Maharlika Village, Taguig

barangay ng Pilipinas sa lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila

Ang Barangay Maharlika Village (PSGC: 137607009) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.

Barangay Maharlika Village,
Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Barangay
Opisyal na sagisag ng Barangay Maharlika Village, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Sagisag
RehiyonKalakhang Maynila
LungsodTaguig
Pamahalaan
 • UriBarangay
 • Kapitan ng BarangayYasser Garnace Pangandaman
Sona ng orasGMT (UTC+8)
Zip Code
1636
Kodigo ng lugar02

Kasaysayan

baguhin

Sa hangarin ng noo’y Pangulo ng Pilipinas Ferdinand Marcos na magkakaroon matibay na ugnayan ang mga Muslim at Kristiyano sa Pilipinas, ay nagpalabas siya ng Pampanguluhan Utos Blg. 1217 na nagtatadhana na paghandaan 37.7 ektaryang lupa sa nasasakupan ng Fort Bonifacio at pagbabakod nito upang maging pamahayan ng mga Muslim na naninirahan sa Kalakhang Maynila. Ang batas na ito ay nagkabisa noong ika-3 ng Enero 1973, na sinundan ng Liham-Tagubilin (Letter of Instruction) Blg. 142 ng ika-30 ng Oktubre 1973 na nagtatatag ng Lupon Pampangasiwaan sa Maharlika Village. Ang mga kagawad nito ay sina Kalihim-Tagapagpaganap Alejandro Melchor – Taga – Pangulo Gen. Romeo Espina – Puno ng Estado Mayor-Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) Col. Jaime A. Venayo – OIC ng Tanggapan sa Pagpapabahay at paglilipat. Sa simula, ang pamayanang ito ay tinawag na Muslim Village. Ang Moske ay pinamahalaan ng National Housing Authority. Nagsimula ang lahat ng pagawain dito noong ika–31 ng Hulyo 1975.

Ang Maharlika Village ay itinatag upang maging isang “ modelong pamayanan” ukol sa mga Muslim sa Kalakhang Maynila. Ang mga Muslim sa kalakhang Maynila ay nakakalat at walang palagiang pook tahanan, kaya ipinasiya ng pamahalaang Marcos na magbukod ng isang malaking bahagi ng Fort Bonifacio upang pagtayuan ng kanilang tahanan. Ito rin ang pook na magiging sentro o lunduyan ng lahat ng uri ng Muslim, Tausog, Maranao, Maguindanao, at iba pa upang sila ay magkaisa, magkaugnay at makroon ng sariling “kaanyuan” na magpapalakas sa kanilang kaisahan.

Noong Disyembre 1982, ang Maharlika Village ay mayroon ng 281 angkan o 1,686 na mga mamamayan mula sa iba’t-ibang tribu ng mga Muslim gaya ng Tausog, Ayakan, Maranaw, Maguindanao, Samal at . We

Pamahalaan

baguhin

Sangguniang Barangay

baguhin
  • Kapitan: Yasser Garnace Pangandaman
  • Kagawad ng barangay:
    • Bai Sittee Garnace Pangandaman
    • Saidee Musa Adap
    • Hadji Akmad Dianalan Wahab
    • Noraida B. Usman
    • Danny Bangco Laut
    • Mosaidin Silongan Mamalangkay
    • Muliloda Docal Lantud

Sangguniang Kabataan

baguhin
  • Tagapangulo : Hannah Genele P. Pautin
  • Mga Konsehal:
    • Maricar S. Ole
    • Michelle S. Al-Sultan
    • Ayza Rosaena N. Rasuman
    • Reehan O. Samad
    • Mus-Ab M. Abdulcader
    • Merlyn T. Andan
    • Nawaf R. Mohammad
    • Sittie Ashya M. Abdullah
    • Lyzah McLane
  • Kalihim: Darilyn A. Sioco
  • Ingat-Yaman: Abdul M. Suma

Tingnan rin

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin