Si Milan Kundera (ipinanganak 1 Abril 1929- 11 Hulyo  2023[2] ) ay ang pinakakilaláng buháy na manunulat mula Czech Republic.[3] Lahing Czech, naninirahan siyang destiyero sa Pransiya mula noong 1975, kung saan siya naging isang mamamayan noong 1981. Tingin niya sa kaniyang sarili'y isa siyang Pranses na manunulat at iginigiit na pag-aralan ang kaniyang mga gawâ bilang bahagi ng panitikang Pranses at iklasipika kasama nito sa mga book store.[4]

Milan Kundera
Kapanganakan1 Abril 1929
Brno, Czechoslovakia
Kamatayan11 Hulyo 2023
TrabahoManunulát
NasyonalidadPranses
EtnisidadCzech
PagkamamamayanPransiya Pranses
Alma materCharles University, Prague; Academy of Performing Arts in Prague
KaurianNobela[1]
(Mga) kilalang gawaThe Joke (Žert) (1967)
The Book of Laughter and Forgetting (1979)
The Unbearable Lightness of Being (1984)
(Mga) parangalJerusalem Prize
1985
The Austrian State Prize for European Literature
1987
Vilenica International Literary Festival
1992
Herder Prize
2000
Czech State Literature Prize
2007
(Mga) kamag-anakLudvík Kundera (1891–1971), amá
Ludvík Kundera (pinsan)

Ang pinakatanyag niyang gawâ ay ang The Unbearable Lightness of Being. Ipinagbawal ng mga rehimeng komunista sa Czechoslovakia ang kaniyang mga libro hanggang sa pagbagsak ng rehimen noong Rebolusyong Pelus noong 1989. Patagô siyang namumuhay at bihirang makipag-usap sa midya.[3] Ilang ulit siyang hinihirang para sa Gantimpalang Nobel sa Panitikan.[5][6]

Talambuhay

baguhin

Isinilang si Kundera noong 1929 sa Purkyňova ulice, 6 (#6 Kalye Purkyňova) sa Brno, Czechoslovakia, sa isang gitnang-uring pamilya. Ang kaniyang ama, si Ludvík Kundera (1891–1971) ay minsang naging estudyante ng kompositor na si Leoš Janáček, isang mahalagang musikologo at piyanista na nanungkulang puno ng Janáček Music Academy sa Brno mula 1948 hanggang 1961. Natutong tumugtog ng piyano si Milan mula sa kaniyang ama; kalaunan nag-aral siya ng musikolohiya at komposisyong musikal. Makikita ang impluwensiya ng musikolohiya sa kaniyang mga gawâ; nagsama pa siya ng notasyong musikal sa teksto upang idiin ang isang punto.

Si Kundera ay pinsan ng Czech na manunulat at tagasalin na si Ludvík Kundera. Kabilang siya sa henerasyon ng kabataang Czech na kakaunti o walang karanasan sa Unang Republikang Czechoslovak bago ang digmaan. Malaki ang naging impluwensiya sa kanilang mga ideolohiya ang kanilang karanasan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pananakop ng Alemanya. Gayunman, noong kaniyang kabataan, sumapi siya sa Partido Komunista ng Czechoslovakia, na naagaw ang kapangyarihan noong 1948. Nagtapós siya ng sekondarya sa Brno sa Gymnázium třída Kapitána Jaroše noong 1948. Nag-aral siya ng panitikan at estetiko sa Charles University sa Prague. Makalipas ang dalawang termino, lumipat siya sa Academy of Performing Arts in Prague, kung saan una siyang dumaló sa mga lektura sa pagdidirekta ng pelikula at pagsusulat ng script.

Noong 1950, panandaliang naantalà ang kaniyang pag-aaral nang dahil sa pulitika. Siya at ang manunulat na si Jan Trefulka ay pinatalsik sa partido dahil sa "mga gawaing kontra-partido." Isinalarawan ni Trefulka ang insidente sa kaniyang nobelang Pršelo jim štěstí (Happiness Rained On Them, 1962). Ginamit din ni Kundera ang insidente bilang inspirasyon ng pangunahing tema ng kaniyang nobelang Žert (The Joke, 1967). Nang makapagtapós ng pag-aaral noong 1952, itinalaga si Kundera bilang lektor ng pandaigdigang panitikan. Noong 1956, tinanggap siya muli sa Partido, ngunit sa pangalawang pagkakataon pinatalsik muli siya noong 1970.

Kasama ng ilan pang repormistang komunistang manunulát, gaya ni Pavel Kohout, sila ay bahagyang nakilahok sa Prague Spring noong 1968. Ang sandaling panahong iyon ng mga gawaing repormista ay sinupil ng pananakop ng Unyong Sobyet sa Czechoslovakia noong Agosto 1968. Nanatiling determinado si Kundera na repormahin ang komunismo sa bansa, at masidhing nakipagtalo sa mga lathalà sa kapwa niyang manunulat na si Václav Havel. Ang pinakadiwa ng kaniyang sinasabi ay dapat manatiling mahinahon ang lahat at "wala pa namang nakukulong dahil sa kaniyang mga opinyon," at "maaari pang higitan ng Prague Autumn ang kabuluhan ng Prague Spring". Ngunit kalaunan, tinalikdan niya ang mga pangarap niyang reporma at nagtungò na lang siya sa Pransiya noong 1975.

Nagturo siya ng ilang taon sa University of Rennes.[7][8] Tinanggalan siya ng kaniyang pagkamamayang Czechoslovak noong 1979; at siya'y naging mamamayan na ng Pransiya mula 1981.[9] Patuloy siyang nakikipag-ugnayan sa kaniyang mga kaibígang Czech at Slovak sa kaniyang bayang-sinilangan,[4] ngunit bihirang umuwi roon, at kung umuwi man, ito'y palihim.[3]

Mga Gawâ

baguhin

Bagaman ang mga nauna niyang tuláng ginawâ ay talagang maka-komunista,[10][11] ang mga nobela niya'y hindi maihahanay rito. Iginigiit ni Kundera na isa siyang nobelista, sa halip na pulitikal o disidenteng manunulát. Tuluyang nawalâ ang kaniyang mga komentaryong pulitikal sa kaniyang mga nobela (simula sa The Unbearable Lightness of Being), liban sa kaugnayan sa mga malawakang temang pilosopikal.

Ang estilo ng mga kathang kuwento ni Kundera na naghahabi ng pilosopikal na paglayo sa paksa, na kaniyang nakuha sa mga nobela ni Robert Musil at sa pilosopiya ni Nietzsche,[12] ay ginagamit din ng mga manunulat na sina Alain de Botton at Adam Thirlwell. Malimit niyang tukuyin na hinuhugot niya ang kaniyang inspirasyon, hindi lamang sa mga manunulat noong Renaissance na sina Giovanni Boccaccio at Rabelais, pati na rin sina Laurence Sterne, Henry Fielding, Denis Diderot, Robert Musil, Witold Gombrowicz, Hermann Broch, Franz Kafka, Martin Heidegger, at marahil ang pinakamahalaga ay si Miguel de Cervantes, na aniya'y kaniyang pinakasandigan.

Nagsimula siyang magsulát sa wikang Czech. Mula 1993, isinulat niya ang kaniyang mga nobela sa Pranses. Sa pagitan ng 1985 at 1987, isinailalim niya sa rebisyon ang mga naunang salin sa Pranses ng kaniyang mga unang gawâ. Bunga nito, lahat ng kaniyang aklat sa Pranses ay may husay ng orihinal na wika. Ang kaniyang mga aklat ay nakasalin sa maraming wika.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Oppenheim, Lois (1989). "An Interview with Milan Kundera". Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Oktubre 2007. Nakuha noong 10 Nobyembre 2008. Until I was thirty I wrote many things: music, above all, but also poetry and even a play. I was working in many different directions—looking for my voice, my style and myself... I became a prose writer, a novelist, and I am nothing else. Since then, my aesthetic has known no transformations; it evolves, to use your word, linearly.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Presse, AFP-Agence France. "Czech Writer Milan Kundera Dies At 94". www.barrons.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 "Kundera rejects Czech 'informer' tag". BBC News. BBC. 13 Oktubre 2008. Nakuha noong 13 Oktubre 2008. The Czech Republic's best-known author, Milan Kundera, has spoken to the media for the first time in 25 years...{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Milan Kundera skips hometown conference on his work". CBC News. 30 Mayo 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Hunyo 2009. Nakuha noong 30 Mayo 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Crown, Sarah (13 Oktubre 2005). "Nobel prize goes to Pinter". The Guardian. London: Guardian Media Group. Nakuha noong 12 Mayo 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. ""Milan Kundera" coming to China". People's Daily Online. 25 Hunyo 2004. Nakuha noong 25 Hunyo 2004.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. (sa Pranses) “L'intransigeant amoureux de la France” L'Express, 03/04/2003
  8. (sa Ingles) «When there is no word for 'home», The New-York Times, 29 Abril 1984
  9. "Biography Milan Kunder". Kundera.de. 1929-04-01. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-04-24. Nakuha noong 2013-11-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Man, a wide garden: Milan Kundera as a young Stalinist - Enlighten". Eprints.gla.ac.uk. 2013-04-12. Nakuha noong 2013-11-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Jan Culik (Enero 2007). "Man, a wide garden: Milan Kundera as a young Stalinist" (PDF). Eprints.gla.ac.uk. Nakuha noong 2013-11-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Kundera Milan: The Unbearable Lightness of Being". Webster.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-05. Nakuha noong 2013-11-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)