Bronislava Nijinska

(Idinirekta mula sa Nijinska)

Si Bronislava Nijinska (Polako: Bronisława Niżyńska; Ruso: Бронислава Фоминична Нижинская, Bronislava Fominichna Nizhinskaya; 8 Enero 1891 (sa lumang estilo: 27 Disyembre 1890) - 22 Pebrero 1972) ay isang Rusang mananayaw ng ballet, koreograpo[1], at gurong may ninunong Polako. Natatangi siya dahil sa pagpapakilala ng bagong mga kaparaanan o tekniko sa klasikong ballet.[1] Kapatid niyang lalaki si Vaslav Nijinsky, na isa ring mananayaw at koreograpo.

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak si Nijinska sa Warsaw, Polonya. Nakapag-aral siya ng ballet sa Paaralang Imperyal ng San Petersburgo. Sumapi siya sa Ballet Russe ni Diaghilev ng Paris, Pransiya mula 1910 hanggang 1914. Nagsimula siya ng isang paaralan ng sayaw sa Kiev, Rusya noong bandang 1915. Noong 1921, nagbalik sa kompanyang Diaghilev bilang isang mananayaw at isang koreograpo, at nakagawa ng walong mga ballet. Kabilang sa mga ito ang Les Noces, Les Biches, at ang pagpapababalik ng Sleeping Beauty ("Natutulog na Kagandahan"). Noong 1937, naging direktora siya ng Polakong Balettt.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "Bronislava Nijinska". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 444.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Rusya at Sayaw ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.