Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon
Ang Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon ng Pilipinas (Ingles: National Telecommunications Commission), na dinaglat bilang NTC, ay isang kalakip na ahensiya ng Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-impormasyon at Komunikasyon na responsable para sa pangangasiwa, pagpapasya at pamamahala sa lahat ng mga serbisyo sa telekomunikasyon sa buong bansa.
National Telecommunications Commission | |
Buod ng Ahensya | |
---|---|
Pagkabuo | 23 Hulyo 1979 |
Punong himpilan | Daang BIR, East Triangle, Diliman, Lungsod Quezon |
Mga tagapagpaganap ng ahensiya |
|
Pinagmulan na ahensiya | Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at Komunikasyon (DICT) |
Websayt | ntc.gov.ph |
Kasalukuyang pinamumunuan ang NTC ni Komisyonado Gamaliel Cordoba, na nanungkulan noong Agosto 2009, at naglingkod sa ilalim ng pamamahala ng mga dating pangulo na sina Gloria Macapagal Arroyo at Benigno Aquino III, at ng kasalukuyang Pangulo Rodrigo Duterte.[1]
Kasaysayan
baguhinNilikha ang Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon (NTC) sa ilalim ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 546 na ipinalaganap noong 23 Hulyo 1979 ni Pangulong Ferdinand Marcos, at kumonsulta sa mga tungkulin sa regulasyon at mala-hukuman na kinuha mula sa Lupon ng Komunikasyon (Board of Communications) at Kawanihan ng Pagkontrol sa Telekomunikasyon (Telecommunications Control Bureau), na binuwag sa parehong Kautusan.
Higit sa lahat, ang NTC ay ang natatanging lupon na may sakop sa pangangasiwa, pagpapasya at pamamahala sa lahat ng mga serbisyo sa telekomunikasyon sa buong bansa. Para sa mabisang pagpapatupad ng ganitong responsibilidad, pinagtitibay at itinataguyod ang mga nasabing alituntunin, panuntunan, at regulasyon na kaugnay sa operasyon ng establesimiyento at pagpapanatili ng mga iba't ibang pasilidad at serbisyo sa telekomunikasyon sa buong bansa.
Bagaman malaya kung tungkulin sa regulasyon at mala-hukuman ang pinag-uusapan, ang NTC ay nananatiling nasa ilalim ng pangangasiwa ng Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-impormasyon at Komunikasyon bilang isang kalakip na ahensya. Gayunpaman, tungsod sa mga tungkuling mala-hukuman, maaapela lamang nang direkta ang mga pasiya ng NTC sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas.
Bisa
baguhin"Hindi nakikialam" ang Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon mula noong 1995 sa pagpasa ng Batas Republika Blg. 7925[2] na mabisang nagderegulado at nagsapribado sa industriya ng telekom. Ikinakatwiran na ang pagiging "di-pakialamero" nito ay nagresulta sa pagkakaroon ng Pilipinas ng isa sa mga pinakamabagal na Internet sa Asya.[3] Sinabi mismo ng NTC na ang batas na iyon ay ang "dahilan kung bakit nahihirapan ang pamahalaan sa pangangasiwa ng serbisyo sa internet ngayon".[4]
Pinuno
baguhinPinamumunuan ang NTC ng isang Komisyonado na hinirang ng Pangulo.
Talaan ng mga Komisyonado
baguhinKomisyonado | Mula | Hanggang |
---|---|---|
Ceferino C. Carreon | 23 Agosto 1979 | 14 Marso 1986 |
Tomas C. Reyes | 14 Marso 1986 | 1 Abril 1986 |
Jose Luis A. Alcuaz | 23 Marso 1987 | 12 Nobyembre 1989 |
Josefina T. Lichauco (gumaganap) | 13 Nobyembre 1989 | 3 Setyembre 1991 |
Mariano E. Benedicto II | 4 Setyembre 1991 | 7 Enero 1993 |
Simeon L. Kintanar | 7 Enero 1993 | 31 Enero 1998 |
Fidelo Q. Dumlao (gumaganap) | 1 Pebrero 1998 | 15 Hulyo 1998 |
Ponciano V. Cruz, Jr. | 16 Hulyo 1998 | 14 Disyembre 1998 |
Joseph A. Santiago | 16 Disyembre 1998 | 8 Pebrero 2001 |
Agustin R. Bengzon (gumaganap) | 12 Pebrero 2001 | 25 Pebrero 2001 |
Eliseo M. Rio, Jr. | 26 Pebrero 2001 | 3 Hunyo 2002 |
Armi Jane R. Borje | 3 Hunyo 2002 | 16 Enero 2004 |
Ronald O. Solis | 19 Enero 2004 | 29 Nobyembre 2006 |
Abraham R. Abesamis | 30 Nobyembre 2006 | 10 Agosto 2007 |
Ruel V. Canobas | 13 Agosto 2007 | 31 Hulyo 2009 |
Gamaliel Asis Cordoba | 1 Agosto 2009 | kasalukuyan |
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Ranada, Pia (Hulyo 14, 2016). "Duterte retains Arroyo appointee Cordoba as NTC chief". Rappler. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 15, 2016. Nakuha noong Hulyo 14, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "REPUBLIC ACT No. 7925". Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 12, 2016. Nakuha noong Hunyo 27, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "National broadband only way to break telco duopoly". Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 27, 2016. Nakuha noong Hunyo 27, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PH Internet slowest in Asean". Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 23, 2016. Nakuha noong Hunyo 27, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Opisyal na websayt ng NTC Pilipinas Naka-arkibo 2020-12-04 sa Wayback Machine.