Ang Miss World 1951 ay ang unang edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido. noong 27 Hulyo 1951.[1]

Miss World 1951
Kiki Håkansson, Miss World 1951
Petsa27 Hulyo 1951
Presenters
  • Eric Morley
PinagdausanLyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido
Lumahok27
Placements5
Bagong sali
  • Dinamarka
  • Estados Unidos
  • Mehiko
  • Gran Britanya
  • Olanda
  • Pransiya
  • Suwesya
NanaloKiki Håkansson
 Suwesya
1952 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan si Kiki Håkansson ng Suwesya bilang Miss World 1951.[2][3] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Suwesya, at ang kauna-unahang nagwagi bilang Miss World sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Laura Ellison-Davies ng Gran Britanya, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Doreen Dawne ng Gran Britanya. Si Håkansson ang katangi-tanging kampeon na kinoronahan habang suot ang isang bikini.[4]

Dalawampu't-pitong kandidata mula sa anim na bansa ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Eric Morley ang kompetisyon.

Kasaysayan

baguhin
 
Lyceum Ballroom, ang lokasyon ng Miss World 1951

Lokasyon at petsa

baguhin

Noong pagsapit ng dekada 1950s, nagsimulang bumangon ang Europa sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at ang mga Ingles ay unti-unting bumalik sa normal. Sinimula ni Herbert Morrison, isang miyembro ng parlyamento ng Reyno Unido, ang pagpaplano sa Festival of Great Britain noong 1951 bilang paggunita sa sentenaryo ng 1851 Great Exhibition. Idinaos ang kaganapang ito sa Londres.[5]

Malapit sa pinangyarihan ng Festival of Great Britain ang Lyceum Ballroom na pagmamay-ari ng Mecca Dancing. Dahil sa lokasyon nito, inanyayahan ng mga organizer ng Festival of Great Britain ang Mecca Dancing upang tumulong sa kahit anong pamamaraan para sa kaganapan. Napag-isipan ni Eric Morley, noo'y publicity sales manager ng Mecca Dancing, na magsagawa ng isang pageant, na siyang tinanggap ng mga organizer ng Festival of Great Britain.[6] Unang itong tinawag na "Festival Bikini Contest", ngunit tinawag din itong "Miss World" dahil sa kaligiran ng kompetisyon.[7][8]

Pagpili ng mga kalahok

baguhin

Dalawampu't-pitong kandidata mula sa pitong bansa ang lumahok sa edisyong ito. Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Dinamarka, Estados Unidos, Mehiko, Olanda, Pransiya, Reyno Unido, at Suwesya. Orihinal na may tatlumpung kandidata ang edisyong ito, ngunit nagpasya si Mary Akroyd at dalawa pang may-asawang babae na huwag sumipot dahil sa pagtutol ng kanilang asawa na ipakita ang kanilang sarili na nakasuot ng bikini sa harap ng ibang mga lalaki.

Mga resulta

baguhin
 
Mga bansang sumali sa Miss World 1951 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

baguhin
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1951
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up

Mga kandidata

baguhin

Dalawampu't-pitong kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
  Dinamarka Lily Jacobson[9] 18 Copenhague
  Estados Unidos Annette Gibson[10] 20 Louisville
  Gran Britanya Aileen Chase[11] 20 Southwick
Ann West[12] 18 Ilford
Brenda Mee[10] 18 Derby
Doreen Dawne[13] 28 Londres
Elaine Pryce 22 Bolton
Fay Cotton 18 East Midlands
Laura Ellison-Davies 26 Hammersmith
Margaret Morgan 22 West Kirby
Marlene Ann Dee 19 Weston Road
Maureen O'Neill 19 Palmers Green
Nina Way[10] 21 Edgware
Norma Kitchen 21 Leeds
Sidney June Walker[10] 18 Fleetwood
Sylvia Wren 20 Dagenham
Thelma Kerr 19 Belfast
Jean Sweeney Liverpool
Jean Worthe Teddington
Margaret Mills Middleton
Margaret Turner Birmingham
Mary McLaney Clydebank
Pat Cameron Glasgow
  Mehiko
hindi pa natutukoy
  Olanda Margaret van Beer Amsterdam
  Pransiya Jacqueline Lemoine 19 Paris
  Suwesya Kiki Håkansson 22 Estokolmo

Mga tala

baguhin
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Eric Morley; British Entrepreneur Created Miss World Beauty Pageant". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 2000. Nakuha noong 8 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Miss World and her £1.000". The Straits Times (sa wikang Ingles). 6 Agosto 1951. p. 3. Nakuha noong 8 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "'Miss World' and runners-up". Singapore Standard (sa wikang Ingles). 4 Agosto 1951. p. 7. Nakuha noong 8 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Magnanti, Brooke (7 Hunyo 2013). "Miss World bikini ban: why it's no victory for feminists". The Telegraph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Festival of Britain 1951". The History Press (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Cavendish, Richard (4 Abril 2001). "The First Miss World Contest". History Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Miss World beauty pageant gets rid of the swimwear round". BBC News (sa wikang Ingles). 19 Disyembre 2014. Nakuha noong 2 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Prideaux, Sophie (14 Pebrero 2023). "Miss World: A brief history, including controversies, criteria and famous winners". The National (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Great for the Danes!". The Austin American (sa wikang Ingles). 20 Hulyo 1951. p. 11. Nakuha noong 25 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 "Beauties seek 'Miss World' title". Toledo Blade (sa wikang Ingles). 28 Hulyo 1951. p. 2. Nakuha noong 2 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "At the movies". Singapore Standard (sa wikang Ingles). 2 Agosto 1951. p. 10. Nakuha noong 8 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "World at its best". Daily News (sa wikang Ingles). 27 Hulyo 1951. p. 201. Nakuha noong 7 Nobyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Kay, Richard (16 Agosto 2010). "Archbishop caught up in Miss GB row". Mail Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin