Magnitud (matematika)
Sa matematika, ang magnitud o magnitudo (Ingles: magnitude) ng isang bagay ay ang sukat nito na isang katangian na maaaring ikumpara bilang mas malaki o mas maliit sa ibang mga bagay na magkapareho ang uri. Sa terminong teknikal, ito ay ang kaayusan (pagsusunud-sunod, paghahanay, o pagraranggo) ng klase ng mga bagay na kinabibilangan nito. Ito ay maaari ring pakahuluganan bilang halagang numerikal ng yunit (o klase) na kinabibilangan nito.
Sa pisika, naipapaliwanag ang magnitud bilang kantidad o distansya.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.