Mylo Hubert Vergara
Si Mylo Hubert Claudio Vergara (ipinanganak 23 Oktubre 1962) ay isang Pilipinong obispo ng Simbahang Katoliko . Siya sa pangalawa at kasalukuyang Obispo ng Pasig, at dating naglingkod bilang pangatlong Obispo ng San Jose mula 12 Pebrero 2005 hanggang 20 Abril 2011.
The Most Reverend Mylo Hubert Vergara D.D. | |
---|---|
Bishop of Pasig | |
Sede | Pasig |
Hinirang | 20 April 2011 |
Hinalinhan | Francisco San Diego |
Kahalili | Incumbent |
Mga orden | |
Ordinasyon | 24 March 1990 |
Konsekrasyon | 30 April 2005 ni Gaudencio Rosales |
Mga detalyeng personal | |
Kapanganakan | Manila, Philippines | 23 Oktubre 1962
Kabansaan | Filipino |
Dating puwesto | Bishop of San Jose (February 12, 2005–April 20, 2011) |
Alma mater | University of Santo Tomas Loyola School of Theology Ateneo de Manila University |
Motto | Pasce agnos meos (Feed My Lambs) |
Mga estilo ni Mylo Hubert Vergara | |
---|---|
Sangguniang estilo | The Most Reverend |
Estilo ng pananalita | Your Excellency |
Estilo ng relihiyoso | Bishop |
Talambuhay
baguhinSi Mylo Hubert Claudio Vergara ay isinilang noong 23 Oktubre 1962 sa Maynila, Pilipinas . Nag-aral siya ng elementarya sa Ateneo de Manila Grade School at hayskul sa Ateneo de Manila High School . Kumuha siya ng undergraduate degree sa BS Management Engineering at Masters in Philosophy sa Ateneo de Manila University, at kumuha siya ng licentiate sa sagradong teolohiya sa Loyola School of Theology sa parehong pamantasan, at isang Doctorate sa Sacred Theology sa University of Santo Tomas .
Ministeryo
baguhinPagkasaserdote (1990–2005)
baguhinNoong 24 Marso 1990, si Vergara ay naordenan sa pagkasaserdote ni Cardinal Jaime Sin, Arsobispo ng Maynila sa Manila Cathedral .
Matapos ang kanyang ordenasyon, si Vergara ay nagsilbing vicario parroquial ng Parokya ni San Andres Apostol sa Makati . Mula 1994 hanggang 2001, nagsilbi siyang rektor ng Holy Saints Senior Seminary sa Makati . Pagkatapos, siya rin ay naging kura paroko ng Saint Rita de Cascia Parish sa Philamlife Homes, Quezon City .
Si Vergara ay hinirang bilang pangatlong Obispo ng San Jose noong 12 Pebrero 2005 ni Papa Juan Paolo II at na-install noong Mayo 14 ng parehong taon. Noong 20 Abril 2011, siya ay itinalaga bilang pangalawang obispo ng Pasig .
Mga Sanggunian
baguhin
Mga titulo ng Simbahang Katoliko | ||
---|---|---|
Sinundan: {{{before}}} |
Bishop of San Jose {{{years}}} |
Susunod: {{{after}}} |
Sinundan: {{{before}}} |
Bishop of Pasig {{{years}}} |
Susunod: {{{after}}} |