Kalakalan ng pampalasa

komersiyong makasaysayan at internasyonal
(Idinirekta mula sa Kalakalan ng espesya)

Kinasangkutan ang kalakalan ng pampalasa ng mga makasaysayang sibilisasyon sa Asya, Hilagang-Silangang Aprika at Europa. Kilala at ginamit sa sinaunang panahon ang mga espesya kagaya ng kanela, kasiya, kardamomo, luya, paminta, moskada, sangke, klabo, at luyang-dilaw, at ikinalakal ang mga ito sa Mundong Silanganin.[1] Nakarating ang mga espesyang ito sa Malapit na Silangan bago simula ng panahong Kristiyano, na may mga kamangha-manghang kuwento na nagtatago ng kanilang mga tunay na pinagmulan.[1]

Hinarangan ang Daan ng Sutla (pula) at ruta ng kalakalan ng espesya (bughaw) ng Imperyong Seljuk s. 1090, na nagpasimuno ng Mga Krusada, at ng Imperyong Otomano s. 1453, na nagpasimula sa Panahon ng Pagtuklas at Kolonyalismong Europeo.

Dominado sa aspetong pandagat ng kalakalan ang mga Austronesyo sa Timog-silangang Asya, lalo na ang mga Indones na mandaragat na nagtatag ng mga ruta mula Timog-silangang Asya pa-Sri Lanka at India (at kalaunan pa-Tsina) sa pagsapit ng 1500 BK.[2] Ibiniyahe ang mga kalakal sa lupa patungo sa Mediteraneo at mundong Greko-Romano sa pamamagitan ng ruta ng insenso at rutang Romano–Indiyano ng mga Indiyano at Persiyanong mangangalakal.[3] Nadagdagan ang maritimong daanang pangkalakalan ng mga Austronesyo sa Gitnang Silangang at silangang Aprika sa pagsapit ng ika-1 milenyo PK, na nagbunga sa Austronesyong kolonisasyon ng Madagaskar.

Sa loob ng mga partikular na rehiyon, pinayunir ng Kaharian ng Aksum (ika-5 siglo BK–PK ika-11 siglo) ang ruta ng Dagat Pula bago ang ika-1 siglo PK. Noong unang milenyo PK, naging maritimong kapangyarihan sa pangangalakal sa Dagat Pula ang mga Etiyope. Sa panahong ito, mayroon nang mga ruta ng kalakalan mula Sri Lanka (ang Romanong Taprobane) at India, na nakakuha ng teknolohiyang maritimo mula sa pakikipag-ugnayan sa mga Austronesyo. Pagsapit ng ika-7 siglo PK, pagkatapos ang pagbangon ng Islam, nagsimulang maglayag ang mga Arabeng mangangalakal sa mga rutang ito at nangibabaw sa mga maritimong ruta sa kanlurang Karagatang Indiyo.[kailangan ng sanggunian]

Mga pinagmulan

baguhin
 
Ang kalakalan ng pampalasa mula sa India ay nakaakit sa dinastiyang Ptolemayka, at kasunod nito, sa imperyong Romano.

Nakipagkalakalan ang mga tao mula sa panahong Neolitiko ng mga pampalasa, obsidiyano, kabibe, mamahaling bato at iba pang mahahalagang bagay noon pa mang mga ika-10 milenyong BK. Mga Ehipsyo ang unang nakapagbanggit sa kalakalan sa makasaysayang panahon. Sa ika-3 milenyong BK, nakipagkalakalan sila sa Lupain ng Punt, na pinaniniwalaang matatagpuan sa isang lugar na sumasaklaw sa hilagang Somalya, Hibuti, Eritrea at baybayin ng Sudan sa may Dagat Pula.[4][5]

 
Austronesyong protohistoriko at makasaysayang maritimong network ng kalakalan sa Karagatang Indiyo.[6]

Noong una, nakaugnay ang kalakalan ng pampalasa sa mga ruta sa kalupaan, ngunit mga rutang pandagat ang naging salik na nakatulong sa paglago ng kalakalan.[1] Mga taong Austronesyo ng Kapuluang Timog-silangang Asya ang mga unang nakipagkalakalan sa pamamagitan ng karagatang Indiyo.[6] Nagtatag sila ng mga ruta ng kalakalan sa Timog Indiya at Sri Lanka mula mga 1500 BK hanggang 600 BK, na naging simula ng pagpapalitan ng materyal na kultura (tulad ng mga barkong katamaran, bangka, balangay, at pagnganganga) at mga kultihen (tulad ng buko, sandalo, saging, at tubo), pati mga pampalasang endemiko sa mga Kapuluan ng Espesya (klabo at moskada). Kalaunan, ikinonekta rin nito ang mga materyal na kultura ng Indiya at Tsina sa pamamagitan ng Maritimong Daang Seda. Nakipagkalakalan ang mga Indones mismo ng mga pampalasa (pangunahin, ang kanela at kasiya) sa Silangang Aprika gamit ang mga katamaran at bangka na inilayag sa tulong ng mga pakanlurang hangin sa Karagatang Indiyo. Lumawak itong network ng kalakalan hanggang sa Aprika at Tangway ng Arabya, na nagresulta sa pananakop ng Madagaskar ng mga Austronesyo sa unang kalahati ng unang milenyo PK. Nagpatuloy ito hanggang sa makasaysayang panahon, na kalaunan ay naging Maritimong Daang Seda.[7][8][6][9][10][11][12][13]

Noong unang milenyo BK, nakibahagi rin ang mga Arabe, Penisyo, at Indiyano sa pangangalakal sa dagat at lupa ng mga mamahaling produkto tulad ng pampalasa, ginto, mamahaling bato, balat ng mga kakaibang hayop, ebano at perlas. Naganap ang kalakalang dagat sa Dagat Pula at Karagatang Indiyo. Ang rutang dagat sa Dagat na Pula ay mula Bab-el-Mandeb hanggang Berenike, mula roon sa pamamagitan ng lupa hanggang sa Nilo, at pagkatapos, sa pamamagitan ng mga bangka patungong Alehandriya. Ikinalakal ang mga karangyaan kabilang ang pampalasang Indiyano, ebono, sutla at pinong tela sa kahabaan ng rutang insenso sa lupa.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Spice Trade" [Kalakal ng Espesya] (sa wikang Ingles). Encyclopædia Britannica. 2016. Nakuha noong Abril 25, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Dick-Read, Robert (Hulyo 2006). "Indonesia and Africa: questioning the origins of some of Africa's most famous icons" [Indonesia at Aprika: pagkukuwestiyon ng pinagmulan ng ilan sa mga pinakasikat na ikono ng Aprika]. The Journal for Transdisciplinary Research in Southern Africa (sa wikang Ingles). 2 (1): 23–45. doi:10.4102/td.v2i1.307.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Fage 1975: 164
  4. Simson Najovits, Egypt, trunk of the tree, Volume 2, (Algora Publishing: 2004), pa. 258.
  5. Rawlinson, Hugh George (2001). Intercourse Between India and the Western World: From the Earliest Times of the Fall of Rome [Ugnayan ng Indiya at Kanluraning Mundo: Mula sa Pinakamaagang Panahon ng Pagbagsak ng Roma] (sa wikang Ingles). Asian Educational Services. ISBN 978-8120615496.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 Manguin, Pierre-Yves (2016). "Austronesian Shipping in the Indian Ocean: From Outrigger Boats to Trading Ships". Sa Campbell, Gwyn (pat.). Early Exchange between Africa and the Wider Indian Ocean World [Maagang Pagpapalitan ng Aprika at ng Mas Malawak na Mundo ng Karagatang Indiyano] (sa wikang Ingles). Palgrave Macmillan. pp. 51–76. ISBN 9783319338224.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Olivera, Baldomero; Hall, Zach; Granberg, Bertrand (31 Marso 2024). "Reconstructing Philippine history before 1521: the Kalaga Putuan Crescent and the Austronesian maritime trade network" [Rekonstruksiyon ng kasaysayan ng Pilipinas bago ang 1521: ang Gasuklay ng Kalaga Putuan at ang Austronesyong network ng kalakalan sa dagat]. SciEnggJ (sa wikang Ingles). 17 (1): 71–85. doi:10.54645/2024171ZAK-61.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Zumbroich, Thomas J. (2007–2008). "The origin and diffusion of betel chewing: a synthesis of evidence from South Asia, Southeast Asia and beyond" [Ang pinagmulan at pagkalat ng pagnganganga: sintesis ng ebidensiya mula Timog Asya, Timog-silangang Asya at higit pa]. eJournal of Indian Medicine (sa wikang Ingles). 1: 87–140. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Marso 2019. Nakuha noong 22 Enero 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Doran, Edwin Jr. (1974). "Outrigger Ages" [Mga Panahon ng Bangka]. The Journal of the Polynesian Society (sa wikang Ingles). 83 (2): 130–140. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-01-18. Nakuha noong 2024-12-19.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Mahdi, Waruno (1999). "The Dispersal of Austronesian boat forms in the Indian Ocean". Sa Blench, Roger; Spriggs, Matthew (mga pat.). Archaeology and Language III: Artefacts languages, and texts [Arkeolohiya at Wika III: Mga artepaktong wika, at mga teksto]. One World Archaeology (sa wikang Ingles). Bol. 34. Routledge. pp. 144–179. ISBN 0415100542.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  11. Doran, Edwin B. (1981). Wangka: Austronesian Canoe Origins [Wangka: Pinagmulan ng Mga Austronesyong Lunday] (sa wikang Ingles). Texas A&M University Press. ISBN 9780890961070.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Blench, Roger (2004). "Fruits and arboriculture in the Indo-Pacific region" [Mga prutas at arborikultura sa rehiyon ng Indo-Pasipiko]. Bulletin of the Indo-Pacific Prehistory Association (sa wikang Ingles). 24 (The Taipei Papers (Volume 2)): 31–50.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Daniels, Christian; Menzies, Nicholas K. (1996). Needham, Joseph (pat.). Science and Civilisation in China: Volume 6, Biology and Biological Technology, Part 3, Agro-Industries and Forestry [Agham at Kabihasnan sa Tsina: Bolyum 6, Biyolohiya at Biyolohikong Teknolohiya: Ika-3 Bahagi, Mga Agro-Industriya at Panggugubat] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. pp. 177–185. ISBN 9780521419994.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)