Margot Robbie
Si Margot Elise Robbie ( /ˈmɑːrɡoʊ ˈrɒbi/ MAR-goh-_-ROB-ee ; ipinanganak noong 2 Hulyo 1990) ay isang artista at prodyuser mula sa Australya. Kilala sa kanyang nagawa sa parehong pumatok sa takilya at independenteng mga pelikula, nakatanggap siya ng iba't ibang mga parangal, kabilang ang mga nominasyon para sa tatlong Academy Award, anim na BAFTA Award at apat na Golden Globe Award. Pinangalanan siya ng Time bilang isa sa 100 pinakamaimpluwensyang tao sa mundo noong 2017, at pinangalanan siya ng Forbes bilang ang aktres na may pinakamataas na suweldo sa mundo noong 2023.
Margot Robbie | |
---|---|
Kapanganakan | Margot Elise Robbie 2 Hulyo 1990 Dalby, Queensland, Australya |
Edukasyon | Kolehiyo ng Somerset |
Trabaho |
|
Aktibong taon | 2008–kasalukuyan |
Organisasyon | LuckyChap Entertainment |
Mga gawa | Buong tala |
Asawa | Tom Ackerley (k. 2016) |
Isinilang at lumaki sa Queensland, sinimulan ni Robbie ang kanyang karera noong 2008 sa seryeng pantelebisyon na Neighbors, kung saan naging regular siya hanggang 2011. Pagkatapos lumipat sa Estados Unidos, pinagbidahan niya ang seryeng pantelebisyon na Pan Am (2011–2012) at nagkaroon ng kanyang tagumpay noong 2013 sa pelikulang komedya ni Martin Scorsese na The Wolf of Wall Street. Nakamit niya ang mas malawak na pagkilala sa mga bidang pagganap bilang Jane Porter sa The Legend of Tarzan (2016) at Harley Quinn sa mga pelikulang DC Extended Universe, simula sa Suicide Squad (2016).
Nakatanggap si Robbie ng kritikal na pagbubunyi at nominasyon para sa Pinakamahusay na Aktres ng Academy Award para sa kanyang pagganap bilang figure skater (o nag-ii-skeyt) na si Tonya Harding sa pelikulang talambuhay na I, Tonya (2017). Nagpatuloy ang pagbubunyi na ito para sa kanyang mga pagganap bilang Reyna Elizabeth I sa Mary Queen of Scots (2018), Sharon Tate sa Once Upon a Time in Hollywood (2019), at isang empleyado ng Fox News sa Bombshell (2019). Ang huli sa mga ito ay nakakuha siya ng nominasyon para sa Pinakamahusay na Pansuportang Aktres ng Academy Awards. Mula noon, gumanap si Robbie bilang isang naghahangad na aktres sa pelikulang makasaysayan na Babylon (2022) at ang pantitulong manikang moda sa komedyang Barbie (2023), na lumabas bilang ang kanyang pelikulang may pinakamataas na kita at naging prodyuser din siya nito, na nakakuha siya ng nominasyon para sa Pinakamagandang Pelikula ng Academy Awards.
Si Robbie at ang kanyang asawa, ang tagagawa ng pelikula na si Tom Ackerley, ay nagtatag ng kompanyang produksyon na LuckyChap Entertainment noong 2014, kung saan gumawa sila ng ilang mga pelikula, kabilang ang I, Tonya, Promising Young Woman (2020), Barbie, at Saltburn (2023), pati na rin ang serye sa Hulu na Dollface (2019–2022) at ang miniserye ng Netflix na Maid (2021).
Unang yugto ng buhay
baguhinSi Margot Elise Robbie ay isinilang noong Hulyo 2, 1990 sa Dalby, Queensland, kina Doug Robbie, isang dating may-ari ng bukid at nagnenegosyo ng tubo, at Sarie Kessler, isang pisiyoterapeyuta.[1][2][3] Siya ang pangalawang bunso sa apat na magkakapatid; ang mga nakatatandang kapatid na sina Anya at Lachlan at nakababatang kapatid na si Cameron.[4][5] Naghiwalay ang kanyang mga magulang noong siya ay limang taong gulang.[6] Si Robbie at ang kanyang mga kapatid ay pinalaking mag-isa ng kanilang ina at kakaunti lamang ang komunikasyon sa kanilang ama. Pagkatapos ng hiwalayan ng magulang, lumaki si Robbie sa bukid na pagmamay-ari ng kanyang lolo at lola sa Lambak ng Currumbin[7] sa liblib ng Baybayaing Ginuntuan (o Gold Coast).[8][9]
Karera
baguhinUnang gumanap sa pag-arte si Robbie noong nasa mataas na paaralan siya. Bumida siya sa dalawang mababang-badyet na independenteng suspenso (o thriller) na pelikula, ang Vigilante at ICU, na parehong ipinalabas pagkalipas ng ilang taon. Inilarawan niya ang karanasan sa set ng pelikula bilang "isang pangarap na natupad".[10] Ginawa niya ang kanyang unang paglabas sa telebisyon sa isang bisitang pagganap noong 2008 bilang Caitlin Brentford sa seryeng drama na City Homicide at sinundan ito ng arkong dalawang-episodyo sa pambatang serye sa telebisyon na The Elephant Princess, kung saan bumida siya kasama si Liam Hemsworth.[11]
Dumating ang tagumpay ni Robbie noong 2013 nang nakuha niya pagganap bilang Naomi Lapaglia, ang asawa ng bidang si Jordan Belfort, sa pambiyograpiyang komedyang itim ni Martin Scorsese na The Wolf of Wall Street. Sa kanyang awdisyon para sa papel, ginawa agad ni Robbie ng walang paghahanda ang pagsampal sa kapwa-bituin na si Leonardo DiCaprio sa isang eksenang labanan na sa huli, nakuha niya ang pagganap ng karakter.[12] Ang pelikula at ang kanyang pagganap ay nakatanggap ng mga positibong pagsusuri; partikular na pinuri siya para sa kanyang puntong Brooklyn na Ingles sa pelikula.[13]
Sinabi niya kalaunan na ang katanyagan at atensyon na natatanggap niya sa kanyang pelikula ay humantong sa pagsaalang-alang ng pagtigil sa pag-arte, subalit ang kanyang ina ay pilosopikal tungkol sa kanyang propesyon at ipinaliwanag sa kanya na malamang na huli na para huminto. Naunawaan niya nang buo ito at nananatili siya dito.[14] Sa layuning makagawa ng higit pang mga proyektong humihimok ng kababaihan, si Robbie at ang kanyang hinaharap na asawa, si Tom Ackerley, at ang kani-kanilang matagal nang kaibigan na sina Sophia Kerr at Josey McNamara, ay nagsimula ng kanilang sariling kompanyang produksyon na LuckyChap Entertainment. Itinatag ang kumpanya noong 2014 at nakuha ang inspirasyon ng pangalan kay Charlie Chaplin.[6]
Si Robbie ang unang gumanap ng kontrabidang karakter ng DC Comics na si Harley Quinn sa live-action (o totoong-tao) nang pumirma siya sa pelikulang superhero noong 2016 ni David Ayer na Suicide Squad kasama ang isang grupo ng artista na kinabibilangan nina Will Smith, Jared Leto at Viola Davis. Inamin niya na hindi pa niya nabasa ang komiks, subalit nadama niya ang isang malaking responsibilidad na gawan ng hustisya ang karakter at bigyang-kasiyahan ang mga tagahanga.[15]
Nakatanggap siya ng maraming parangal para sa kanyang iba't ibang pagganap, kabilang ang mga nominasyon para sa isang Academy Award, isang BAFTA Award, isang Golden Globe Award, isang Screen Actors Guild Award at isang Critics' Choice Movie Award, na lahat para sa Pinakamahusay na Aktres.[16]
Bumida si Robbie sa komedyang pantasya na Barbie bilang pantitulong pagganap, na pinagbibidahan kasama si Ryan Gosling bilang Ken.[17] Bilang prodyuser, binili ni Robbie ang mga karapatan mula sa Mattel para sa isang pelikula tungkol sa eponimong manikang moda noong 2018.[18] Kinuha niya si Greta Gerwig upang magsulat at magdirekta ng pelikula, at siya mismo ang kumuha ng titulong pagganap pagkatapos tanggihan ni Gal Gadot ang kanyang alok.[18] Sa pandaigdigang kabuuang kita na higit sa $1.4 bilyon, lumabas ang Barbie na may pinakamataas na kita para kay Robbie.[19] Nakatanggap siya ng karagdagang mga nominasyon ng BAFTA at Golden Globe para sa kanyang pagganap, karagdagan pa dito, ang isang nominasyon para sa Academy Award para sa pinakamahusay na pelikula.[20][21][22]
Pilmograpiya
baguhinPelikula
baguhinTaon | Pamagat | Ginampanan | Mga pananda | Sang. |
---|---|---|---|---|
2008 | Vigilante | Cassandra | [23] | |
2009 | I.C.U. | Tristen Waters | [24] | |
2013 | About Time | Charlotte | [25] | |
The Wolf of Wall Street | Naomi Lapaglia | [26] | ||
2015 | Z for Zachariah | Ann Burden | [27] | |
Focus | Jess | [28] | ||
Suite Française | Celine Joseph | [23][29] | ||
The Big Short | Kanyang sarili | Kameyo | [30] | |
2016 | Whiskey Tango Foxtrot | Tanya Vanderpoel | [31] | |
The Legend of Tarzan | Jane Clayton | [32] | ||
Australian Psycho | Kanyang sarili | Maikling pelikula | [33] | |
Suicide Squad | Harley Quinn | [34] | ||
2017 | I, Tonya | Tonya Harding | Prodyuser din | [35] |
Goodbye Christopher Robin | Daphne Milne | [36] | ||
2018 | Peter Rabbit | Flopsy / Ang Tagapagsalaysay | Boses lamang | [23] |
Flopsy Turvy | Flopsy | Boses lamang; maikling pelikula | ||
Terminal | Annie / Bonnie | Prodyuser din | [37] | |
Slaughterhouse Rulez | Audrey | Kameyo | [38] | |
Mary Queen of Scots | Reyna Elizabeth I | [39] | ||
2019 | Dreamland | Allison Wells | Prodyuser din | [40] |
Once Upon a Time in Hollywood | Sharon Tate | [41][42] | ||
Bombshell | Kayla Pospisil | [43] | ||
2020 | Birds of Prey | Harley Quinn | Prodyuser din | [44] |
Promising Young Woman | — | Prodyuser lamang | [45] | |
2021 | The Humming of the Beast | — | Maikling pelikula; ehekutibong prodyuser lamang | [46] |
Peter Rabbit 2: The Runaway | Flopsy / The Narrator | [47] | ||
The Suicide Squad | Harley Quinn | [48] | ||
2022 | Amsterdam | Valerie Voze | [49] | |
Babylon | Nellie LaRoy | [50] | ||
2023 | Asteroid City | Aktres / Asawa | [51] | |
Barbie | Barbie | Prodyuser din | [52] | |
Saltburn | — | Prodyuser lamang | [53] |
Telebisyon
baguhinTaon | Pamagat | Ginampanan | Pananda | Sang. |
---|---|---|---|---|
2008–2011, 2022 | Neighbours | Donna Freedman / Donna Brown | Regular sa serye; 355 episodyo | [54] |
2008 | City Homicide | Caitlin Brentford | 1 episodyo | |
Review with Myles Barlow | Kelly | 1 episodyo | ||
2009 | The Elephant Princess | Juliet | 2 episodyo | [55] |
Talkin' 'Bout Your Generation | Kanyang sarili | Serye 1: Episodyo 11 | [56] | |
2011–2012 | Pan Am | Laura Cameron | Pangunahing gumanap | [57] |
2015 | Top Gear | Kanyang sarili | Serye 22: Episodyo 4 | [58][59] |
Neighbours 30th: The Stars Reunite | Kanyang sarili | Dokumentaryo | [60] | |
2016 | Saturday Night Live | Host | Episodyo: "Margot Robbie / The Weeknd" | [61] |
2019–2022 | Dollface | Imelda | Episodyo: "Mama Bear"; ehekutibong prodyuser din | [62][63] |
2021 | Maid | — | Miniserye; ehekutibong prodyuser lamang | [64] |
2022 | Mike | — | Miniserye; ehekutibong prodyuser lamang | [65] |
Mga parangal
baguhinAyon sa review aggregator (nagsama-sama) na sayt na Rotten Tomatoes, ang pinaka-kritikal na kinikilalang mga pelikula ni Robbie ay About Time (2013), The Wolf of Wall Street (2013), Z for Zachariah (2015), Suite Française (2015), Whiskey Tango Foxtrot (2016), I, Tonya (2017), Mary Queen of Scots (2019), Bombshell (2019), Once Upon a Time in Hollywood (2019), Birds of Prey (2020), The Suicide Squad (2021), at Barbie (2023).[66]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Bilmes, Alex (1 Marso 2015). "Margot Robbie is Bazaar's April cover star". Harper's Bazaar (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Agosto 2015. Nakuha noong 2015-04-16.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Marcus, Stephanie (13 Mayo 2016). "We Can Prove Margot Robbie Isn't Lying About Her Age". HuffPost (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-14. Nakuha noong 14 Mayo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fletcher, Jennifer (15 Agosto 2016). "Revealed! Why Margot Robbie disowned her sugarcane tycoon dad". Yahoo! (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Abril 2021. Nakuha noong 18 Abril 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Margot Robbie's Sad Family Secret". New Idea. Australia. 15 Agosto 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Nobyembre 2016. Nakuha noong 19 Disyembre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Additional on 19 Disyembre 2016. - ↑ "Exclusive Interview with Margot" (sa wikang Ingles). Gold Coast (Australia) via Margot Robbie official website. 26 Enero 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2016. Nakuha noong 6 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Aleksander, Irina (6 Hunyo 2019). "Margot Robbie on Quentin Tarantino, Marriage, and the One Word She Hates Being Called" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Abril 2021. Nakuha noong 5 Abril 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Margot Robbie Belonged to a Surfer Girl Gang—And More Confessions From the Aussie Bombshell". Vogue (sa wikang Ingles). 17 Setyembre 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Enero 2023. Nakuha noong 22 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Houghton, Jack (14 Disyembre 2014). "Homegrown Hollywood starlet Margot Robbie home on the Gold Coast for Christmas". Gold Coast Bulletin. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 23 Disyembre 2016. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
"Margot Robbie Interview" (sa wikang Ingles). Jimmy Kimmel Live!. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Disyembre 2017. Nakuha noong 11 Disyembre 2017 – sa pamamagitan ni/ng YouTube.{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Overton, Karen Anne (5 Disyembre 2017). "Margot Robbie on Life in Clapham & Her New Film 'I, Tonya'". The Resident (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 30 Enero 2018. Nakuha noong 18 Abril 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Conversations with Margot Robbie of I, Tonya". SAG-AFTRA Foundation (sa wikang Ingles). 12 Enero 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Abril 2021. Nakuha noong 19 Abril 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cohen, Rich (6 Hulyo 2016). "Welcome to the Summer of Margot Robbie". Vanity Fair (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Abril 2021. Nakuha noong 19 Abril 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kenyon, Zara (23 Abril 2017). "Why Margot Robbie Slapped Leonardo DiCaprio During Her 'Wolf of Wall Street' Audition". Harper's Bazaar (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Abril 2021. Nakuha noong 20 Abril 2021.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Liebman, Lisa (2 Hulyo 2014). "The Best, and Worst, New York Accents on Film". Vanity Fair (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Hulyo 2015. Nakuha noong 4 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Margot Robbie Is Nobody's Barbie: The 'Babylon' Star on Navigating Hollywood". Vanity Fair (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Nobyembre 2022. Nakuha noong 14 Nobyembre 2022.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Betancourt, David (4 Agosto 2016). "Margot Robbie on becoming Harley Quinn and 'the most unpleasant thing I've ever done'". Chicago Tribune (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Abril 2021. Nakuha noong 21 Abril 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ritman, Alex (8 Enero 2018). "BAFTA Awards: 'Shape of Water,' 'Three Billboards,' 'Darkest Hour' Lead Pack of Nominations". The Hollywood Reporter. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Enero 2018. Nakuha noong 8 Enero 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Rubin, Rebecca (11 Disyembre 2017). "Golden Globe Nominations: Complete List". Variety. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Disyembre 2017. Nakuha noong 11 Disyembre 2017.{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Barnes, Brooks (23 Enero 2018). "2018 Oscar Nominations: 'The Shape of Water' Leads With 13 Nominations". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Pebrero 2018. Nakuha noong 23 Enero 2018.{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Pedersen, Erik; Hammond, Pete (6 Disyembre 2017). "Critics' Choice Awards Nominations: 'The Shape Of Water' Leads With 14 Nods; Netflix Tops TV Contenders". Deadline Hollywood (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Disyembre 2017. Nakuha noong 6 Disyembre 2017.{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Donnelly, Matt (26 Abril 2022). "Margot Robbie's 'Barbie' Sets 2023 Release Date". Variety (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Abril 2022. Nakuha noong 28 Abril 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 18.0 18.1 Aguirre, Abby (Mayo 24, 2023). "Barbiemania! Margot Robbie Opens Up About the Movie Everyone's Waiting For". Vogue (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-05-24. Nakuha noong Hulyo 10, 2023.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Margot Robbie". The Numbers (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Setyembre 2023. Nakuha noong 15 Setyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Oscar Nominations: The Complete List". Deadline Hollywood (sa wikang Ingles). 23 Enero 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Enero 2024. Nakuha noong 23 Enero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ritman, Alex; Shafer, Ellise (18 Enero 2024). "BAFTA Film Awards Nominations: 'Oppenheimer' and 'Poor Things' Lead as 'Barbie' Falls Short". Variety (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Enero 2024. Nakuha noong 18 Enero 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hipes, Patrick (Disyembre 11, 2023). "Golden Globe Nominations: 'Barbie', 'Oppenheimer' Top Movie List; 'Succession' Leads Way In TV". Deadline Hollywood (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2023. Nakuha noong Disyembre 11, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 23.0 23.1 23.2 "Margot Robbie". Rotten Tomatoes (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Agosto 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Margot Robbie's life and career in pictures". The Telegraph (sa wikang Ingles). 29 Setyembre 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2021. Nakuha noong 9 Agosto 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Felperin, Leslie (8 Agosto 2013). "Film Review: 'About Time'". Variety (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2021. Nakuha noong 13 Agosto 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sharkey, Betsy (24 Disyembre 2013). "Review: Scorsese, DiCaprio go hunting in 'Wolf of Wall Street'". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Setyembre 2020. Nakuha noong 13 Agosto 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Seitz, Matt Zoller (28 Agosto 2015). "Z for Zachariah". RogerEbert.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Agosto 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Brody, Richard (2 Marso 2015). "The Weird Problem with "Focus"". The New Yorker (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Agosto 2017. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lodge, Guy (10 Marso 2015). "Film Review: 'Suite francaise'". Variety (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Hulyo 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Romano, nick (27 Mayo 2016). "Red Nose Day: Margot Robbie, The Big Short spoof". Entertainment Weekly (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2021. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tina Fey's War-Zone 'Foxtrot' Falls Out Of Step". NPR (sa wikang Ingles). 4 Marso 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Setyembre 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Van Meter, Jonathan (13 Mayo 2016). "Tarzan's Margot Robbie on Why She's No Damsel in Distress". Vogue (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Agosto 2016. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Australian Psycho". IMDb (sa wikang Ingles).
- ↑ Fear, David (5 Agosto 2016). "Why Harley Quinn Is the Best (and Worst) Thing About 'Suicide Squad'". Rolling Stone (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Hulyo 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rich, Katey (6 Disyembre 2017). "Inside Margot Robbie's Tonya Harding Transformation in 'I Tonya'". Vanity Fair (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Enero 2021. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wloszczyna, Susan (13 Oktubre 2017). "Goodbye Christopher Robin". RogerEbert.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Setyembre 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Clarke, Cath (4 Hulyo 2018). "Terminal review – Margot Robbie hit-woman thriller misfires". The Guardian (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Hulyo 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cook, Meghan (2 Hulyo 2020). "Every Movie Margot Robbie Has Been in, Ranked Worst to Best by Critics". Business Insider (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Enero 2021. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rao, Sonia (14 Disyembre 2018). "How Margot Robbie transformed into Queen Elizabeth I for 'Mary Queen of Scots'". The Washington Post (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Pebrero 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ DeBruge, Peter (13 Mayo 2019). "Film Review: 'Dreamland'". Variety (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Agosto 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ebiri, Bilge (25 Hulyo 2019). "So, How Much of Once Upon a Time in Hollywood Is Margot Robbie Actually In?". Vulture (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Agosto 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hirschberg, Lynn (12 Oktubre 2019). "Episode 1: Margot Robbie". Five Things (Podcast) (sa wikang Ingles). Naganap noong 6:00-8:00-Robbie confirms this herself. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Hulyo 2021. Nakuha noong 21 Hulyo 2021.
{{cite podcast}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Authur, Kate (3 Enero 2020). "Margot Robbie Says Her 'Bombshell' Character Will End Up With a Woman". Variety (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Agosto 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Brody, Richard (13 Pebrero 2020). ""Birds of Prey," Reviewed: The Wasted Exertions of Margot Robbie". The New Yorker (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Oktubre 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Harvey, Dennis (26 Enero 2020). "'Promising Young Woman': Film Review". Variety (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Oktubre 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "THE HUMMING OF THE BEAST". CinemaChile (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Nobyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ritman, Alex (10 Marso 2020). "'Peter Rabbit 2' Pushed to Agosto Over Coronavirus Fears (Exclusive)". The Hollywood Reporter (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Marso 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chavez, Nicole (14 Setyembre 2019). "Margot Robbie will return for 'The Suicide Squad,' joining Idris Elba and a star-studded cast". CNN (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Nobyembre 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ N'Duka, Amanda (13 Enero 2021). "Rami Malek & Zoe Saldana Join David O. Russell Film At New Regency". Deadline (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Enero 2021. Nakuha noong 13 Enero 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fleming, Mike (2 Disyembre 2020). "Emma Stone Exits Damien Chazelle's 'Babylon;' Margot Robbie In Talks For Role". Deadline (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Marso 2021. Nakuha noong 7 Hulyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kit, Borys (13 Agosto 2021). "Jason Schwartzman, Rupert Friend Join Wes Anderson's Next Film (Exclusive)". The Hollywood Reporter-US (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Agosto 2021. Nakuha noong 13 Agosto 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kroll, Justin (8 Enero 2019). "Margot Robbie's 'Barbie' Movie Advances as WB, Mattel Close Deal". Variety (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Enero 2019. Nakuha noong 9 Enero 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kroll, Justin (Mayo 12, 2022). "Euphoria's Jacob Elordi And Barry Keoghan To Co-Star with Rosamund Pike in Emerald Fennell's Saltburn For MRC Film And LuckyChap: Hot Cannes Market Package". Deadline Hollywood (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 12, 2022. Nakuha noong Mayo 12, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Margot Robbie's life and career in pictures". The Telegraph (sa wikang Ingles). 29 Setyembre 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Pebrero 2020. Nakuha noong 13 Agosto 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cohen, Rich (6 Hulyo 2016). "Welcome to the Summer of Margot Robbie". Vanity Fair (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Abril 2021. Nakuha noong 19 Abril 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Talkin' 'Bout Your Generation Cast and Characters". TV Guide (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Enero 2021. Nakuha noong 13 Agosto 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Yahr, Emily (6 Hulyo 2016). "Margot Robbie finally explains what went wrong with 'Pan Am'". The Washington Post (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-05-30. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Daly, Emma (16 Pebrero 2015). "Will Smith pulls out award ceremony 'loser face' after Top Gear loss to Margot Robbie". Radio Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Pebrero 2017. Nakuha noong 13 Agosto 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The one with Will Smith and Margot Robbie" (sa wikang Ingles). Top Gear. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Pebrero 2017. Nakuha noong 13 Agosto 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lazarus, Susanna (2 Marso 2015). "Kylie Minogue, Jason Donovan and Margot Robbie unite for Neighbours 30th anniversary documentary". Radio Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Nobyembre 2020. Nakuha noong 13 Agosto 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McGee, Ryan (2 Oktubre 2016). "Margot Robbie on 'SNL': 3 Sketches You Have to See". Rolling Stone (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Agosto 2020. Nakuha noong 30 Hulyo 2020.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chuba, Kirsten (16 Nobyembre 2019). "'Dollface' Team Talks "Friendship Love Stories," Getting Women Behind the Camera". The Hollywood Reporter (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2020. Nakuha noong 13 Agosto 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Carlin, Shannon (16 Nobyembre 2019). "The Dollface Cast & Cameos Includes More Than A Few '90s Faves" (sa wikang Ingles). Refinery29. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Enero 2021. Nakuha noong 13 Agosto 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Florsheim, Lane (6 Oktubre 2021). "Netflix's 'Maid' Cast: How a Bestselling Memoir Became an Acclaimed Miniseries". The Wall Street Journal (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Agosto 2022. Nakuha noong 1 Agosto 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Mike" on Hulu". IMDb (sa wikang Ingles).
- ↑ "All Margot Robbie Movies Ranked by TomatoMeter". Rotten Tomatoes]] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Enero 2021. Nakuha noong 25 Enero 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)