Miguel Morayta y Sagrario
Si Miguel Morayta y Sagrario (Setyembre 3, 1834 - Enero 18, 1917) ay isang Espanyol na propesor ng klasikal na kasaysayan, mamamahayag at politiko ng republika, na itinuturing ng mga mananalaysay bilang isa sa mga pinaka-kilalang personalidad sa orden ng Mason sa kasaysayan ng Espanya.
Talambuhay
baguhinIpinanganak siya noong 1834 sa Madrid. Siya ay naging Propesor ng Espanyol at Pangkalahatang Kasaysayan sa Universidad Central, editor ng mga peryodiko sa Madrid tulad ng El Eco Universitario (1851), La República Ibérica (1869-1870) at Gente Vieja (1902), gayundin din bilang direktor ng La Reforma (1868) at Revista Ibérica; at nag-ambag sa La Publicidad de Barcelona o El Popular de Málaga. Bukod sa lahat, si Miguel Morayta ay ang naging propesor ni José Rizal sa Universidad Central de Madrid sa Espanya. Si Morayta din ang nagtatag ng samahang Asociacion Hispano-Filipino sa Madrid at matalik na kaibigan ng kanyang estudyante na si José Rizal.[1]
Yumao siya sa kanyang sariling lungsod noong 1917 at hinimlay sa sibil na sementeryo ng Madrid.[2] Si Miguel Morayta y Sagrario ay ginagalang at kinikilala sa kasaysayan ng bansang Pilipinas patungo ng kalayaan.
Mga Mason
baguhinKasapi at naging mataas ang katungkulan ni Morayta sa orden ng Mason sa Espanya, kung saan napag-isa niya ang mga hiwahiwalay na mga kapatirang lodge sa pagtatatag niya ng Gran Oriente noong 1889, na siya ay ang hinirang bilang unang Grand Master nito. Kanyang hinawakan doon ang kanilang pinakamataas na katungkulan mula 1889 hanggang 1901, at siya din ang naging Soberanong Dakilang Kumander ng Kataas-taasang Konseho ng ika-33° na Baytang ng Ancient and Accepted Scottish Rite sa bansang Espanya.
Tulad ni Morayta, naging kasapi din sa mga orden ng Mason ang maraming makabayang Pilipino sa Espanya sa kanilang pagdulog ng tulong sa reporma ng pamamalakad sa kolonyang Pilipinas.[3][4]. Kasama dito sina Graciano Lopez Jaena, Galicano Apacible, ang magkapatid na sina Antonio Luna at Juan Luna, at si José Rizal ay ilan sa mga ito na sumali sa Solidaridad (lodge) sa Barcelona at iba tulad ng Revolucion (lodge).
Mga Ilustrado
baguhinSa mga kolonya ng Imperyong Espanyol, partikular ang Pilipinas, ang mga rebolusyonaryong sentimyento ay umapaw noong 1872 matapos ang tatlong aktibistang paring Katoliko ay pinatay sa mahinang pagkukunwari.[5]
Ito ay nagbibigay inspirasyon sa Kilusang Propaganda[6] na binuo nina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo del Pilar y Hilario, Mariano Ponce at ang magkapatid na Juan Luna at Antonio Luna. Ang pakay nila ay ang paghanap ng representasyon sa Cortes ng kaharian ukol sa mga kinakailangang repormang pampulitika sa Pilipinas.
Ang malawakang paglisan ng mga makabayang Pilipino sa Espanya simula ng 1872, hindi hamak na mga anak ng mayayaman,[7] ay humantong sa isang expatriate na komunidad ng mga na repormador. Ang pamayanang ito ng mga Ilustrado ay lumawak sa lipunan ng mga mga intelektwal, hindi lamang sa Espanya. Tanyag sa mga ito sina Marcelo del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce, at ang kataas-taasang kapwa-Mason (ika-33° na baytang) na si Doktor Jose Rizal, at ang taga-payo nilang Mason, ang Soberanong Dakilang Kumander na si Miguel Morayta y Sagrario — kung saan nilang sinimulang itinatag ang pahayagang La Solidaridad.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- ↑ Did you know: Miguel Morayta | inquirer.net (sa wikang Ingles)
- ↑ Miguel Morayta Sagrario | findagrave.com (sa wikang Ingles)
- ↑ Today in the Past (Jose Rizal) | philstar.com (sa wikang Ingles)
- ↑ Today in the Past (Graciano Lopez Jaena) | philstar.com (sa wikang Ingles)
- ↑ Revolutionary Clergy: The Filipino Clergy and the Nationalist Movement, 1850–1903 | Ateneo University Press (sa wikang Ingles)
- ↑ The Propaganda Movement, 1880–1895 | Ateneo University Press (sa wikang Ingles)
- ↑ Propaganda Movement, The | harvard.edu (sa wikang Ingles)