Sistema ng mga Palya ng Lambak ng Marikina

(Idinirekta mula sa Marikina Valley Fault System)

Ang Sistema ng mga Palya ng Lambak ng Marikina (Marikina West Valley Fault System) ay isang sistema ng mga palyang rumbong dekstral (dextral strike-slip fault) sa Pilipinas. Ito ay isang biyolenteng palya na matatagpuan sa bahagi ng Kalakhang Maynila na matatagpuan sa Lungsod ng Marikina. Ito ay naguugnay simula sa Dingalan, Aurora at hihinto sa Angat, Bulacan at ito ay muling tatakbo sa mga karatig lungsod ng Kalakhang Maynila, kasama ang Marikina, Lungsod Quezon, Pasig, Pateros, Makati, Taguig at Muntinlupa, at ang mga karatig-lalawigan ng Bulacan, Kabite at Laguna.

Ang bahagi ng mababa at mataas ng lambak ng marikina

Mga bahagi ng palya

baguhin

Ang fault ay naglalaman ng dalawang pangunahing mga bahagi, kilala bilang Palya ng Kanlurang Lambak (WVF) at Palya ng Silangang Lambak (EVF).

Palya ng Kanlurang Lambak

baguhin

Ang kanlurang bahagi, na kilala bilang Palya ng Kanlurang Lambak (WVF), ay isa sa dalawang pangunahing bahagi ng fault ng Marikina Valley Fault System na dumadaan sa mga lungsod ng Marikina, Pasig at Muntinlupa ng 100 kilometro kapag gumalaw ang fault.[1] Gumagalaw ito sa isang dominanteng galaw na rumbong dekstral (dextral strike-slip).[2] Ang West Valley Fault ay may kakayahang makagawa ng isang malakihang lindol sa mga aktibong yugto nito na may magnitud na 7 pataas.[1]

 
Ang paligid na dinaraanan ng Palya ng Kanlurang Lambak
Banta sa Maynila

Ang Palya ng Kanlurang Lambak ay siyang dahilan kung bakit binabantaan ang kalakhang maynila ito ay tinatawag na The Big One o Big One ay isang napakalakas na lindol na maaaring tumama sa Kalakhang Maynila at sa mga karatig na lalawigan na papalo sa magnitud 7.2 na lindol ang magaganap, hindi pa tinutukoy o sigurado kung kailang mangyayari ang napakalakas na lindol na aabot daw sa 35,000 hanggang 40,000 na katao (papulasyon) ang mamatay at ang sugatan ay aabot sa 120,000 pinsala nang kabahayang masisira ay 500,000 at ilang mga gusali ang babagsak.

Mga lugar na dinaraanan ng Palya ng Kanlurang Lambak

Palya ng Silangang Lambak

baguhin

Ang bahagi sa silangan na kilala bilang Palya ng Silangang Lambak (EVF) ay gumagalaw sa isang oblique na galaw na dextral sa loob ng 10 kilometro.[2] Katabi lamang ito ng Palya ng Kanlurang Lambak sa lalawigan ng Rizal. Dumadaan ito mula San Mateo hanggang Rodriguez.

 
Mapang rilyebe (relief map) ng Kalakhang Maynila at mga karatig-lalawigan na nagpapakita ng mga guhit ng mga Palya ng Kanlurang at Silangang Lambak sa kalatagan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "'Big One' Is Possible But Metro Is Unprepared". Quezon City, Philippines: Bulatlat. 14 Agosto 2004. Nakuha noong 2010-02-03. If a major earthquake were to hit Metro Manila today, the devastation would be so big even disaster response authorities cannot simply cope with it. And it even looks like disaster preparedness occupies a low priority among officials down to the municipal level.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Rimando, Rolly E.; Knuepfer, Peter L.K. (2004). "Neotectonics of the Marikina Valley fault system (MVFS) and tectonic framework of structures in northern and central Luzon, Philippines". Tectonophysics (journal). 415 (1–4): 17–38. doi:10.1016/j.tecto.2005.11.009.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)