Maritimong Daang Seda
Ang Maritimong Daang Seda o Maritimong Rutang Seda[2] ay ang pandagat na bahagi ng makasaysayang Daang Seda na nag-ugnay sa Timog-silangang Asya, Silangang Asya, subkontinenteng Indiyo, tangway ng Arabia, silangang Aprika, at Europa. Nagsimula ito noong ika-2 siglo BK at lumaganap hanggang ika-15 siglo PK.[3] Pangunahing itinatag at ipinatakbo ang Maritimong Daang Seda ng mga Austronesyong mandaragat sa Timog-silangang Asya na nagpatakbo ng mga malalaking barkong pangkalakal na naglayag nang malayuan sa karagatan (tulad ng daong).[4](p11)[5] Ginamit din ang ruta ng mga dhow ng mga Tamil na mangangalakal sa Timog Asya,[4](p13) at ang mga Persa at Arabeng mangangalakal sa Dagat Arabe at higit pa.[4](p13) Nang maglaon, sinimulan din ng Tsina ang paggawa ng sarili nilang mga barkong pangkalakal (chuan) at sinundan ang mga ruta, mula ika-10 hanggang ika-15 siglo PK.[6][7]:17
Sinundan ng daan ang hakbang ng mga mas lumang daang-dagat sa Timog-silangang Asya,[8][9][10][11] pati na rin ang mga pang-espesyang daang-dagat ng Timog-silangang Asya, Sri Lanka, Indiya, at ang Karagatang Indiyo, at nagkataong tumapat sa mga sinaunang daang pangkalakalan sa dagat sa kasalukuyang panahon.[12][13]
Isang modernong pangalan ang katawagang "Maritimong Daang Seda". Walang tiyak na pangalan ang sinaunang rutang pandagat sa Timog-silangang Asya at Karagatang Indiyo para sa karamihan ng napakahabang kasaysayan nito.[4] Sa kabila ng pangalan nito sa modernong panahon, samu't sari ang mga kinalakal sa malawak na sakop ng Maritimong Daang Seda, hindi lang seda o mga Asyanong luwas.[7]:17, 20, 149, 168 Kabilang sa mga kalakal ang mga seramika, salamin, kuwintas, hiyas, garing, mabangong kahoy, metal (mga materyales at produkto), tela, pagkain (kabilang ang mga butil, alak, at espesya), aromatiko, at hayop, at iba pa. Nagkaiba ang mga produkto na dinala ng mga barkong pangkalakal sa bawat rehiyon at daungan.[7]:132-133, 186, 216
Arkeolohiya
baguhinKabilang sa ebidensiya ng Maritimong Daang Seda sa arkeolohiya ang marami-raming nalubog na barko na nabawi sa may ruta.[14][5] Kasali na rito ang Arabeng pagkawasak sa Belitung ng dhow na pinetsahan noong s. 826, ang pagkawasak ng Intan noong ika-10 siglo, at ang pagkawasak sa Cirebon ng isang Kanluraning-Austronesyong sasakyang-dagat na pinetsahan noong dakong huli ng ika-10 siglo, na pawang nabawi mula sa Dagat Java.[4](p12)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Manguin, Pierre-Yves (2016). "Austronesian Shipping in the Indian Ocean: From Outrigger Boats to Trading Ships". Sa Campbell, Gwyn (pat.). Early Exchange between Africa and the Wider Indian Ocean World [Maagang Palitan ng Aprika at ang Nakalalawak na Mundo ng Karagatang Indiyo] (sa wikang Ingles). Palgrave Macmillan. pp. 51–76. ISBN 9783319338224.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wang, Qiang (2020). Legendary Port of the Maritime Silk Routes: Zayton (Quanzhou) [Maalamat na Daungan ng Mga Maritimong Rutang Seda: Zayton (Quanzhou)] (sa wikang Ingles). Qiang Wang. p. 280. ISBN 978-1-4331-7040-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maritime Silk Road" [Maritimong Daang Seda]. SEAArch (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-01-05. Nakuha noong 2024-06-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 Guan, Kwa Chong (2016). "The Maritime Silk Road: History of an Idea" [Ang Maritimong Daang Seda: Kasaysayan ng isang Ideya] (PDF). NSC Working Paper (sa wikang Ingles) (23): 1–30. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2022-10-09. Nakuha noong 2024-06-13.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Manguin, Pierre-Yves (Setyembre 1980). "The Southeast Asian Ship: An Historical Approach" [Ang Timog-silangang Asyanong Barko: Isang Makasaysayang Pamamaraan]. Journal of Southeast Asian Studies (sa wikang Ingles). 11 (2): 266–276. doi:10.1017/S002246340000446X.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Flecker, Michael (Agosto 2015). "Early Voyaging in the South China Sea: Implications on Territorial Claims" [Maagang Paglalayag sa Dagat Timog Tsina: Mga Implikasyon sa Mga Pag-aangkin sa Teritoryo]. Nalanda-Sriwijaya Center Working Paper Series (sa wikang Ingles). 19: 1–53.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 Franck Billé; Sanjyot Mehendale; James W. Lankton, mga pat. (2022). The Maritime Silk Road [Ang Maritimong Daang Seda] (PDF) (sa wikang Ingles). Amsterdam University Press. ISBN 978-90-4855-242-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tsang, Cheng-hwa (2000). "Recent advances in the Iron Age archaeology of Taiwan" [Mga kamakailang pagsulong sa arkeolohiya ng Panahon ng Bakal ng Taiwan]. Bulletin of the Indo-Pacific Prehistory Association (sa wikang Ingles). 20: 153–158. doi:10.7152/bippa.v20i0.11751 (di-aktibo 2024-04-12). ISSN 1835-1794.
{{cite journal}}
: CS1 maint: DOI inactive as of Abril 2024 (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Turton, M. (17 Mayo 2021). "Notes from central Taiwan: Our brother to the south" [Mga tala mula sa gitnang Taiwan: Ang aming kapatid sa timog]. Taipei Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Disyembre 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Everington, K. (6 Setyembre 2017). "Birthplace of Austronesians is Taiwan, capital was Taitung: Scholar" [Taiwan ang Pinagkapanganakan ng mga Austronesyo, Taitung ang naging kabisera: Iskolar]. Taiwan News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Disyembre 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bellwood, Peter; Hung, H.; Lizuka, Yoshiyuki (2011). "Taiwan Jade in the Philippines: 3,000 Years of Trade and Long-distance Interaction". Sa Benitez-Johannot, P. (pat.). Paths of Origins: The Austronesian Heritage in the Collections of the National Museum of the Philippines, the Museum Nasional Indonesia, and the Netherlands Rijksmuseum voor Volkenkunde [Mga Landas ng Pinagmulan: Ang Pamanang Austronesyo sa Mga Koleksyon ng Pambansang Museo ng Pilipinas, ang Museo Nasional Indonesia, at Rijksmuseum voor Volkenkunde ng Olanda] (sa wikang Ingles). ArtPostAsia. ISBN 978-971-94292-0-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bellina, Bérénice (2014). "Southeast Asia and the Early Maritime Silk Road". Sa Guy, John (pat.). Lost Kingdoms of Early Southeast Asia: Hindu-Buddhist Sculpture 5th to 8th century [Mga Nawalang Kaharian ng Maagang Timog-silangang Asya: Eskulturang Hindu-Budista ng ika-5 hanggang ika-8 siglo] (sa wikang Ingles). Yale University Press. pp. 22–25. ISBN 9781588395245.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mahdi, Waruno (1999). "The Dispersal of Austronesian boat forms in the Indian Ocean". Sa Blench, Roger; Spriggs, Matthew (mga pat.). Archaeology and Language III: Artefacts languages, and texts [Arkeolohiya at Wika III: Mga artepakto, wika, at mga teksto]. One World Archaeology (sa wikang Ingles). Bol. 34. Routledge. pp. 144–179. ISBN 978-0415100540.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Heng, Derek (2019). "Ships, Shipwrecks, and Archaeological Recoveries as Sources of Southeast Asian History" [Mga Barko, Nawasak (na Barko), at Mga Natuklasan ng Arkeolohiya bilang Sanggunian ng Kasaysayan ng Timog-silangang Asya]. Oxford Research Encyclopedia of Asian History (sa wikang Ingles): 1–29. doi:10.1093/acrefore/9780190277727.013.97. ISBN 9780190277727.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)