Mga moldeng tansong Permiko
Ang mga moldeng tansong Permiko – moldeng pigurin ng kultong istilong hayop ng Permiko at Kanlurang Siberyano – ay ang mga namamayaning anyo ng Pinnong-Ugriyanong toreutika ng ika-3 hanggang ika-12 dantaon CE. Kumalat ito sa isang malaking lugar ng mga gubat ng hilagang-silangang mga Ural at kanlurang Siberia mula sa mga palanggana ng Ilog Kama at Vyatka hanggang sa Ob. Noong Gitnang Panahon, tinirhan karamihan ang teritoryo ng mga Ugriyanong tribo, mga ninuno ng kasalukuyang Unggaro at Ob-Ugriyano – ang mga Khanty at mga Mansi. Tinutukoy ang istilo bilang ang "Permikong istilong hayop."[1]
Nagsimula noong katapusan ng ika-19 na dantaon ang mga unang koleksyon ng mga gawaing sining at kanilang pananaliksik. Sa kabila ng higit sa siglong pagsasaliksik sa larangan, nanatili ang Permikong istilong hayop sa isa sa mga mahiwagang pangkalinangang kababalaghan sa Eurasya. Maipapaliwanag ito sa kawalan ng sinulat na tradisyon ng mga lumikha nito at kawalan ng panlabas na makasaysayang pagpapatunay tungkol sa mga lumikha ng mga imaheng tanso sa kasagsagan ng istilong hayop. Nagsimula kaagad ang ginuntuang panahon ng kultong metalurhiya pagkatapos ng Dakilang Migrasyon (ika-4 hanggang ika-5 dantaon CE) at nagpatuloy sa kapanahunan ng medyebal na mga Ural at Siberia noong ika-6 hanggang ika-11 dantaon CE. Natipon ang isang malaking koleksyon ng pamilyang Stroganov sa Perm.[1][2]
Tinuro ng mga mananaliksik sa impluwensiya ng Escita-Sarmartiyanong istilong hayop ang pag-unlad ng kultong toreutika ng mga gubat sa hilaga: ang tanyag ng eksena ng mga labanan ng hayop, patayong modelo ng Sansinukob sa anyo ng tatlong mundo – tatlong antas ng mga plake at ang kulto ng dakilang inang-diyosa ay naroon sa parehong istilo. Kabilang sa mga bagay ng istilong hayop na Perm ang mga gawang-metal na tanso gamit ang isahan o dalawahang panig ng anyo para sa pagmolde, paglilok sa buto at kahoy, mga ukit sa metal o butong mga bagay. Ang pigura na isinasalarawan sa mga imahen ay mga elk, usang reno, oso, hayop na may balahibo o ibang uri ng hayop, kabayo, ibang ibong-tubig at ibong-maninila, ahas, kulisap at ilang bilang ng mga "kumplikadong nilalang" ng may pinaghalong kalikasan (hybrid), magkahalong soomorpiko at antromorpikong kalahating-taong nilalang; makikita din ang ilang bilang ng mga imahen ng mga mangangabayo. Marami at iba't iba ang mga kuwento na inistorya ng mga istilong hayop na Perm. Matatagpuan ang mga bagay sa mga imbak, sa lugar ng mga templo, sa mga kalansay, sa mga libingan, bilang bahagi ng lugar ng pagsasakripisyo o sa lugar ng mga pang-metalurhiyang pagawaan. Ginagamit karamihan ang mga tansong artepakto bilang kultong mga pigura para sa mga sagradong ritwal.[3]
Ang sagisag na iskultura ng isang espiritu o isang ninuno ay hindi ang bantayog para sa kanya, ni ito ang lugar kung saan naninirahan ang espiritu, ngunit ang diyos mismo. Hindi magkahiwalay na yunit ang kahoy o metal na mga lingote at ang espiritu o kaluluwa na nakabahay sa loob, kaya nagiging isang dibino na piraso ng kahoy o metal ang pigurin.[4] Ginagamit ni Kustaa Fredrik Karjalainen ang paniniwalang Khanty na "tonx" upang isalarawan ang ideya ng isa ng mga kaluluwa ng tao. Ginawa ang mga imahen para sa "tonx." "Pagkatapos mabigyan ang isang piraso ng kahoy ng isang hugis ng isang tao o pagkatapos ng pagmolde sa lata, nagkaroon ng isang tiyak na anyong tao, tumigas, mahalaga itong ilipat o panirahan ng isang "tonx" ng espiritu na sinasalarawan ng pigurin, at pagkatapos lamang ng maging "tonx" ng isang imahe, maaring ibigay ang mga kinakailangang karangalan".[5] Naniwala ang mga espesyalista na para sa paggawa ng mga pigurin, ang tunay na mga modelong kahoy ay ginamit ng pinintura o kinuskos sa dugong sinakripisyo.[6]
Ang hilaw na materyal para sa pagmolde ng tanso ay kupriperong areniska ng Mataas na Kama. Karamihang binubuo ang mga aloy ng tanso (hanggang 86%), lata (10–17%), minsang zinc (hanggang 7%) at arseniko. Noong unang milenyo CE sa Mataas na Kama, gayon din sa ibang mga rehiyon ng Europeyong Hilaga-Silangan at rehiyon ng Ob, mataas sa lata at zinc ang ginagamit na mga tanso.[7]
Kadalasang nahahati sa dalawa ang mga bagay ng istilong hayop, sang-ayon sa kanilang gamit at sakop. Ang unang pangkat ay ang tansong Perm-Pechora na bukas na gawang mga bagay na may layunin ng pagsamba. May komplikadong komposisyon ang ilang mga bagay sa pangkat na ito, isang sopistikadong kuwento sa likod nila at maraming-antas na istratktura. Karamihan sa mga komposisyong artistikong nagpapahayag ay 3-lebel na kosmolohikal na mga komposisyon na may diyosa sa gitna. Binubuo ng mataas na antas ang mga ulo ng elk, makalangit na mukha, at mga kaluluwang ibon na maiuugnay sa Mas Mataas na Mundo ng mga makalangit na mga nilalang, ang panggitnang mga nilalang ay isang makalupang mundo ng mga tao at hayop. Isang inang diyosa ang pinuno ng Gitang mundo na sinasalarawan sa gitna, at isang hayop sa kanyang paanan bilang magkahalong hayop na binubuo ng mga bahagi ng panlupang mga hayop – minmarkahan nito ang mga hangganan ng Mababang hindi nakikitang mundo. Ang palatandaan ng Permikong istilong hayop ay ang mga imahe ng mga taong elk, at para maging tumpak, ang imahe ng taong-ibong-elk, na hindi matatagpuan kahit saan sa teritoryo ng Eurasya. Ang ikalawang pangkat ay ang Transural, Kanluraning-Siberia istilong hayop. Mayroon napakaraming nilapat at pandekorasyong mga artepakto - mga dekorasyon, kabilang ang mga kasuotang dekorasyon – plato ng sinturon, hebilya, kawit, pulseras na may soomorpikong imahe, pendiyente, aboloryo, pomo, suksukan, lalagyan ng karayom, panguha sa tainga, aparato sa distilerya ng alak at suklay.[8] Makikita sa plake ang pang-mitolohiyang kuwento, na sinasalarawan ang mga "kumplikadong hayop" – magkahalong mga oso at hayop na may balahibo, sa pendiyenteng nakapigura sa anyo ng ibong-tubig, kabayo, sa mga imahe ng mga ibong maninila sa mga pomo.
Sang-ayon sa saklaw ng gamit, maaring nahahati ang mga kultong gawang metal na mga bagay sa mga pangkat: halimbawa, ang isa na nagproprotekta laban sa mga sakit (sila ang isang karaniwan na pinapanatili sa tahanan), ang mga iba – "ang mga espiritu ng kaligayahan" – na nagbibigay ng suwerte bilang isang tugon sa mga sakripisyo (naroon sila sa mga pamayanang templo). Ang pagkakaiba-iba ng mga artepakto ng kulto at kwentong mitolohiko sa mga plake ay nangangahulugang na ang pagkakaroon ng nabuong mitolohiya ng mga tagalikha ng istilong hayop. Lumitaw ang Perm na istilong hayop sa teritoryo ng Escita-Sarmartiyanong mundo sa simula ng unang milenyo CE at nawala noong simula ng ikalawang milenyo, sa bisperas ng pananakop ng mga Mongol. Maaring maobserbahan ang huling mga bakas ng kabihasnan na ito sa tradisyunal na kultura ng mga Ob-Ugriyano – ang mga Khanty at mga Mansi. Ang pagmolde ng mga bagay para sa pagsamba ay mayroon na sa loob ng isang libong mga taon at sinugurado ang pagkakaisa ng paganong mundo ng mga Ural at Kanlurang Siberia.[9]
Panitikan
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Eero Autio (2001). "THE PERMIAN ANIMAL STYLE" (PDF). Folklore (sa wikang Ingles). Tartu. 18&19: 162–186. ISSN 1406-0957.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Stroganoff – collectors of antiquities in Perm". ARTinvestment.RU (sa wikang Ingles). 2010-11-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Belavin, A.M. (2001). "On the Ethnicity of the Permian Medieval Animal Style" (sa wikang Ingles).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Karjalainen, K.F. (1922). Die Religion der Jugra-Vlker 1–2: Mit Untersttzun des staatlichen Literaturfondes. Suomalainen Tiedeakatemia (sa wikang Aleman). Helsinki: Porvoo. p. 226.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Karjalainen, K.F. (1921). Die Religion der Jugra-Vlker 1–2: Mit Untersttzun des staatlichen Literaturfondes. Suomalainen Tiedeakatemia (sa wikang Aleman). Helsinki: Porvoo. p. 49.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Minasyan, R.S. (1992). "Tehnika lit'ja "chudskih obrazkov" [= The technology of the casting of "Chud' images"]". Arheologicheskij sbornik (sa wikang Ingles). 32: 125–127.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Goldina, R.D. (1985). Lomovatovskaja kul’tura v Verhnem Prikam’e (Lomovatovo culture in the Upper Kama region) (sa wikang Ruso). Irkutsk. p. 164.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link) - ↑ Viktorova, V.D.; Fedorova, N.V. (2000). "Source of the bibliography Ural Historical Encyclopedia. – 2nd ed., Pererab. and additional" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-12-11. Nakuha noong 2020-11-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Balakin, Yu.V. (1998). Ural-Siberian cultic casting in myth and ritual (sa wikang Ingles). Novosibirsk Science.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)