Lungsod ng Luksemburgo
Ang Luksemburgo (Luksemburges: Lëtzebuerg, Pranses: Luxembourg, Aleman: Luxemburg),[bigkas 1] kilala din bilang Lungsod ng Luksemburgo (Luksemburges: Stad Lëtzebuerg o d'Stad, Pranses: Ville de Luxembourg, Aleman: Stadt Luxemburg, Luxemburg-Stadt),[bigkas 2] ay ang kabisera ng Gran Dukado ng Luksemburgo at ang pinakamataong komuna ng bansa. Nakatayo sa pagtatagpo ng mga ilog ng Alzette at Pétrusse sa katimugang Luxembourg, matatapuan ang lungsod sa puso ng Kanlurang Europa, mga 213 km (132 mi) sa daan mula sa Brussels, 372 km (231 mi) mula Paris, at 209 km (130 mi) mula Cologne.[2] Narito sa lungsod na ito ang Kastilyong Luksemburgo, na itinatag ng mga Pranko noong Maagang Gitnang Panahon, na nasa palibot nito ay umnulad ang isang panirahan.
Lungsod ng Luxembourg Stad Lëtzebuerg Luxembourg Luxemburg | |||
---|---|---|---|
| |||
Mga koordinado: 49°36′38″N 6°07′58″E / 49.6106°N 6.1328°E | |||
Bansa | Luxembourg | ||
Lokasyon | Canton of Luxembourg, Luxembourg | ||
Itinatag | 963 (Huliyano) | ||
Pamahalaan | |||
• mayor of Luxembourg | Lydie Polfer | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 51.46 km2 (19.87 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1 Enero 2024)[1] | |||
• Kabuuan | 134,697 | ||
• Kapal | 2,600/km2 (6,800/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | Oras ng Gitnang Europa, UTC+01:00, UTC+02:00 | ||
Websayt | https://www.vdl.lu/ |
Noong Disyembre 31, 2019, mayroong populasyon na 122,273 ang Lungsod ng Luksemburgo,[3] na higit sa tatlong beses ang populasyon ng ikalawang pinakamataong komuna ng bansa, ang Esch-sur-Alzette. Binubuo ng populasyon ng lungsod ang 160 nasyonalidad. Kumakatawan sa 70% ang mga banyaga sa populasyon ng lungsod, habang binubuo ng 30% ng populasyon ang tubong Luksemburgo at ilang bilang ng residente na ipinanganak sa labas ng bansa na nasa lungsod ang tuloy-tuloy na tumataas bawat taon.[4]
Noong 2011, nakaranggo ang Luksemburgo na mayroong ikalawang pinakamataas na per capita GDP sa buong mundo sa $80,119 (PPP),[5] kasama ang pag-unlad ng bansa sa isang pagbabangko at administratibong sentro. Noong 2011, inilagay ng pagsisiyasat ng Mercer noong 2011 sa 221 lungsod sa buong mundo, ang Luxembourg sa unang puwesto para sa pansariling kaligtasan, habang nakaranggo sa ika-19 para sa kalidad ng buhay.[6]
Mga pananda
baguhin- ↑ Luxembourgish: [ˈlətsəbuə̯ɕ] ( pakinggan)
Pranses: [lyksɑ̃buʁ]
Aleman: [ˈlʊksm̩bʊɐ̯k] - ↑ Luxembourgish: [ˌʃtaːt ˈlətsəbuə̯ɕ] ( pakinggan), Luxembourgish: [tʃtaːt] ( pakinggan)
Pranses: [vil də lyksɑ̃buʁ]
Aleman: [ˌʃtat ˈlʊksm̩bʊɐ̯k]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ https://lustat.statec.lu/vis?lc=fr&tm=population%20par%20commune&pg=0&df%5Bds%5D=ds-release&df%5Bid%5D=DF_X021&df%5Bag%5D=LU1&df%5Bvs%5D=1.1&pd=%2C&dq=A.&vw=tb; hinango: 25 Mayo 2024.
- ↑ "Great Circle Distances between Cities" (sa wikang Ingles). United States Department of Agriculture. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Marso 2005. Nakuha noong 23 Hulyo 2006.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Statisiques sur la Ville de Luxembourg: Etat de Population - 2019" (PDF). www.vdl.lu (sa wikang Pranses). Ville de Luxembourg. Nakuha noong 23 Enero 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The capital of Luxembourg counts 110,499 inhabitants". www.luxembourg.public.lu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Oktubre 2019. Nakuha noong 2019-09-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Luxembourg" (sa wikang Ingles). International Monetary Fund. Nakuha noong 27 Abril 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2011 Quality of Living worldwide city rankings – Mercer survey", Mercer. Hinango noong 29 Nobyembre 2011. (sa Ingles)