Dagat Bohol
dagat na matatagpuan sa pagitan ng Kabisayaan at Mindanao sa Pilipinas
(Idinirekta mula sa Mindanao Sea)
Ang Dagat Bohol, na kilala rin bilang Dagat Mindanao, ay matatagpuan sa pagitan ng Bisayas at ng Mindanao sa Pilipinas. Nasa timog ito ng Bohol at Leyte at hilaga ng Mindanao. Dalawa sa mga pangunahing pulong matatagpuan dito ay ang Siquijor at Camiguin.
Ilan sa mga pangunahing lungsod na matatagpuan sa baybayin ng dagat ay ang Cagayan de Oro, Iligan, Butuan, Dumaguete, Ozamis, at Tagbilaran.
Dumudugtong ang Dagat Bohol sa Dagat Pilipinas sa Kipot ng Surigao at sa Dagat Sulu sa kipot sa pagitan ng Negros at ng Tangway ng Zamboanga.
9°10′N 124°20′E / 9.167°N 124.333°E
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.