Mitolohiya sa Pransiya
Ang mga mitolohiya sa kasalukuyang Pransiya ay binubuo ng mitolohiya ng mga Gaul, mga Franko, mga Norman, mga Breton, at iba pang mga taong naninirahan sa Pransiya, na sinaunang mga kuwento hinggil sa kabanalan o makabayaning mga nilalang na pinaniniwalaan ng partikular na mga kulturang ito bilang totoo at kadalasang gumagamit ng mga kaganapang supernatural o mga tauhan upang ipaliwanag ang pinagmulan ng uniberso at ng sangkatauhan. Itinatala ang mitolohiyang Pranses para sa bawat isang kultura.
Breton
baguhinAng mga Breton ay isang kasamang pangkat ng mga taong Seltiko na umampon ng Kristiyanismo. Nangingibabaw sa kanilang mitolohiya ang kosmolohiyang Seltiko:
Gaul (Seltiko)
baguhinAng mga Gaul ay isa pang kabahaging pangkat ng mga taong Seltiko. Nangingibabaw ang kosmolohiyang Seltiko sa kanilang mitolohiya:
Kategorya: Kategorya ng mga diyus-diyosan ng Gaul
Franko
baguhinAng mitolohiya at mga alamat ng mga Franko ay umiinog sa paligid ni Carlomagno bilang kampeon ng Kristiyanismo at bilang haring pangmitolohiya ng Pransiya. Nangingibabaw ang isang kosmolohiyang Kristiyano at mga kuwentong epiko. Habang hindi buong tungkol sa mitolohiya, ang mga kasaysayang maalamat ng Pransiya ay naglalaman ng ilang mga kalidad na epikong pangmitolohiya:
- Materya ng Pransiya
- Chanson de geste ("Mga Awit ng mga Gawaing Makabayani") - The Charlemagne Cycle epics, particularly the first known as Geste du Roi ("Songs of the King"). It concerns a King's role as champion of Christianity.
Norman
baguhinAng mga Norman ay mayroong mitolohiyang Norsiko sa kanilang pagiging Bikinggo (Viking), subalit, kilala sa pagiging agad na pagsama sa ibang mga kultura. Pagkaraan ng isa o dalawang mga salinlahi, ang mga Norman ay pangkalahatang hindi maipagkakaiba mula sa kanilang mga kapit-bahay na Pranses.
Pransiyang midyibal
baguhinAng sumusunod na mamahika at maalamat na mga nilalang sa mga paglalahad na Pranses ng Gitnang mga Kapanahunan ay mayroong pinag-ugatang pangmitolohiya. Habang ang maraming mga mitong orihinal ay napalitan ng Kristiyanismo, ang mga pangmitolohiyang nilalang na ito ay nanatiling isang bahagi ng pangkalinangang kuwentong-bayan, alamat, mga epiko, at kuwentong bibit (fairy tale) bilang bahagi ng malalim na naibaong mga alegoryang pang-espiritu at mga arketipong pangmitolohiya:
- Dragong Europeo - mga dragon mula sa mitolohiyang Norsiko, mitolohiyang Hermaniko, at mitolohiyang Griyego na kadalasang nakahabi sa kuwentong-bayan at mga mito bilang pinaka dakilang mga kalaban ng mga kabalyero at mga haring piyudal.
- Fee - Mga lambana at mga duwende (tingnan ang etimolohiya ng fairy o lambana) - nagmula ang salitang Ingles na fairy sa pangalang Pranses ng Moirae o Mga Katalagahan (Fates) ng mitolohiyang Griyego, ngunit sila ay naging mga nilalang na kataka-taka, pantastiko, at masalamangka.
- Dames Blanches - mga babaeng espiritu, na maaaring nagmula sa mitolohiya ng mga diyosang bantay ng Matres (Matronae).
Tingnan din
baguhin- Alegoriya sa Gitnang mga Kapanahunan - ang alegoriya ay isang pangunahing tagapagpagalaw para sa sintesis at transpormasyon sa pagitan ng sinaunang mitolohiya ng daigdig (halimbawa na ang sa mga Breton at sa mga Gaul) at ang "bagong" mitolohiyang Kristiyano ng daigdig na kumalat sa Pransiya, halimbawa na ang sa mga Franko.