Mamahaha no Tsurego ga Motokano datta

Serye ng nobelang magaan ni Kyousuke Kamishiro
(Idinirekta mula sa My Stepmom's Daughter Is My Ex)

Ang Mamahaha no Tsurego ga Motokano datta (Hapones: 継母の連れ子が元カノだった, lit. na 'Dati Kong Kasintahan ang Anak ng Inain Ko'), kilala rin sa pamagat sa wikang Ingles nito na My Stepmom's Daughter Is My Ex (lit. na 'Ex Ko Ang Anak ng Inain Ko'), ay isang romcom na nobelang magaan na isinulat ni Kyousuke Kamishiro at iginuhit ni Takayaki. Umiikot ang kuwento nito kina Mizuto Irido at Yume Ayai, isang dating magkasintahan na naging magkapatid nang ikasal ang kanilang mga magulang. Una itong inilathala online noong Agosto 2017 sa website na Kakuyomu, at kalaunan ay nagkaroon ng pisikal na bersyon sa ilalim ng imprentang Kadokawa Sneaker Bunko ng Kadokawa Shoten noong Disyembre 2018. Lisensyado ang nobelang magaan sa Hilagang Amerika sa J-Novel Club. Samantala, nagkaroon ito ng manga na iginuhit ni Rei Kusakabe at inilathala online ng Fujimi Shobo sa kanilang website na Niconico Seiga bilang bahagi ng kanilang mga tatak na Dra Dra Sharp at Dra Dra Flat simula noong Abril 2019. Nagkaroon rin ito ng isang teleseryeng anime, na prinodyus ng Project No.9 at umere mula Hulyo hanggang Setyembre 2022.

Mamahaha no Tsurego ga Motokano datta
Pabalat ng unang bolyum ng nobelang magaan, na nagtatampok kina Yume at Mizuto Irido.
継母の連れ子が元カノだった
Dati Kong Kasintahan ang Anak ng Inain Ko
DyanraRomcom[1]
Serye ng nobela
KuwentoKyousuke Kamishiro
NaglathalaKakuyomu
Takbo7 Agosto 2017 – kasalukuyan
Nobelang magaan
KuwentoKyousuke Kamishiro
GuhitTakayaki
NaglathalaKadokawa Shoten
ImprentaKadokawa Sneaker Bunko
DemograpikoKalalakihan
Takbo1 Disyembre 2018 – kasalukuyan
Bolyum9 (listahan)
Manga
KuwentoKyousuke Kamishiro
GuhitRei Kusakabe
NaglathalaFujimi Shobo
MagasinNiconico Seiga (Dra Dra Sharp, Dra Dra Flat)
DemograpikoShounen
Takbo26 Abril 2019 – kasalukuyan
Bolyum4 (listahan)
Teleseryeng anime
DirektorShinsuke Yanagi
IskripDeko Akao
MusikaHiromi Mizutani
EstudyoProject No.9
LisensiyaCrunchyroll
Inere saAT-X, Tokyo MX, BS NTV, MBS, BS Fuji
Takbo6 Hulyo 2022 – 21 Setyembre 2022
Bilang12 (Listahan ng episode)
 Portada ng Anime at Manga

Kuwento

baguhin

Magkasintahan noong junior high[a] sina Mizuto Irido at Yume Ayai. Tipikal silang kasintahan, na parating tumatambay sa silid-aklatan ng kanilang paaralan. Gayunpaman, ang pagsasamang ito ay unti-unting nasira at tuluyan silang naghiwalayan pagsapit nila sa senior high.[a]

Matindi talaga ang tadhana nila sa isa't-isa, nang nalaman nilang ikakasal ang kanilang magulang dalawang linggo pagkatapos lang nilang maghiwalayan. Dahil ayaw nilang kontrahin ang kasiyahan ng kanilang mga magulang, tinanggap nila ang bago nilang sitwasyon. Ngayong magkapatid na, hinamon nila ang isa't isa, kung saan kailangan nilang magturingan bilang magkapatid, at talo ang unang maaakit.

Tauhan

baguhin
Mizuto Irido (伊理戸水斗, Irido Mizuto)
Boses ni: Yuuto Uemura[3] (drama CD), Hiro Shimono[4] (anime)
Dating kasintahan ni Yume. Palabasa siya ng mga aklat, kadalasan mga nobelang magaan. Palagi siyang tumatambay sa silid-aklatan ng paaralan nila, kung saan niya nakilala si Yume noong junior high at si Higashira ngayong senior high sila. Ama niya si Mineaki, na pinakasalan ang ina ni Yume na si Yuni. Ipinanganak sina Mizuto at Yume sa parehong araw, 3 Nobyembre.
Yume Irido (伊理戸結女, Irido Yume)
Boses ni: Aoi Koga[3] (drama CD), Rina Hidaka[4] (anime)
Dating kasintahan ni Mizuto. Bago nagpakasal ang kanyang ina na si Yuni sa ama ni Mizuto na si Mineaki, ginagamit niya ang apelyidong Ayai (Hapones: 綾井). Tulad ni Mizuto, palabasa rin siya, at palaging tumatambay sa silid-aklatan. Gayunpaman, matapos nilang maghiwalayan, nagdesisyon siyang magpalit ng anyong panlabas. Magkapareho sila ni Mizuto ng kapanganakan: 3 Nobyembre.
Akatsuki Minami (南暁月, Minami Akatsuki)
Boses ni: Yūki Takada[3] (drama CD), Ikumi Hasegawa[5] (anime)
Kaibigan ni Yume ngayong senior high sila. Kababata niya si Kogure. Masayahin at aktibo, sinusuportahan niya sina Yume at Mizuto ngayong magkapatid na ito.
Kogure Kawanami (川波小暮, Kawanami Kogure)
Boses ni: Tasuku Hatanaka[3] (drama CD), Nobuhiko Okamoto[5] (anime)
Kaibigan ni Mizuto, at kababata ni Minami. Sikat sa mga babae at hayahay lang sa buhay. Dineklara niyang hindi siya papasok sa pag-ibig kailanman.
Isana Higashira (東頭いさな, Higashira Isana)
Boses ni: Yumiri Hanamori[3] (drama CD), Miyu Tomita[5] (anime)
Mahiyain at palabasa rin ng mga nobelang magaan tulad nina Mizuto at Yume. Tumatambay rin siya sa silid-aklatan ng paaralan nila, kung saan nakipagkaibigan siya kay Mizuto. Sa pag-usad ng serye, nahulog ang loob niya kay Mizuto, at kahit na tumanggi ito sa nadadama niya, patuloy niya pa rin itong itinuturing na matalik na kaibigan.
Mineaki Irido (伊理戸峰秋, Irido Mineaki)
Boses ni: Kazuyuki Okitsu[6] (anime)
Ama ni Mizuto. Pinakasalan niya ang ina ni Yume na si Yuni Ayai.
Yuni Irido (伊理戸由仁, Irido Yuni)
Boses ni: Ai Kayano[6] (anime)
Ina ni Yume. Pinakasalan niya ang ama ni Mizuto na si Mineaki Irido.
Madoka Tanesato (種里円香, Tanesato Madoka)
Boses ni: Yoko Hikasa[7] (anime)
Pinsan nina Mizuto at Yume at matandang kapatid ni Chikuma.
Chikuma Tanesato (種里竹馬, Tanesato Chikuma)
Boses ni: Hinata Satō[7] (anime)
Pinsan nina Mizuto at Yume at nakababatang kapatid ni Madoka.

Produksiyon

baguhin

Ayon sa isang tweet ni Kyousuke Kamishiro, ang may-akda sa serye, galing ang mga unang pangalan ng bida ng kuwento na sina Yume at Mizuto sa mga salitang Hapon na yu (Hapones: , lit. na 'langis') at mizu (Hapones: , lit. na 'tubig'). Hango naman sa mga manunulat ng dyanra ng misteryo ang mga apelyido ng mga pangunahing tauhan sa kuwento: isang anagram ng "Doyle" (binabasa sa wikang Hapones bilang Doiru, Hapones: ドイル) ang Irido, galing naman kay Yukito Ayatsuji ang Aya (Hapones: ) ng Ayai, mula naman sa literal na kabaligtaran ng apelyidong Nisio (Hapones: 西尾, lit. na 'kanlurang buntot') ni Nisio Isin ang apelyidong Higashira (Hapones: 東頭, lit. na 'silangang ulo'), at mula naman sa mga apelyido ng tambalang Ellery Queen na Dannay (binabasa bilang Danei, Hapones: ダネイ, pwedeng maging 'ta' ang 'da' sa ponolohiyang Hapon) at Lee (binabasa bilang Ri, Hapones: リー, isa sa mga pagbigkas sa kanji na 里, bukod sa sato na ginamit) ang apelyidong Tanesato.

Maliit na nobela

baguhin

Sinimulan ng serye ang serialization sa online novel website Kakuyomu noong 7 Agosto 2017, na may isang bersyon ng pag-print na nagsisimula ng publication sa ilalim Kadokawa Shoten's Kadokawa Sneaker Bunko imprint noong 1 Disyembre 2018; Ang serye ay may siyam na volume hanggang 1 Hulyo 2022. Ang magaan na nobela ay lisensyado nang digital sa Hilagang Amerika ni J-Nobela Club.[8]

Sa mga Blu-ray set ng anime, isang orihinal na what-if story na pinamagatang Mamahaha no Tsurego ga Imakano datta (継母の連れ子が今カノだった, "My Stepmom's Daughter Is My Current Girlfriend") nakasulat sa pamamagitan ng Kyōsuke Kamishiro ay kasama.[9] Ang kwento ay tungkol sa kung paano kung hindi naghiwalay sina Yume at Mizuto bago sila naging mga stepsiblings.[10]

Blg.Petsa ng paglabas (wikang orihinal)ISBN (wikang orihinal)Petsa ng paglabas (wikang Ingles)ISBN (wikang Ingles)
1 December 1, 2018[11]ISBN 978-4-04-107684-2February 14, 2022[12]ISBN 978-1-71-838897-0
2 May 1, 2019[13]ISBN 978-4-04-108255-3May 2, 2022[14]ISBN 978-1-71-838899-4
3 December 1, 2019[15]ISBN 978-4-04-108264-5July 18, 2022[16]ISBN 978-1-71-838901-4
4 April 1, 2020[17]ISBN 978-4-04-109164-7October 3, 2022[18]ISBN 978-1-71-838903-8
5 September 1, 2020[3][19]ISBN 978-4-04-109165-4December 21, 2022[20]ISBN 978-1-71-838905-2
6 January 29, 2021[21]ISBN 978-4-04-111043-0
7 July 30, 2021[22]ISBN 978-4-04-111044-7
8 February 1, 2022[23]ISBN 978-4-04-111953-2
9 July 1, 2022[24]ISBN 978-4-04-111954-9

A manga pagbagay sa pamamagitan ng REI Kusakabe nagsimula serialization online sa pamamagitan ng Niconico Seiga website bilang bahagi ng Dra Dra Matalim at Dra Dra Flat mga tatak noong 26 Abril 2019, at naipon sa apat na dami ng Fujimi Shobo hanggang 9 Mayo 2022.

Blg.Petsa ng paglabas (wikang orihinal)ISBN (wikang orihinal)Petsa ng paglabas (wikang Ingles)ISBN (wikang Ingles)
1 December 9, 2019[25]ISBN 978-4-04-073393-7
2 July 9, 2020[26]ISBN 978-4-04-073715-7
3 May 8, 2021[27]ISBN 978-4-04-074057-7
4 May 9, 2022[28]ISBN 978-4-04-074461-2

Isang anime ang pagbagay ay inihayag noong 21 Hulyo 2021.[1] Kalaunan ay ipinahayag na isang serye sa telebisyon na ginawa ng Proyekto Blg 9. Ang serye ay idinirek ni Shinsuke Yanagi, na may Deko Akao paghawak ng mga script, Katsuyuki sato pagdidisenyo ng mga character, at Hiromi Mizutani pagbubuo ng musika. Ipinalabas ito mula Hulyo 6 hanggang 21 Setyembre 2022 noong SA-X, Tokyo MX, BS NTV, Mga MBS, at BS Fuji.[4][29] Ang pambungad na theme song ay "Deneb to Spica" (デネブとスピカ, "Deneb and Spica") sa pamamagitan ng Diyalogo+, habang ang ending theme song ay "Futari Pinocchio" (ふたりピノキオ, "Two Pinocchios") sa pamamagitan ng Harmoe.[5][30] Crunchyroll ay lisensyado ang serye.[31]  

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 Ang junior high (Hapones: 中学校, romanisadochuugakkou, lit. na 'middle school') sa edukasyong Hapon ay katumbas ng ika-7 hanggang ika-9 na baitang ng sistema sa Pilipinas. Samantala, katumbas naman ng ika-10 hanggang ika-12 baitang ang senior high (Hapones: 高校, romanisadokoukou, lit. na 'high school') ng Hapon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Pineda, Rafael Antonio (Hulyo 21, 2021). "Mamahaha no Tsurego ga Moto Kano Datta Step-Sibling Romcom Novel Gets Anime". Anime News Network. Nakuha noong Hulyo 21, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 継母の連れ子が元カノだった5 ドラマCD付き特装版 (sa wikang Hapones). Kadokawa Shoten. Nakuha noong Hulyo 21, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 4.0 4.1 4.2 Mateo, Alex (Enero 26, 2022). "My Stepmom's Daughter Is My Ex Anime Reveals 1st Teaser, Cast, Staff, 2022 Debut". Anime News Network. Nakuha noong Enero 26, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 5.0 5.1 5.2 5.3 Pineda, Rafael Antonio (Abril 25, 2022). "My Stepmom's Daughter Is My Ex Anime's Video Reveals More Cast & Staff, July Debut, Opening Song". Anime News Network. Nakuha noong Abril 25, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 6.0 6.1 Pineda, Rafael Antonio (15 Hunyo 2022). "My Stepmom's Daughter Is My Ex Anime Casts Kazuyuki Okitsu, Ai Kayano" [Isinama sa Cast ng Anime ng My Stepmom's Daughter Is My Ex sina Kazuyuki Okitsu, Ai Kayano]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 31 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 7.0 7.1 Pineda, Rafael Antonio (Setyembre 12, 2022). "My Stepmom's Daughter Is My Ex Anime Casts Yōko Hikasa, Hinata Satō". Anime News Network. Nakuha noong Setyembre 12, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Pineda, Rafael Antonio (Nobyembre 21, 2021). "J-Novel Club Licenses 10 New Light Novel Titles". Anime News Network. Nakuha noong Nobyembre 21, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Blu-ray". My Stepmom's Daughter Is My Ex anime official website (sa wikang Hapones). Nakuha noong Setyembre 3, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. @. (Tweet) (sa wikang Hapones) https://twitter.com/. Nakuha noong Setyembre 3, 2022 – sa pamamagitan ni/ng Twitter. {{cite web}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link); Missing or empty |user= (help); Missing or empty |number= (help); Missing or empty |date= (help)
  10. 継母の連れ子が元カノだった 昔の恋が終わってくれない (sa wikang Hapones). Kadokawa Shoten. Nakuha noong Hulyo 21, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "My Stepmom's Daughter Is My Ex: Volume 1 (Light Novel)". J-Novel Club. Nakuha noong Abril 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 継母の連れ子が元カノだった2 たとえ恋人じゃなくたって (sa wikang Hapones). Kadokawa Shoten. Nakuha noong Hulyo 21, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "My Stepmom's Daughter Is My Ex: Volume 2 (Light Novel)". J-Novel Club. Nakuha noong Abril 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 継母の連れ子が元カノだった3 幼馴染みはやめておけ (sa wikang Hapones). Kadokawa Shoten. Nakuha noong Hulyo 21, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "My Stepmom's Daughter Is My Ex: Volume 3 (Light Novel)". J-Novel Club. Nakuha noong Abril 26, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 継母の連れ子が元カノだった4 ファースト・キスが布告する (sa wikang Hapones). Kadokawa Shoten. Nakuha noong Hulyo 21, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "My Stepmom's Daughter Is My Ex: Volume 4 (Light Novel)". J-Novel Club. Nakuha noong Hulyo 9, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 継母の連れ子が元カノだった5 あなたはこの世にただ一人 (sa wikang Hapones). Kadokawa Shoten. Nakuha noong Hulyo 21, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "My Stepmom's Daughter Is My Ex: Volume 5 (Light Novel)". J-Novel Club. Nakuha noong Setyembre 22, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 継母の連れ子が元カノだった6 あのとき言えなかった六つのこと (sa wikang Hapones). Kadokawa Shoten. Nakuha noong Hulyo 21, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. 継母の連れ子が元カノだった7 もう少しだけこのままで (sa wikang Hapones). Kadokawa Shoten. Nakuha noong Hulyo 21, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. 継母の連れ子が元カノだった8 そろそろ本気を出してみろ (sa wikang Hapones). Kadokawa Shoten. Nakuha noong Abril 2, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. 継母の連れ子が元カノだった9 プロポーズじゃ物足りない (sa wikang Hapones). Kadokawa Shoten. Nakuha noong Hulyo 1, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 継母の連れ子が元カノだった 1 (sa wikang Hapones). Kadokawa Shoten. Nakuha noong Hulyo 21, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 継母の連れ子が元カノだった 2 (sa wikang Hapones). Kadokawa Shoten. Nakuha noong Hulyo 21, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 継母の連れ子が元カノだった 3 (sa wikang Hapones). Kadokawa Shoten. Nakuha noong Hulyo 21, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. 継母の連れ子が元カノだった 4 (sa wikang Hapones). Kadokawa Shoten. Nakuha noong Abril 26, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Pineda, Rafael Antonio (Hunyo 1, 2022). "My Stepmom's Daughter Is My Ex Anime's Ad Reveals July 6 Premiere". Anime News Network. Nakuha noong Hunyo 1, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Mateo, Alex (Hunyo 17, 2022). "harmoe Perform My Stepmom's Daughter Is My Ex Anime's Ending Theme Song". Anime News Network. Nakuha noong Hunyo 17, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Mateo, Alex (Hunyo 22, 2022). "Crunchyroll Announces Release Schedule for Summer 2022 Anime Season". Anime News Network. Nakuha noong Hunyo 22, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin