Ang Ilog Morava (Aleman: March; Unngaro: Morva) ay isang ilog sa Gitnang Europa. Ito ang pinakamahalagang ilog sa Morabya, na siyang pinanggalingan ng pangalan ng nasabing rehiyon. Ang ilog na ito ay nanggagaling sa bundok ng Kralicky Sneznik sa hilagang-kanlurang sulok ng Morabya, malapit sa hangganan sa pagitan ng Republika Tseka at ng Polonya at mayroong tila pa-timog na pagdaloy. Ang mababang bahagi ng bakas ng ilog ay bumubuo sa hangganan sa pagitan ng Republika Tseka at Slobakya, at pagkatapos ay ng Austria at Slobakya.

Ang Morava ay nagtatapos sa Danubio, sa Bratislava-Devin.

Ang mga malalaking lungsod lamang sa pampang ng ilog ay ang Olomouc sa Morabya at ang kabisera ng Slobakya na Bratislava. Pagkatapos ng kulang-kulang na 354 kilometro, ang Morava ay nagtatapos sa Danubio, sa Bratislava-Devin.

Tignan din

baguhin

Mga Kawing Panlabas

baguhin



  Ang lathalaing ito na tungkol sa Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.