Minimoni

(Idinirekta mula sa Mini Moni)

Ang Minimoni (ミニモニ。; kilala rin bilang mini-moni, Mini Moni, or Minimoni) ay isang sub-grupo ng Morning Musume na isang groupong batang babaeng idol pop na Hapon, at noong kalaunan isang grupo sa loob ng Hello! Project. Hinahawakan sila ng produser na si Tsunku at ng kompanyang Hello! Project. Gumanap din sila sa isang maikling serye na Minimoni de Bremen no Ongakutai na pinagbidahan nina Takahashi, Tsuji, at Kago; si Mika Todd ay nagkaroon sandaling pagpapakita sa dalawang kabanata.

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ni Mary Yaguchi ang grupo noong Oktubre 2000 dahil nagkaroon siya ng ideya na gumawa ng isang subgroup na may mga miyembrong may taas na 150ng sentimetro (halos limang talampakan) o hindi tataas sa nasabing kataasan. Ang ideyang ito ay naisip niya dahil sa panglabing-dalawang kabanata ng palabas na Hello! Morning, ipinalabas sa telebisyon apat na taon bago maitatag ang grupo. Sa kabanatang ito, hinati ang mga miyembro ng Morning Musume sa tatlong grupo para sa isang laro.

Devil Morning
(デビルモーニング)
Yuko Nakazawa Kaori Iida Kei Yasuda
Angel Morning
(エンジェルモーニング)
Natsumi Abe Ishikawa Rika Hitomi Yoshizawa
Young Morning
(ヤングモーニング)
Mari Yaguchi Nozomi Tsuji Ai Kago

Nang maitatag na ang grupo, pinili nina Mari at Tsunku sina Nozomi Tsuji at Ai Kago. Nang madagdagan ang grupo ng dalawa, ang grupo ay nag-umpisang magtanghal sa mga konsiyerto bilang Minimoni. Ilang araw ang nakalipas, idinagdag sa grupo si Mika Todd ng grupong Coconuts Musume upang bigyan ang grupo ng "timplang internasyonal" at pagkatapos, gawing opisyal ang grupo. Ang kanilang unang single na "Minimoni Jankenpyon," na inilabas noong Enero 17 ng taong 2001, ay pumasok sa Oricon charts sa unang puwesto.

Ang pagsikat ng Minimoni

baguhin

Binuo ang grupo para sa mga bata (kahit na parte ng grupo sina Mari at Mika, kapwa nasa late teens) pero mayroon rin silang mga matatandang tagahanga, binubuo ng mga tagahanga ng grupong Morning Musume (lalo na ng mga tagahanga nina Mari, Nozomi, at Ai) pati ang mga magulang ng mga batang tagahanga ng grupo.

Ang apat ay naglabas ng mga ilang single noong taong 2001 at 2002, at halos lahat ng mga awiting ito ay nakasama sa unang album ng grupo, ang "Minimoni Song Dai Hyakka 1 Kan", na inilabas noong Hunyo 26 taong 2002. Hindi lamang ang kanilang mga lumang awitin ang nakalagay sa album na ito. Gumawa rin sila ng mga bagong kantang may iba't-ibang istylo o genre, tulad ng blues, jazz, at reggae. Ang kanilang mga awitin ay isa lamang sa mga dahilan kung bakit nagugustuhan ng mga tao ang grupo. Ang kanilang mga kakaiba't mararahas na pagtatanghal, sa telebisyon man o sa mga konsiyerto, ay naging daan rin para sa pagdagdag ng kanilang mga tagahanga, lalo na ang mga taong walang alam tungkol sa grupo at sa kultura't mga awitin ng mga Hapones. Ang mga halimbawa ng kanilang kakaibang pagtatanghal ay tulad ng:

  • Noong sabihin ni Ai ang mga katagang "malaking tae" sa Wikang Ingles sa nag-iinterbyu sa kanya;
  • Noong hinahawakan ng mga miyembro ng grupo ang puwet ng isang babaeng asistant tuwing konsiyerto; at
  • Noong tinamaan ni Ai, gamit ang kanyang kamay, si Mari sa kanyang ari habang siya't nagsasalita.

Noong Mayo 20 taong 2002, naglabas ang grupo ng komiks, na may pamagat na "Minimoni Yarunodapyon", kung saan sila ang bida nito. Ginamit nila ang kanilang boses sa pabalabas na Tottoko Hamutaro, kung saang sila gumanap bilang Minimoni na may katawang hamster. Mayroon rin silang inilabas na mga awitin para sa palabas na ito, gamit ang pangalang MiniHams.

Ang pagtatapos ng Mastermind

baguhin

Nagtapos si Mari sa grupo noong Marso 3 para pangunahan ang grupong ZYX, ang kaunaunahang grupo sa Hello! Project na binubuo ng mga miyembro ng Hello! Project Kids. Dahil dito, pinalitan siya ni Ai Takahashi, isa ring miyembro ng grupong Morning Musume, habang ginawang pinuno ng grupo si Mika. Dalawang buwan bago umalis sa grupo si Mari, gumawa ang lima ng isang pelikula na may pamagat na Minimoni ja Movie Okashi na Daibouken!, inilabas noong Enero 21 sa VHS at DVD. Ipinlawinag ng pelikulang ito kung bakit iniwan ni Mari ang grupo para pangunahan ang ZYX at kung paano nakasama si Ai (Takahashi) sa grupo.

Nag-iba ang uri ng kanilang mga awitin noong inilabas nila ang kanilang pansampung single na "CRAZY ABOUT YOU" noong Oktubre 16. Ang awiting ito ay may pagka-R&B ang tunog, isang istilo na ginamit nila sa kanilang pangalawang album na "Minimoni Songs 2."

Noong Abril 21 taong 2004, inilabas ng grupo ang single na "Lucky CHA CHA CHA!" bago nagtapos sa grupo si Mika, noong Mayo 2. Dahil sa kanyang pag-alis, ang grupo ay huminto sa paglabas ng mga bagong awitin at sa pagtatanghal ng kanilang mga lumang awitin.

Ibang impormasyon

baguhin
  • Noong Pebrero 2006, ang pangalan ng grupo ay ginamit sa isang dula-dulaan na ginanap sa palabas na The Tonight Show with Jay Leno (isang palabas galing sa Estados Unidos). Sa dula-dulaang ito, sinabi ni Jay Leno na naging kasama sa grupong Minimoni ang isa sa mga miyembro ng bandang tumutugtog sa palabas niya. May ipinalabas siyang litrato ng Minimoni kasama ang nasabing miyembro ng banda ng kanyang palabas. [1]

Ang mga Miyembro

baguhin

Unang henerasyon (Oktubre 2000 - Marso 2003)

baguhin

Ikalawang henerasyon (Marso 2003 - Mayo 2004)

baguhin

Diskograpiya

baguhin

Mga album

baguhin
# Pamagat ng album Inilabas noong
1 Minimoni Song Daihyakka 1 Kan (ミニモニ。ソング大百科1巻) 2002-06-26
2 MiniMoni Ja Movie Okashi na Daibouken OST (ミニモニ。じゃムービーお菓子な大冒険オリジナルサウンドトラック) 2003-02-19
3 Minimoni Songs 2 (ミニモニ。ソングズ2) 2004-02-11

Mga single

baguhin
# Pamagat ng single Inilabas noong
1 "Minimoni Jankenpyon!" (ミニモニ。ジャンケンぴょん!) 2001-01-17
2 "Minimoni Telephone! RIN RIN RIN" (ミニモニ。テレフォン!リンリンリン) 2001.09.12
3 "Minihamuzu no Ai no Uta" (ミニハムずの愛の唄) 2001-12-05
4 "Minimoni Hinamatsuri!" (ミニモニ。ひなまつり!) 2002-01-30
5 "Ai~n Taisou" (アイ~ン体操) 2002-04-24
6 "Genki Jirushi Oomori Song" (げんき印の大盛りソング) 2002-11-27
7 "Minihamuzu no Kekkon Song" (ミニハムズの結婚ソング) 2002-12-04
8 "Rock'n Roll Kenchoushozaichi ~Oboechaina Series~" (ロックンロール県庁所在地~おぼえちゃいなシリーズ!~) 2003-04-09
9 "Minimoni Kazoe Uta" (ミニモニ。数え歌) 2003-05-14
10 "CRAZY ABOUT YOU" 2003-10-16
11 "Mirakururun Grand Purin!" (ミラクルルングランプリン!) 2003-11-19
12 "Lucky CHA CHA CHA!" (ラッキーチャチャチャ!) 2004-04-21

Mga kaugnayang panlabas

baguhin