Mga Zelote

(Idinirekta mula sa Mga Makabayan)

Ang mga Zelote (Ingles: Zealots) o mga Makabayan[1] ay isang kilusang pampulitika noong unang siglo CE sa panahon ng Hudaismong Ikalawang Templo sa Herusalem na humikayat sa mga Hudyo sa Judea na maghimagsik laban sa Imperyong Romano at palayasin ang mga ito sa Israel at pinakilala rito noong Unang Digmaang Hudyo-Romano (66-70 CE). Ito ay tinawag ni Josephus na "ikaapat na sekta" o ""ikaapat na pilosopiyang Hudyo" noong unang siglo CE. Ang salitang zealot ay salin ng Hebreong Kanai (קנאי na karaniwang plural na קנאים, kana'im) na nangangahulugang "sa ngalan ng diyos" . Ang katagang ito ay hinango sa Griyegong ζηλωτής (zelotes), "manggagaya, masigasig na tagahanga o tagasunod".[2][3]

Mga Zelote
קנאים
Pinuno
Itinatag6 CE
Binuwag73 CE
Punong-tanggapan
Palakuruan
Rebulto ni Simon na Zelote ni Hermann Schievelbein sa bubong ng Helsinki Cathedral.

Ayon kay Josephus sa Antiquities of the Jews[4], may tatlong pangunahing mga sektang Hudyo noong unang siglo CE, ang mga Fariseo, mga Saduceo, Mga Essene. Ang ikaapat ang mga Zelote na itinatag ni Judas ng Galilea o Judas ng Gamala noong taong 6 CE laban sa Censo ni Quirinio sa sandaling ihayag ng Imperyong Romano na ang Tetrarkiya ng Judea bilang probinsiya ng Imperyong Romano. Sila ay umaayon sa lahat ng ibang mga bagay sa mga paniniwala ng mag Pariseo ngunit may hindi matututulang pagdikit sa kalayaan at ang Diyos ang tanging kanilang Pinuno at Panginoon(XVIII.1.6)

Paglalarawan

baguhin

Ayon sa Antiquities of the Jews ni Josephus XVIII.6:

At tungkol sa ikaapat na sekta ng pilosopiyang Hudyo na ang may akda ay si Hudas na Galileo. Ang mga ito ay umaayon sa lahat ng ibang mga bagay sa mga nosyong Fariseo ngunit sila ay may hindi matututulang pagkapit sa kalayaan at nagsasabing ang Diyos ang tanging ang kanilang Pinuno at Panginoon. Hindi rin nila iniinda ang pagkamatay ng anumang kamatayan o kamatayan ng kanilang mga ugnayan at kaibigan ni ang gayong takot ay magpapatawag sa kanila sa anumang tao na isang panginoon.

Isa labindalawang alagad ni Hesus si Simon na Zelote.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Magandang Balita Biblia: May Deuterocanonico. Philippine Bible Society. 2005. ISBN 978-971-29-0916-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Mateo 10:4
  2. Zealot, Online Etymology Dictionary
  3. Zelotes, Henry George Liddell, Robert Scott, "A Greek-English Lexicon", at Perseus
  4. "Josephus, Antiquities Book XVIII".