Maria Makiling
Sa alamat[1] ng Pilipinas, si Maria Makiling ay isang diwata na nagbabantay ng Bundok Makiling, isang bundok na matatagpuan sa Los Baños, Laguna. Nilalarawan siya bilang isang magandang dalaga na may mahabang buhok at kulay kayumangging kaligatan.
Maria Makiling | |
---|---|
Pamagat | Maria Makiling |
Paglalarawan | Tagapagtanggol ng Bundok Makiling |
Kasarian | Babae |
Rehiyon | Pilipinas |
Katumbas | Diwata |
Mga kuwento
baguhinMaraming kuwento ang nagsasaad ng kanyang kabutihan at maging ng kanyang kalupitan. Siya ay matulungin sa mga tao, at nagbibiyaya ng masaganang ani at huli ng isda. Subalit ang mga tao ay nagmamalabis at nagiging pabaya sa kanyang mga ibinibigay kaya siya ay nagpapataw ng parusa. Ilan sa kuwento tungkol sa kanya ay ang mga sumusunod:
Mga Sabi-sabi
baguhinMay mga nagsasabing nililigaw ni Maria Makiling ang mga taong nagkakalat sa kanyang bundok. Makikita lamang nila ang tamang daan kung nilinis nila ang kanilang kalat.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ang Alamat
- ↑ "Lanuza, Michelle". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-02. Nakuha noong 2012-09-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alamat ni Maria Makiling
Panlabas na kawing
baguhin- Alamat ni Maria Makiling Gintong Aral
- Sari-saring alamat Mga Alamat