Pambansang Museo ng Pilipinas

pambansang institusyong pangmuseo sa Pilipinas

Ang Pambansang Museo ng Pilipinas ay ang opisyal na repositoryong itinatag noong 1901 bilang museong pangkasaysayang natural at pang-etnograpiya ng Pilipinas. Ang gusali ay matatagpuan sa tabi ng Liwasang Rizal malapit sa Intramuros, Manila. Dinisenyo ang gusali ng isang arkitektong Amerikanong si Daniel Burnham noong 1918. Sa ngayon, ang gusaling iyon na dati ring nagbahay sa Kongreso ng Pilipinas ay ang kinalalagyan ng mga dibisyon ng mga sining, mga likas na agham, at iba pang mga dibisyon. Kabilang sa mga pag-aaring yaman nito ang bantog na Spoliarium ng makabayang si Juan Luna.

Pambansang Museo ng Pilipinas
ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐᜅ᜔ ᜋᜓᜐᜒᜌᜓ ᜈᜅ᜔ ᜉᜒᜎᜒᜉᜒᜈᜐ᜔
Buod ng Agency
PagkabuoIka-29 ng Oktubre, 1901[1]
KapamahalaanPansining at pangkulturang kaunlaran ng Pilipinas
Punong himpilanPambansang Museo ng Sining, Abenida Padre Burgos, Liwasang Rizal, Ermita, Maynila, Pilipinas
14°35′12″N 120°58′52″E / 14.58667°N 120.98111°E / 14.58667; 120.98111
Taunang badyet₱493.08 angaw (2020)[2]
Tagapagpaganap Agency
  • Jeremy R. Barns, Direktor
Pinagmulan na kagawaranKagawaran ng Edukasyon
Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining
Websaytnationalmuseum.gov.ph

Ang karatig na gusali sa Agrifina Circle ng Liwasang Rizal na dating gusali para sa Kagawaran ng Pananalapi ay siya ngayong nagbabahay sa Dibisyon ng Antropolohiya at Arkeolohiya na kinikilala bilang Museo ng Lahing Pilipino (Museum of the Filipino People).


Mga panlabas na kawing

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Programang Paggunita para sa Ika-111 Araw ng Pagkatatag ng Pambansang Museo" (PDF). Pampanguluhang Tanggapan para sa Kaunlarang Pangkomunikasyon at Maparaang Pagpaplano (PCDSPO). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Marso 4, 2016. Nakuha noong Mayo 30, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo March 4, 2016[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  2. Aika Rey (8 Enero 2020). "Saan napupunta ang salapi?". Rappler. Nakuha noong 29 Mayo 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.