Mga batas ng termodinamika

Ang apat na mga batas ng termodinamika ay binibigyan kahulugan ang pundamental na pisikal na kabuuan (temperatura, enerhiya, at entropiya) na binibigyan katangian ang mga sistemang termodinamika. Nilalarawan ng mga batas kung paano kumilos ang mga kabuuang ito sa ilalim ng iba't ibang katayuan, at ipagbawal ang ilang mga di-pangkaraniwang bagay (katulad ng walang-hanggang mosyon).

Ang apat na mga batas ng termodinamika ay:[1][2][3][4][5]

  • Ika-0 (zeroth law) ng termodinamika: Kung ang dalawang mga sistema ay nasa termal na balanse na malaya sa isa't isa kasama ang ikatlong sistema, kailangan nasa termal na balanse sila sa isa't isa. Tumutulong ang batas na ito upang bigyan kahulugan ang pagkaunawa sa temperatura.
  • Unang batas ng termodinamika: Kapag dumaan ang enerhiya, bilang gawa, bilang init, o kasama ang materya, sa loob o sa labas mula sa isang sistema, nagbabago ang kanyang panloob na enerhiya na may kasunduan sa batas ng pagtitipid ng enerhiya. Sa kapantay na paraan, imposible ang mga makinang may walang-hanggang na mosyon ng unang uri.
  • Ikalawang batas ng termodinamika: Sa isang likas na prosesong termodinamika, dumaragdag ang kabuuang ng mga entropiya ng mga sistemang termodinamikang may interaksyon. Sa kapantay na paraan, imposible ang mga makinang may walang-hanggang na mosyon ng ikalawang uri.
  • Ikatlong batas ng termodinamika: Lumalapit sa isang halagang hindi nagbabago ang entropiya ng isang sistema habang lumalapit ang temperatura sa lubusang wala (o sero).[2] Maliban sa mga hindi mala-kristal ng mga solido (mga salamin), tipikal na malapit sa sero ang entropiya ng sistemang lubusang sero, at katumbas sa logaritmo ng multiplisidad ng mga pundamental na estadong quantum.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Guggenheim, E.A. (1985). Thermodynamics. An Advanced Treatment for Chemists and Physicists, seventh edition, North Holland, Amsterdam, ISBN 0-444-86951-4. Sa Ingles
  2. 2.0 2.1 Kittel, C. Kroemer, H. (1980). Thermal Physics, second edition, W.H. Freeman, San Francisco, ISBN 0-7167-1088-9. Sa Ingles
  3. Adkins, C.J. (1968). Equilibrium Thermodynamics, McGraw-Hill, London, ISBN 0-07-084057-1.
  4. Lebon, G., Jou, D., Casas-Vázquez, J. (2008). Understanding Non-equilibrium Thermodynamics. Foundations, Applications, Frontiers, Springer, Berlin, ISBN 978-3-540-74252-4. Sa Ingles
  5. Chris Vuille; Serway, Raymond A.; Faughn, Jerry S. (2009). College physics (sa wikang Ingles). Belmont, CA: Brooks/Cole, Cengage Learning. p. 355. ISBN 0-495-38693-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)