Maureen Wroblewitz

Pilipino-Alemang modelo kilala bilang unang Pinay na nanalo sa Asia's Next Top Model

Si Maureen Wroblewitz (isinilang noong Hunyo 22, 1998 sa Riyadh, Saudi Arabia), ay isang Pilipina-Alemang modelo, kilala bilang ang unang nanalong kalahok na Pinay sa ikalimang season ng Asia's Next Top Model kung saan kumatawan siya para sa Pilipinas.[1]

Maureen Wroblewitz
Kapanganakan
Maureen Wroblewitz

(1998-06-22) 22 Hunyo 1998 (edad 26)
TrabahoModelo, mang-eendorso
Aktibong taon2017–kasalukuyan
Tangkad1.68 m (5 ft 6 in)
TituloAsia's Next Top Model (season 5) (Panalo)
Miss Universe Philippines 2021 (1st runner-up)
Beauty pageant titleholder
Hair colorItim
Eye colorKayumanggi

Talambuhay

baguhin

Si Wroblewitz ay isinilang sa Riyadh, Saudi Arabia noong ika-22 ng Hunyo, 1998. Ang kanyang ama ay isang Aleman at ang kanyang ina naman ay isang Pilipino. Sa gulang na 12, lumipat si Wroblewitz sa Alemanya, bago lumipat sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang karera sa pagmomodelo matapos siyang matuklasan ng isang kinatawan sa pagmomomodelo sa Instagram sa gulang na 15. Bago ang kanyang pakikilahok sa palabas, si Wroblewitz ay nag-aaral at pansamantalang nagmomodelo sa Pilipinas.

Karera sa pagmomodelo

baguhin

Asia's Next Top Model

baguhin

Matapos siyang sumali para sa Asia's Next Top Model, si Wroblewitz ay napili bilang isa sa labing-apat na mga kalahok para sa ikalimang season ng palabas. Sa gitna ng palabas, nakatanggap si Wroblewitz nang tatlong pinakamagandang larawan, at naging isa sa huling tatlong kalahok para sa huling runway ng season kasama ang mga kapwa kalahok na sina Minh Tu Nguyen mula sa Biyetnam at Shikin Gomez mula sa Malaysia. Si Wroblewitz ang itinanghal na panalo sa patimpalak sa huling episode. Bilang ang nagwagi sa patimpalak, nakatanggap siya ng isang Subaru Impreza, isang cover at fashion spread sa Nylon magazine Singapore, at kontrata sa pagmomodelo sa Storm Model Management sa London.[1][2]

Karera pagkatapos ng palabas

baguhin

Sandali matapos ang kanyang pakikilahok sa Asia's Next Top Model, si Wroblewitz ay natampok sa cover ng edisyon sa Hulyo ng Nylon Singapore bilang bahagi ng kanyang mga napanalunan.[2]

Pilmograpiya

baguhin

Telebisyon

baguhin
Taon Pamagat Sulat Sanggunian
2017 AsNTM (cycle 5) Contestant [1]
Rated K Guest [3]
Tonight with Boy Abunda [4][5]
The Source
Headstart with Karen Davila [6]
Mars
2018 Sunday PinaSaya [7]
Asia's Next Top Model (season 6)
Eat Bulaga! Co-host [8]

Music videos

baguhin
Year Artist(s) Title
2018 JK Labajo Buwan[9]

Pag-endorso sa patalastas

baguhin
  • Maybelline
  • Puma (kasama si Shikin Gomez)[10]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Maureen Wroblewitz is first Pinay to win 'Asia's Next Top Model'. ABS-CBN News. Hinango noong 2017-06-28.
  2. 2.0 2.1 Maureen Wroblewitz’s ‘AsNTM’ Win Is ‘Sweet Vengeance’ For All Filipina Runners-Up Naka-arkibo 2017-06-29 sa Wayback Machine.. Hinango noong 2017-06-30.
  3. "Maureen Wroblewitz, ibinahagi ang naranasang pambu-bully" [Maureen Wroblewitz, shares her experience of being bullied] (sa wikang Filipino). 4 Hulyo 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hulyo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Why Maureen Wroblewitz almost gave up on 'Asia's Next Top Model' Naka-arkibo 14 July 2017 sa Wayback Machine.. ABS-CBN News. Published on 7 July 2017. Retrieved 2017-07-15.
  5. PHOTOS: Maureen Wroblewitz on Tonight With Boy Abunda Naka-arkibo 6 August 2017 sa Wayback Machine.. ABS-CBN Entertainment. Retrieved 15 July 2017.
  6. WATCH: Maureen Wroblewitz' message to Tyra Banks Naka-arkibo 15 July 2017 sa Wayback Machine.. ABS-CBN News. Published on 14 July 2017. Retrieved 2017-07-15.
  7. Rodriguez, Bea (25 Hulyo 2018). "WATCH: 'Asia's Next Top Model' winner Maureen Wroblewitz, rumampa sa 'Sunday PinaSaya!'". GMA Entertainment. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Agosto 2018. Nakuha noong 20 Agosto 2018. {{cite news}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Created With Frontrow Entertainment. "Asia's Next Top Model 5 winner Maureen Wroblewitz officially joins Eat Bulaga!". PEP.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Setyembre 2018. Nakuha noong 1 Oktubre 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "JK Labajo, katambal sa bagong music video si Asia's Next Top Model winner Maureen Wroblewitz". Entertainment.abs-cbn.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Setyembre 2018. Nakuha noong 1 Oktubre 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Maureen and Shikin on Puma TV Commercial. Hinango noong 2017-07-01.
Mga Parangal at Natanggap
Sinundan:
  Tawan Kedkong
Asia's Next Top Model
2017 (season 5)
Susunod:
  Dana Slosar