Michael Christian Martinez

Si Michael Christian Martinez (ipinanganak 4 Nobyembre 1996 sa Parañaque) ay isang Pilipinong figure skater. Pumanlima siya 2013 World Junior Championships at nagwagi ng dalawang senior international na medalya. Si Martinez ang kauna-unahang figure skater mula sa Timong Silangang Asya na nakapasok sa Olympics at tanging atletang kumatawan sa Pilipinas sa 2014 Olympics sa Sochi, Russia.

Michael Christian Martinez
Si Martinez noong 2018
Personal information
Buong PangalanMichael Christian Martinez
Bansang Kinatawanan Philippines
Kapanganakan (1996-11-04) 4 Nobyembre 1996 (edad 27)
Parañaque, Philippines
Bayang PinagmulanMuntinlupa, Philippines
Tangkad1.75 m (5 ft 9 in)
TagasanayNikolai Morozov
Dating TagasanayVyacheslav Zahorodnyuk
Igor Samohin
Ilia Kulik
Peter Kongkasem
Maria Teresa Martinez
John Nicks
Viktor Kudriavtsev
KoreograpoPhilip Mills
Dating KoreograpoJustin Dillon
Skating clubMetro ISC
Lugar ng PinagsanayanLake Forest, California
Dating Lugar na PinagsanayanHackensack, New Jersey
Metro Manila, Philippines
Nagsimulang mag-skating2005
Pangdaigdigang Katayuan94 (Magmula noong Mayo 2018)[1]
ISU personal best scores
Pinagsamahan Kalahatan220.36
2015 Cup of China
Maikling Programa74.45
2014 CS Golden Spin
Free skate148.12
2015 Cup of China

Personal na buhay

baguhin

Dalawang buwang gulang pa lang si Martinez nang siya ay makaranas ng asthmatic bronchitis at malimit na dalhin sa ospital.[2] Kahit pa nakasasama ang epekto ng malamig na rink, aniya noong 2014, "taun-taong bumubuti ang aking kalusugan, kaya tuluyang sinuportahan ng aking ina ang aking skating". Sabi niya, maigi pang gumastos ng pera sa pag-skating kaysa sa ospital.[3] Nakapagtapos si Martinez ng sekondarya.[4]

Karera

baguhin

Nagsimulang mag-skating si Martinez noong 2005 sa SM Southmall ice rink.[5] Noong 2009, nahinto siya ng dalawang buwan matapos mahiwa ng talim ng skate ang kaniyang hita.[2] Noong 2010, dagdag pa sa pagsasanay sa Maynila, nagsimula siyang maggugol ng ilang buwan bawat taon sa California at nagsanay sa ilalim nina John Nicks at Ilia Kulik.[3][6]

Unang sumabak si Martinez sa Junior Grand Prix series noong 2010–2011 season. Noong 2011, napunit ang dalawang litid sa kaniyang bukong-bukong na kinailangan ng tatlong buwang pagpapahilom.[2][6] Nakapag-triple axel siya sa unang pagkakataon sa kompetisyon sa 2012–13 Junior Grand Prix

Noong Abril 2012, napunit ang litid sa tuhod niya at kailangang lumiban muna sa yelo ng tatlong buwan.[2][6] Ang una niyang triple Axel sa kompetisyon ay sa 2012–13 Junior Grand Prix event sa Lake Placid, New York.[6] Pumang-anim siya sa kaniyang JGP event sa Croatia. Sa 2012 Crystal Skate of Romania, nagwagi si Martinez ng kaniyang unang senior international title, ang unang pagkakataon rin para sa Pilipinas. Nakamit niya ang panlimang puwesto sa ikalang pagsali niya sa World Junior Championships kung saan niya naitala ang pinakamataas niyang kabuuang iskor na 191.64 na puntos.

Ang bali niya sa bukong-bukong ay nagdulot muli ng pagliban niya sa yelo ng dalawang buwan noong 2013.[2] Noong 2013–14, sinumulan ni Martinez ang kaniyang season sa 2013 JGP Latvia kung saan siya pumang-apat. Lumahok siya sa senior level sa 2013 Nebelhorn Trophy, ang huling qualifying event para sa 2014 Winter Olympics. Nakuha niya ang ika-pitong puwesto at nakamit ang puwesto para Pilipinas sa men's singles — ang kauna-unahan sa kasaysayan ng bansa.[7] Lumahok naman si Martinez 2013 JGP Estonia at nagwagi ng una niyang medalya, isang tanso. Noong Enero 2014, pinagamot niya ang kaniyang namamagang tuhod.[8] Umurong muna siya sa paglahok sa 2014 Four Continents Championships ngunit sumabak sa Skate Helena kung saan natamo niya ang gintong medalya.

Ang kauna-unahang figure skater mula sa Timong Silangang Asya na nakapasok sa Olympics, si Martinez din ang tanging atletang kumatawan sa Pilipinas sa 2014 Winter Olympics at siyang nagbitbit ng watawat ng kaniyang bansa sa opening ceremony. Naging coach niya si Viktor Kudriavtsev sa loob ng isang buwan bago ang Olympics.[9] Sa Sochi, nagkuwalipika si Martinez sa free skate matapos pumang-19 sa short program na may iskor na 64.81 na puntos. Naka-iskor siya ng 119.44 (ika-20 puwesto) at natapos sa ika-19 na puwesto na may kabuuang iskor na 184.25.[10][11]

Programa

baguhin
Season Short program Free skating
2013–2014
[12]
  • Romeo and Juliet
    ni Nino Rota
    choreo. ni Philip Mills
2012–2013
[13]
2010–2012
[5][14]

Highlight ng mga kompetisyon

baguhin
 
Si Martinez na nagbi-Biellmann spin sa 2013 Nebelhorn Trophy
Resulta[15]
International
Event 2009–10 2010–11 2011–12 2012–13 2013–14
Olympics ika–19
Four Continents ika–16 WD
Crystal Skate ika–1
Nebelhorn Trophy ika–7
New Year's Cup ika–3
NRW Trophy ika–13
Skate Helena ika–1
U.S. Classic ika–6
Volvo Open ika–4
International: Junior or novice
Junior Worlds ika–15 ika–5
Youth Olympics ika–7
JGP Australia ika–8
JGP Croatia ika–6
JGP Estonia ika–3
JGP Japan ika–17
JGP Latvia ika–4
JGP USA ika–4
Tirnavia ika–1 N.
JGP = Junior Grand Prix; N. = Novice level

References

baguhin
  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang isuws); $2
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Michael Christian MARTINEZ". Sochi2014.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 6, 2014. Nakuha noong Pebrero 15, 2014. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Park, Madison (Pebrero 14, 2014). "A first for Southeast Asia: An Olympic figure skater". CNN.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Leyba, Olmin (Abril 25, 2013). "PH skater chases Olympic dream". The Philippine Star. abs-cbnnews.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Michael Christian MARTINEZ: 2011/2012". International Skating Union. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 19, 2012. Nakuha noong Pebrero 15, 2014. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 Flade, Tatjana (Setyembre 2, 2012). "Martinez puts the Philippines on the map for figure skating". Golden Skate.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Nebelhorn Trophy - Olympic Qualifying Event - Review". ISU. Setyembre 28, 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 28, 2013. Nakuha noong Pebrero 15, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Orendain, Simone (Enero 15, 2014). "Filipino figure skater who can't always afford coach turns to prayer". Catholic News Service. Catholic Register. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 15, 2014. Nakuha noong Pebrero 15, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. McCarvel, Nicholas (Pebrero 5, 2014). "Michael Christian Martinez, figure skater from the Philippines, makes Olympic history". NBC. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 9, 2018. Nakuha noong Pebrero 15, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Olympic Winter Games, Sochi 2014: Men's result". International Skating Union. Pebrero 14, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Men Free Skating". Sochi2014.com. Pebrero 14, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 17, 2014. Nakuha noong Pebrero 15, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Michael Christian MARTINEZ: 2013/2014". International Skating Union. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 15, 2014. Nakuha noong Pebrero 15, 2014. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Michael Christian MARTINEZ: 2012/2013". International Skating Union. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 8, 2013. Nakuha noong Pebrero 15, 2014. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Michael Christian MARTINEZ: 2010/2011". International Skating Union. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 29, 2010. Nakuha noong Pebrero 15, 2014. {{cite web}}: Check date values in: |archivedate= (tulong); Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
  15. "Competition Results: Michael Christian MARTINEZ". International Skating Union. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)

Kawil panlabas

baguhin

|}