
2010 121,430−1.15%
2015 122,180+0.12%
2020 126,347+0.66%
Sanggunian: PSA[4][5][6][7]


Sanggunian

baguhin
  1. "Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Republic Act No. 9388 - Charter of the City of San Juan" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-10-06. Nakuha noong 2007-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Censuses of Population (1903–2007). "National Capital Region (NCR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  7. "Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

baguhin