Si Mihai Trăistariu (ipinanganak 16 Disyembre 1979 sa Piatra Neamţ) ay isa sa mga pinakamatatagumpay na mang-aawit at manunugtog sa Romania. Ikinatawan niya ang bansa sa Eurovision Song Contest 2006 na iginanap sa Athína, Gresya sa awit niyang Tornerò (“Babalik Ako” sa Italyano) na itinanghal sa Italyano at Inggles at nanalo ng ikaapat na pwesto sa paligsahan.

Mihai Trăistariu
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakMihai Trăistariu
Kilala rin bilangMIHAI[kailangan ng sanggunian]
Kapanganakan (1979-12-16) 16 Disyembre 1979 (edad 44)
Piatra Neamţ, Romania
GenrePop - Dance music
Trabahomang-aawit, kompositor, lyricist, guro sa matematika
Instrumentopag-awit (Countertenor)
Taong aktibo1998–kasalukuyan
LabelSony Music, Warner Brothers, Jupiter Records, EPIC, EMI, Cat Music, Era Business, Template Records, Planet Works, Garden Records, Roton
WebsiteOfficial website

Mayroong digring pampanantasan sa matematika si Trăistariu ngunit nagpasiya siyang maging isang mang-aawit. Siya ay binabalitaang isa sa mga iilan lamang na mang-aawit sa daigdig na may five-octave range at dahil dito binigyan siya ng titulong “ang lalaking Mariah Carey”.

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.