Bulkang Mayon
Kailangang isapanahon ang artikulong ito.(Agosto 2023) |
Ang Bulkan Mayon o Bundok Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Bantog ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang Mayon ang naging hilagang hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa despacito Kabikulan. Unang hinihayag bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo 1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000.[1]
Bulkang Mayon | |
---|---|
Pinakamataas na punto | |
Kataasan | 2,463 metro (8,077 talampakan) |
Prominensya | 2,447 m (8,028 tal) |
Mga koordinado | 13°15′24″N 123°41′6″E / 13.25667°N 123.68500°E |
Heograpiya | |
Lokasyon | Pilipinas |
Heolohiya | |
Uri ng bundok | Stratovolcano |
Huling pagsabog | Enero 13 - Marso 29, 2018 |
Ayon sa mga volcanolohigo, isa itong stratovolcano o kompositong bulkan. Ang tila simetriko niton kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Dahil umaabot nang halos 50 beses na ang mga pagsabog nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing itong ikalawa pinaka-aktibong bulkan noong 2020 sa buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate boundary[pananda 1] sa gitna ng Platong Eurasian at ng Plato ng Pilipinas.
Ang bulkang Mayon ay may 47 pagsabog sa kasaysayan; ang una ay sa taong 1616 at nasundan pa ng ilan pang pagsabog o pagputok hanggang sa kasalukuyan. Ang pinakamalakas na pagsabog ng bulkang Mayon ay noong 1 Pebrero 1814. Natabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa at may 1,200 taong namatay. Ang bell tower ng simabahan ng bayan ang nakikita na lamang sa ibabao ng lupa. Pyroclastic flows, ang mainit na abo ang nakapatay sa 77 katao, karamihan magsasaka, sa huling malakas na pagsabog ng Mayon noong 1993. Sa taong 1984, mahigit 73,000 katao ang pinaalis sa 'danger zones' ayon sa mga scientists ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, wala naman naulat na may namatay.
Lokasyon
baguhinPangunahing palatandaan sa lalawigan ng Albay ang Bulkang Mayon na may taas na 2,462 metro (8,077 tal) mula sa baybayin ng Golpo ng Albay.[2][3] Ang bulkan ay heograpikal na hinahati ng walong lungsod at mga bayan na kinabibilangan ng Lungsod ng Legazpi, Daraga, Camalig, Guinobatan, Lungsod ng Ligao, Lungsod ng Tabaco, Malilipot, at Santo Domingo.
Pagbuga ng abo Mayo 2013
baguhinNagbuga ang Bulkang Mayon ng abo dakong 8:00 ng umaga noong 7 Mayo 2013 na nagdulot ng pagkamatay at pagkasugat ng ilang mga dayuhang turista.[4][5]
Pagmamanman sa Mayon
baguhinPinakaaktibong bulkan sa Pilipinas ang Bulkang Mayon, at ang mga aktibidad nito ay palagiang minamanmanan ng PHIVOLCS mula sa kanilang panlalawigang tanggapan sa Lignon Hill, tinatayang nasa 10 kilometro (6.2 mi) timog silangan mula sa bulkan.
Mga tala
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Protected Areas in Region 5" Naka-arkibo 2013-12-19 sa Wayback Machine.. Protected Areas and Wildlife Bureau. Retrieved on 2011-10-15.
- ↑ "Mayon Volcano, Philippines". Philippines Department of Tourism. Volcano.und.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-12. Nakuha noong 2007-11-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ David, Lee (2008). "Natural Disasters", pp. 416-417. Infobase Publishing.
- ↑ "Mayon Volcano spews ash, smoke; Phivolcs says no cause for panic". GMA News Online. 2013-05-07.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "At least 5 climbers dead 7 hurs as Mayon Volcano spews ash". GMA News Online. 2013-05-07.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kaugnayang palabas
baguhin- PHIVOLCS Naka-arkibo 2006-09-24 sa Wayback Machine. - Opisyal na pahina ng Bulkang Mayon (PHIVOLCS)
- Mayon Volcano Naka-arkibo 2009-07-14 sa Wayback Machine. - Artikulo ukol sa Bulkang Mayon
- National Disaster Coordinating Council Naka-arkibo 2007-04-18 sa Wayback Machine. Mga nagaganap sa kasalukuyan ukol sa Bulkang Mayon