Marilao
Ang Marilao (pagbigkas: ma•ri•láw) ay isang unang klaseng bayan sa lalawigan ng Bulacan, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 254,453 sa may 62,109 na kabahayan. Sa patuloy na paglawak ng Kalakhang Maynila, ang bayan ay bahagi na ng Greater Manila Area, na umaabot sa bayan ng San Ildefonso ang layo.
Marilao Bayan ng Marilao | |
---|---|
Mapa ng Bulacan na nagpapakita sa lokasyon ng Marilao. | |
Mga koordinado: 14°45′29″N 120°56′53″E / 14.7581°N 120.9481°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Gitnang Luzon (Rehiyong III) |
Lalawigan | Bulacan |
Distrito | Pang-apat na Distrito ng Bulacan |
Mga barangay | 16 (alamin) |
Pagkatatag | 1796 |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Ricardo M. Silvestre |
• Manghalalal | 101,490 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 33.74 km2 (13.03 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 254,453 |
• Kapal | 7,500/km2 (20,000/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 62,109 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 9.66% (2021)[2] |
• Kita | ₱936,454,337.02 (2020) |
• Aset | ₱1,712,863,265.54 (2020) |
• Pananagutan | ₱547,240,732.24 (2020) |
• Paggasta | ₱864,817,008.14 (2020) |
Kodigong Pangsulat | 3019 |
PSGC | 031411000 |
Kodigong pantawag | 44 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | wikang Tagalog |
Websayt | marilao.gov.ph |
Ang Marilao ay Kasapi ng Dalawampu't Isang Munisipalidad, na kung tawagin ay "Liga ng 21", Ito ay ang mga bayan na nakamit na ang mga kinakailangan para maging isang lungsod ayon sa Koda para sa Lokal na Pamahalaan ng Konstitusyon.
Kasaysayan ng Marilao
baguhinBago pa maitatag ang bayan ng Marilao, Ito ay naging baryo ng Meycauayan. Ang mga Franciscanong Pari mula sa Meycauayan ang nagtayo ng bisitang matanda para kay San Miguel Arcanghel.
Noong 21 Abril 1796, Ang baryo ng Marilao ay itinatag bilang Pueblo na inaprubahan naman ng Alcalde Mayor ng Bulacan at ng mga Franciscanong Prayle sa pagapruba naman ng Arsobispo ng Maynila, Ang Bisita na itinayo para kay San Miguel ang nagsilbing Pambayang Parokya na kung saan si Padre Vicente de Talavera ang naging Kura Paroko.
Pambayang Pamahalaan
baguhinKatulad ng Pambansang Pamahalaan, ang pamahalaan ng Marilao ay nahahati sa 3, Tagapaganap, Tagapagbatas at Tagapaghukom. Ang Tagapaganap ay ang Alkalde at ang mga Kapitan ng Baranggay. Ang mga Tagapagbatas ay ang Sangguniang Bayan, Sangguniang Baranggay at ang Sangguniang Kabataan para sa mga Kabataan.
Ang Tagapaghukom ay pinangasisiwaan ng Korte Suprema ng Pilipinas.
Nakaraang mga Alkalde ng Marilao
baguhin- Martin Villarica (1913-1919)
- Ceferino Santiago (1919-1922)
- Canuto Santo Tomas (1922-1925)
- Agripino San Miguel (1925-1928)
- Honorio Ramos (1928-1931)
- Miguel Villarica* (1931-1934)
- Ricardo de Vera (1934-1937)
- Andres Roxas (1937-1940)
- Miguel Villarica** (1941-1944)
- Benito Sta. Rosa (1945-1946)
- Justino Cruz (1946-1947)
- Miguel Villarica*** (1948-1951)
- Mario Santiago**** (1956-1971)
- Nicanor Guillermo (1972-1984)
- Mario Villarica (1986-1987)
- Israel Guevarra (1987-1988)
- Abelardo Dalmacio (1988-1992)
- Epifanio Guillermo* (1992-1995)
- Leoncio Duran, Jr.****(1995-2004)
- Epifanio Guillermo** (2004-2013)
- Juanito "Tito" H. Santiago (2013-2018)
- Ricardo Silvestre (2019-2022)
- Henry R. Lutao (2023-Kasalukuyan)
1*Unang Termino<br>
2*Ikalawang Termino<br>
3*Ikatlong Termino<br>
4*Magkakasunod na Termino<br>
Mga Baranggay
baguhinAng Bayan ng Marilao ay nahahati sa 16 na baranggay.
No. | Baranggay | Populasyon | Klasipikasyon/Antas |
---|---|---|---|
1 | Abangan Norte | 8,665 | Urbano |
2 | Abangan Sur | 9,788 | Urbano |
3 | Ibayo | 6,584 | Mas Urbano |
4 | Lambakin | 37,007 | Urbano |
5 | Lias | 12,038 | Urbano |
6 | Loma de Gato | 46,286 | Urbano/Pinakapopulado |
7 | Nagbalon | 3,766 | Urbano |
8 | Patubig | 6,113 | Mas Urbano |
9 | Poblacion 1st | 1,661 | Urbano |
10 | Poblacion 2nd | 5,536 | Mas Urbano/Kalakhang Bayan |
11 | Prenza 1st | 5,827 | Urbano |
12 | Prenza 2nd | 6,507 | Urbano |
13 | Santa Rosa 1st | 9,921 | Urbano |
14 | Santa Rosa 2nd | 8,510 | Urbano |
15 | Saog | 11,445 | Mas Urbano |
16 | Tabing-ilog | 5,970 | Mas Urbano |
Mga Nahalal na Opisyales (Halalan 2022)
baguhin- Mayor Hon. Henry R. Lutao
- Vice Mayor Hon. Jun Bob J. Dela Cruz
- Mga Konsehal:
- Hon. Juanito Santiago
- Hon. Madel Jasa
- Hon. Allane T. Sayo
- Hon. Vanessa Valdez
- Hon. Andrie Santos
- Hon. William Villarica
- Hon. Ariel Amador
- Hon. Luisa Silvestre
Hon. Guillermo Paraoan-ABC President
Hon. Carlo Solis-SK Federation President
Demograpiko
baguhinSensus ng Populasyon ng Marilao | ||
---|---|---|
Taon | Populasyon | Porsiyentong
Idinagdag |
1990 | 56,361 | — |
1995 | 68,761 | +3.80% |
2000 | 101,017 | +8.60% |
2007 | 160,452 | +6.59% |
2010 | 185,624 | +5.45% |
Pinagkuhanan: NSO |
Himig ng Marilao
baguhinAng Himig ng Marilao ay ang opisyal na awit ng Marilao. Kinatha ni Gener Javier, ito ay ginagamit sa mga okasyong pansibiko tulad ng mga flag ceremony at mga inagurasyon ng mga opisyales.
HIMIG NG MARILAO
ni Gener Javier |
---|
Masdán mo ang bayan ko,
Marilao, mahál kong bayan Sagana sa biyayà ng Poóng Maykapál. Ang bawat mámamayan, ay pag-asa ng kaniyáng Ináng Bayan. Kahit na mapasaán man ay iyong ikararangál. Bayan ko ay may dangál. Ligaya kong siya'y mapaglingkurán. Sa puso't diwà ako'y nakákintál ang iyóng kagitingan! KORO: Ito ang bayan ko! Marilao, Marilao, Marilao! Tuwina ay may pagpapalâ, Bayan ng Bulacan! (bis) |
Demograpiko
baguhinTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 3,506 | — |
1918 | 4,202 | +1.21% |
1939 | 5,682 | +1.45% |
1948 | 6,206 | +0.98% |
1960 | 9,206 | +3.34% |
1970 | 16,128 | +5.76% |
1975 | 21,017 | +5.45% |
1980 | 35,069 | +10.78% |
1990 | 56,361 | +4.86% |
1995 | 68,761 | +3.80% |
2000 | 101,017 | +8.60% |
2007 | 160,452 | +6.59% |
2010 | 185,624 | +5.45% |
2015 | 221,965 | +3.46% |
2020 | 254,453 | +2.72% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Mga sanggunian
baguhin- ↑
"Province: Bulacan". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Bulacan". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Kawing Panlabas
baguhin
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.