Miss Supranational
Ang Miss Supranational ay isang taunang patimpalak sa kagandahan o beauty pageant na itinatag sa Panama at pinasimulan ng World Beauty Association (WBA) na may punong tanggapan nito sa Polonya. Ang patimpalak na ito ay unang ginanap noong 2009 kung saan ang unang nanalo ay si Oksana Moria mula sa Ukranya. Ang patimpalak na ito ay may slogan na, Glamour, Fashion at Natural Beauty.[1]
Pagkakabuo | 5 Setyembre 2009 |
---|---|
Uri | Beauty Pageant |
Punong tanggapan | ![]() |
Wikang opisyal | Ingles, Polako |
Pinuno | Gerhard Parzutka von Lipinski |
Website | misssupranational.com |
Kasaysayan baguhin
Ang Miss Supranational beauty pageant ay unang ginanap noong 2009, ngunit pagkatapos ng Miss Supranational 2013, isa sa mga founder ng organisasyon, si Carsten Mohr, ay nagpasya na umalis at magtatag ng isang bagong pageant na may parehong pangalan, ang bersyon ni Mohr ng Miss Supranational. Pero hindi inaprubahan at tinanggihan ng beauty pageant community ang bagong contest.
Format ng Kompetisyon baguhin
Sa simula ng event, napili lang ni Miss Supranational ang Top 15 sa final round. Noong 2010, binago ang format sa semifinalists ng Top 20, na sinundan ng Top 10 para sa swimsuit at evening gown sessions.
Noong 2013, nabigyan ng pagkakataon ang publiko na pumili ng isang kalahok na makapasok sa Top 20 sa pamamagitan ng People's Choice.
Noong 2016, naging Top 25 ang semifinal format, kung saan maaaring suportahan ng publiko sa pamamagitan ng Facebook na awtomatikong makakakuha ng posisyon sa Top 25, at maaari rin sa pamamagitan ng Mobstar application na makakakuha ng posisyon sa Top 10.
Sa 2017, maaaring suportahan ng publiko ang kanilang mga paboritong kalahok sa pamamagitan ng Vodi app. Papasok sa Top 25 ang contestant na may pinakamaraming endorsement.
Mga Titulado baguhin
Mga titulado kamakailan baguhin
Taon | Bansa/Teritoryo | Miss Supranational | Lugar ng Kompetisyon | Bilang ng Sumali |
---|---|---|---|---|
2022 | Timog Aprika | Lalela Mswane[2] | Nowy Sącz, Polonya | 69 |
2021 | Namibya | Chanique Rabe[3] | 58 | |
2019 | Taylandiya | Anntonia Porsild[4] | Katowice, Polonya | 77 |
2018 | Porto Riko | Valeria Vázquez[5] | Krynica-Zdrój, Polonya | 72 |
2017 | Korea | Jenny Kim[6] | 65 |
Sanggunian baguhin
- ↑ "Crowning glory around the world". Bangkok Post (sa Ingles). Disyembre 3, 2019. Nakuha noong Hulyo 11, 2022.
- ↑ "South African wins Miss Supranational 2022; PH's Alison Black finishes in Top 24". ABS-CBN News (sa Ingles). Hulyo 16, 2022. Nakuha noong Hulyo 16, 2022.
- ↑ "Namibia's Chanique Rabe crowned Miss Supranational 2021; Karla Guilfu Acevedo, Thato Mosehle are runner-ups". Zoom Digital (sa Ingles). Agosto 22, 2021. Nakuha noong Hulyo 11, 2022.
- ↑ "Anntonia Porsild Crowned as Miss Supranational 2019". Where In Bacolod (sa Ingles). Nakuha noong Hulyo 11, 2022.
- ↑ "Valeria Vazquez of Puerto Rico crowned Miss Supranational 2018". m.beautypageants.in (sa Ingles). Disyembre 8, 2018. Nakuha noong Hulyo 11, 2022.
- ↑ "Miss Korea Jenny Kim is Miss Supranational 2017". Missosology (sa Ingles). Disyembre 2, 2017. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Hulyo 11, 2022. Nakuha noong Hulyo 11, 2022.