Si Manahem or Manahen (Hebreo: מְנַחֵם, Moderno: Menaẖem, Tiberiano: Mənaḥēm Hebreo na ang kahulugan mang-aaliw; Acadio: 𒈪𒉌𒄭𒅎𒈨 Meniḫîmme [me-ni-ḫi-im-me]; Greek: Manaem in the Septuagint, Manaen in Aquila; Latin: Manahem; Buong pangalan: Hebreo: מְנַחֵם בֵּן-גדי‎, Menahem anak ni Gadi) ay hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) at anak ni Gadi.

Manahem
Guhit ni Menahem ni Guillaume Rouillé sa Promptuarii Iconum Insigniorum
Kaharian ng Israel (Samaria)
Sinundan Shallum ng Israel
Sumunod Pekahiah, anak
Ama Gadi

Ayon sa kasaysayan

baguhin

Nang pinalawig ni Ashurnasirpal II ang sakop ng Imperyong Neo-Asirya, pinalawig niya ang mga sakop nito hanggang sa Arva, Byblos, Sidon at Tyre kung saan nagpataw siya ng mga tributo sa mga ito. Dahil sa pananakop ng mga Asiryo, ang mga kaharian sa Palestina, Lebanon at Syria ay bumuo ng isang koalisyon nang ang sumunod na haring si Shalmaneser III ay sumakop sa kanluran. Sa Labanan ng Qarqar, hinarap ni Shalamaneser ang koalisyong ito kung saan ayon sa mga rekord na Asirya ay winasak ng mga Asiryo ang mga ito at nagwagi laban sa mga pinuno ng koalisyong ito na binubuo ng 12 hari kabilang ang mga hukbo ng Kaharian ng Israel (Samaria) ng haring si Ahab.

Kuwento ayon sa Bibliya

baguhin

Laban sa pananakop ng mga Asiryo, ang magkaaway na mga kahariang ng Syria at Kaharian ng Israel (Samaria) ay bumuo ng alyansa(2 Hari) 22:1). Bago nito, humingi ng tulong si Ahab sa hari ng Kaharian ng Juda na si Jehoshaphat laban sa Syria(2 Kronika 18:3). Bagaman namatay si Ahab, ipinagpatuloy ni Jehoshaphat ang pakikipagtulugan sa mga hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) na sina Jehoram at Ahazias. Sa sumunod na siglo, naging basalyo ng mga Asiryo ang mga hari ng Israel at Syria. Ang hari ng Israel na si Menahem ay pumayag na maging basalyo ng Asirya na napilitang magbigay ng tributo sa Asirya ng 2000 talento ng pilak (2 Hari 15:19) o mga 36 tonelada ng pilak Si Pekah na pinuno ng hukbo ng Israel sumunggab sa trono ni Pekaiah na anak ni Menahem. Tumanggi si Pekah na maging basalyo ng Asirya at kasama ng Syria ay naghimagsik laban sa Asirya. Gayunpaman, alam nilang ang kanilang koalisyon ay walang kakayahan na talunin ang mga Asiryo at sinikap na bumuo ng koalisyon sa ibang mga bansa. Tanging ang hari ng Kaharian ng Juda na si Ahaz ang tumanggi na sumapi sa koalisyong ito. Dahil dito, sinikap nina Pekah at hari ng Syria na si Rezin na palitan si Ahaz at ilagay ang isang taong nagngangalang Tabeal(Aklat ni Isaias 7:6). Sinalakay ng tatlo ang Kaharian ng Juda(1 Cronica 28, 2 Hari 16:6). Sa takot ni Ahaz, humingi siya ng tulong sa Asirya(2 Hari 16:7-8) at nagbigay ng tributo dito. Ayon sa 2 Hari 16:9, pinatay ng hari ng Asirya si Rezin. Ito ay salungat sa 2 Cronica 28:20-21 na nagsalaysay na hindi tinulungan ng Asirya si Ahaz. Ang Israel ay naging basalyo ng Asirya. Pinatalsik ni ni Tiglath Pileser si Pekah at ipinalit si Hoshea na pumayag na maging basalyo ng Asirya. Pinatay ni Hoshea si Pekah. Pagkatapos mamatay ni Tiglath Pileser, tumanggi si Hoshea na magbigay ng tributo sa Asirya. Kinulong ng sumunod na haring si Shalmaneser V si Hoshea at kinubkob ang Kaharian ng Israel (Samaria). Ipinagpatuloy ng sumunod na haring si Sargon II ang pagsalakay sa Israel at ipinatapon ang mga mamamayan nito noong ca.722 BCE.

Petsa ng paghahari

baguhin

Si Menahem ay naging hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) sa ika-39 taon ni Azariah na hari ng Kaharian ng Juda at naghari ng sampung taon(2 Hari 15:17). Ayon kay Kautsch,[1] si Menahem ay naghari mula 743 BCE. Ayon kay Schrader ay mula 745 hanggang 736 BCE. Ayon kay William F. Albright ay mula 745 hanggang 738 BCE at ayon kay E. R. Thiele ay mula 752 hanggang 742 BCE.[2]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Hist. of O.T. Literature, 185
  2. Edwin Thiele, The Mysterious Numbers of the Hebrew Kings, (1st ed.; New York: Macmillan, 1951; 2d ed.; Grand Rapids: Eerdmans, 1965; 3rd ed.; Grand Rapids: Zondervan/Kregel, 1983). ISBN 0-8254-3825-X, 9780825438257