Mickael Carreira
Si Mickael Carreira (3 Abril 1986 sa Douran, Pransya)[1][3][4], o sa artistikong pangalang Mickael Antunes[5], ay isang mang-aawit na Portuges at kompositor ng wikang Portuges na may kaugnayan sa Soul, Ligeira at Latino. Nakuha ni Mickael ang artistikong pangalang "Carreira" mula sa artistkong pangalan ng kanyang amang si Tony Carreira. Kilala rin siya ng kanyang mga fans sa palayaw na Micka.[2] Nagkaroon siya ng tatlong album na sertipikadong ginto (gold) at lima na pilak (silver), kung saan kabilang ang tatlong studio album, dalawang espesyal na edisyon at isang live, na may kabuuang benta na 130,000 kopya.[6] Naglabas siya ng dalawang naunang album (kasama ang dalawang espesyal na edisyon) sa ilalim ng tatak na Vidisco noong 2006 at 2007. At noong 2009, nakalagda siya sa ilalim ng tatak na Farol Música, kung saan inilabas niya ang dalawang huling album noong 2009 at 2010.
Mickael Carreira | |
---|---|
Kapanganakan | Mickael Antunes 3 Abril 1986[1] |
Nasyonalidad | Portuges |
Ibang pangalan | Micka,[2] Mica[3] |
Trabaho | mang-aawit, kompositor |
Aktibong taon | 2006 - kasalukuyan |
Website | www.mickaelcarreira.com |
Sa mga konsyerto, kasama ni Mickael ang iba't ibang mga mang-aawit. Sa tour noong 2011 ay sinamahan siya nila: Mário Carreira (electric bass), Fãna (tambol), Telma e Carla Batista (tinig), Nuno CC e Fred Noel (electric guitar), Joel Ferreira (saksopon), Luís Agostinho (keyboard), Patchi (trompeta). Nakapag-konsyerto siya sa Portugal at sa mga bansang may mga komunidad at pinaninirahan ng mga Portuges, katulad sa Pransya, Kanada, Luksemburgo at Swisa.
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Mickael Carreira sa Dourdan, Pransya, na anak nila António Manuel Mateus Antunes (na kilala bilang Tony Carreira, at Fernanda Antunes (na namamahala sa artistikong karera ng asawa[2]). Mayroon siyang dalawang nakababatang kapatid na sila David Antunes at Sara Antunes. Sa buong kabataan niya ay lumaki siya Pransya, hanggang sa pagbalik ng Pamilyang Carreira sa Portugal noong 2000, at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Liceu Francês Charles Lepierre (Liseyong Pranses ng Charles Lepierre) sa Lisboa,[7] habang pinag-igihan ang pagkakatuto sa wikang Portuges. Noong 11 taong gulang na, pumasok siya sa Konserbatoryong Pranses, kung saan pinag-aralan niya ang piano[3] sa loob ng 3 taon.[1] Ngunit pagkatapos ay pinili naman niya ang gitara, na natutunang magpa-tugtog kasama ang kanyang ama. Sa pagsapit ng kanyang pagka-binata ay nagsimula na siyang magsulat ng ilang tugtugin.
Ang kauna-unahang gawang diskograpikong É Verão Portugal (Tag-init Na, Portugal) ng kanyang amang si Tony Carreira, ay naglalaman ng isang trak na para kay Mickael, na pinamagatang O Meu Pequeno Herói (Ang Aking Munting Bayani).[2]
Karerang Pangmusika
baguhinNoong 2001, sa edad na 16 taong gulang, nagpanimula siya sa entablado nang dalawahang-tinig, na sinamahan ng gitara sa konsyerto ng kanyang ama, sa teatro ng Olympia sa Paris,[1][3] kung saan ito ang unang konsyerto roon, noong maagang taon. At simula noon, simasamahan na niya ang kanyang ama sa ilang mga konsyerto katulad noong ika-13 Mayo 2006 sa Pabilyong Atlantiko, sa harap ng madlang may halos 17,000 katao. Sa konsyertong ito ng kanyang ama, umawit si Mickael ng isang awit, na inilabas pagkatapos ng dalawang buwan na kalakip sa kanyang kauna-unahang album na pinamagatang Mickael.
2006-2007: Mickael
baguhinPagkatapos ng isa't kalahating taong paghahanda para sa kanyang kauna-unahang album na kasama ang kanyang produktor na si Ricardo Landum, inilabas na ang kanyang album na pinamagatang Mickael noong 14 Hulyo 2006, sa anyong CD, na isinaayos ng Vidisco, na naglalaman ng 13 trak. Noong 19 Enero 2007 ay muli itong isinaayos na CD at DVD na may pamagat na Mickael - Edição especial na bukod sa mga naunang trak ng album, ay mayroon pang kasamang dalawang awit. Kasama sa DVD ang tatlong music video, dalawang video na making-of, at mga larawan.
Nag-debut siya nang solo noong 10 Pebrero 2007 sa Pavilhão Multiusos, sa lungsod ng Guimarães, na dinaluhan ng higit-kumulang 8,000 katao. Sa pagtatapos ng konsyertong iyon, nakatanggap si Mickael tatlong pilak (silver) sa benta ng kanyang unang album nang higit-kumulang 60,000 kopya. Ang konsyertong ding iyong ang simula ng kanyang unang tour.[8]
Ang konsyertong pangmaramihan ay pinag-ensayuhan sa loob ng nagdaang dalawang lingo at kinabilangan ng isang pangkat na may 60 katao (30 noong mga sumunod na tour shows).[9]
Noong 1 Abril 2007, natanggap ni Mickael ang gantimpala para sa "Pinakamahusay na Baguhan ng Taon" ng XIV Gala ng Globos de Ouro.
2007-2009: Entre Nós
baguhinNoong Nobyembre 2007 ay inilabas ang album estudyo na Entre Nós ng tatak na Vidisco, na binubuo ng dalawang CD. Noon namang 23 Mayo 2007 ay inilabas ang edisyong espesyal ng album na ito na naglalaman ng isang CD at isang DVD. Nilalaman ng CD ang mga orihinal na trak. Nagkamit ng sertipikasyon ang album na ito ng isang ginto at isang pilak.
Noong 2007, si Mickael ang isa sa mga mang-aawit na may mataas na kinikita sa mga konsyerto, na naunahan lang ng kanyang amang si Tony Carreira na nasa unang puwesto.[10]
Sinimulan niya ang kanyang tour ng Entre Nós noong 8 Marso 2008 sa Coliseu do Porto[11] kung saan ay umawit siya sa kauna-unahang pagkakataon na katanghal ang kanyang ama, at inawit nilang dalawa ang Filho e Pai.[12] Natapos ang tour noong 27 Disyembre 2008 sa Pavilhão Multiusos sa Guimarães.[13]
Sa panimula ng taong 2009, si Mickael, na nasa ilalim noon ng Vidisco ay pumirma sa ilalim ng tatak na Farol Música, ang parehong kompanyang kung saan nagsasaayos ang kanyang ama ng mga inililimbag.
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 RIBEIRO, Ana Maria; OLIVEIRA, Teresa; I.S. (5 de julho de 2006). "Música - Mickael carreira lança álbum - Em nome próprio". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-24. Nakuha noong 15 de julho de 2011.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
at|date=
(tulong); Unknown parameter|published=
ignored (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "Jornal de noticias". 18 de março de 2007.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong); Unknown parameter|access date=
ignored (|access-date=
suggested) (tulong) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Agência LUSA (17 de março de 2007). "O sucesso supersónico de Mickael Carreira". Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2016. Nakuha noong 27 Oktubre 2015.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong); Unknown parameter|access date=
ignored (|access-date=
suggested) (tulong); Unknown parameter|published=
ignored (tulong) - ↑ "Mickael Carreira no Palco Principal - músicas, letras músicas, álbuns, vídeos, notícias, fotos e concertos". Nakuha noong 2014-12-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mickael Carreira: "Tenho medo de que tudo isto acabe" - Confissões - Vidas - Correio da Manhã". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-18. Nakuha noong 2014-12-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ AFP - Associação Fonográfica Portuguesa. "Discos de Ouro e Platina". Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Pebrero 2010. Nakuha noong 15 Hulyo 2011.
{{cite web}}
: Unknown parameter|data=
ignored (|date=
suggested) (tulong); Unknown parameter|publicado=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Paalala: Kailangang pumili ng isa sa mga taong nairal (2007, 2008, 2009, 2010) upang Makita ang mga disc na gold at silver na nakalaan sa bawat taon. - ↑ SOROMENHO, Ana; LOPES, Isabel; BAIÂO, Ana (fotos) (14 Hunyo 2009). ""A minha música tirou um fã do coma"". Nakuha noong 15 Hulyo 2011.
{{cite web}}
: Unknown parameter|published=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ CUNHA, Secundino (12 Pebrero 2007). "Loucas por Mickael". Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Marso 2014. Nakuha noong 15 Hulyo 2011.
{{cite web}}
: Unknown parameter|published=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ SILVA, Luís F. "Espectáculo de luz e ritmo". Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Marso 2014. Nakuha noong 16 Hulyo 2008.
{{cite web}}
: Unknown parameter|data=
ignored (|date=
suggested) (tulong); Unknown parameter|published=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ M.N. (10 de agosto de 2007). "Carreiras lideram top de artistas mais bem pagos". Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Marso 2014. Nakuha noong 15 Hulyo 2011.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong); Unknown parameter|published=
ignored (tulong) - ↑ "Mickael Carreira - "Entre Nós" – Tournée 2008". Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Marso 2014. Nakuha noong 15 Hulyo 2011.
{{cite web}}
: Unknown parameter|published=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tony Carreira leva biografia ao Atlântico". 6 Marso 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Marso 2014. Nakuha noong 15 Hulyo 2011.
{{cite web}}
: Unknown parameter|published=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mickael Carreira solidário". 10 Disyembre 2008. Nakuha noong 15 Hulyo 2011.
{{cite web}}
: Unknown parameter|published=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.