Nemesio E. Caravana

Si Nemesio E. Caravana (ipinanganak noong 1901) ay isang Pilipinong direktor pagkatapos ng digmaan. Una siyang lumabas pelikula bilang artista.

Ilan sa mga ginanapan niyang pelikula ay ang Florante at Laura ni Lila Luna ng Salumbides Co Ltd, ang Magbalik ka, Hirang ng Sampaguita Pictures at ang musical na Krisantemo ng Salumbides Pictures.

Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasunod dito ay pinagkatiwala sa kanya ng LVN Pictures ang una niyang pelikula ang Kaaway ng Babae kung saan tumabo sa takilya.[kailangan ng sanggunian]

Noong 1953 lumipat siya sa Premiere Productions at ginawa ang mga pelikulang Kapitan Berong at Carlos Trece. Marami siyang nagawang pelikula dito pati na rin sa mga kapatid na kompanya ng Premiere,, ang People's Pictures at ang Larry Santiago Productions.

Pelikula

baguhin

Panlabas na kawing

baguhin